Chapter 28

11.1K 255 48
                                    

Chapter 28: True story about the past

Ciara / Cyienna

Kanina pa ako nandito! Hindi ako makaalis pero nahkekwentuhan kaming lahat, e, ang kaso nakatali anh kamay ko habang nakaupo sa tanginang upuan na ‘to! At higit sa lahat, sinampal ako ng isang hayop na si Christian!

“Tangina niyo!” Umirap ako sa kanilang lahat.

“Tangina talaga kami—teka ano nga ang pangalan mo?” Tanong ni Gon.

“Ciara. Ciara ang pangalan ko!” May halong inis ang boses ko. “Kanina ko pa sinasabi tapos hindi niyo man lang makabisado! Tanga!” Inirapan ko sila. “At saka, pwede ba! Sabihin niyo na sa akin ang lahat! Parang tanga!”

“Mamaya na nga!”

Ay, tangina! Mamaya pa?! Ngalay na ang kamay ko! Kapag talaga ako nakawala dito, sasampalin ko silang lahat! Nakakapikon sila!

Sana naman may naghahanap sa akin! Anong oras na tapos hindi pa ako nakakauwi. Siguro, hindi pa alam ni Luther ang nangyayari sa akin ngayon. Busy kasi ‘yon! Malay ko ba na may ibang ginagawa ‘yon.

Baka nga hindi niya alam ang nangyayari ngayon sa ‘kin.

“Haiden.”

Napalingon ako sa nagsalita dahil may bumanggit sa pangalan ni Haiden, which is ‘yong lalaki na nakilala ko sa club at ang dahilan kung bakit ako umalis sa condo ni Luther noon.

Lumipat ang paningin ko sa pinto. At kingina, si Haiden nga! Alipores niya ang mga gagong ‘to?! So ibig sabihin kaaway talaga siya?!

“I’m busy and yet you called—shit, anong ginagawa mo dito?” Tanong niya nang makita ako. “Ciara, right?”

Tumango ako. “Oo.”

“Then why are you here, Ciara?” Ulit niya.

Bumalik ang inis ko nang maalala kung bakit ako nandito!

“Dinakip ba naman ako ng mga ‘yan! Sinampal pa ako! Kagagaling lang ng pasa ko sa labi tapos meron na naman!”

Nilingon niya ang pisteng dumakip sa akin. “Siya ba ‘yong tinutukoy niyo?”

Bigla namang tumango ang mga kingina.

“Kalagan niyo siya,” utos ni Haiden. “Kalagan niyo siya!” Tumaas ang boses ni Haiden kaya kumilos na sila.

Halos tanggalan na nila ako ng tali sa kamay. Sinampal ko agad silang lahat nang mawala ang tali. Isa isa ko silang sinampal with full powers.

“Aray!”

Mga nakahawak sila sa pisngi nila. Deserve!

“Ang sakit ‘di ba? Anong feeling?!” Tinaasan ko sila ng kilay. “Tanginang mga ‘to, hamapasin ko sa inyo itong silya!” Dinampot ko ang silya at mga lumayo sila.

“Sorry na nga, e,” nguso ni Glex.

Paduguin ko nguso mo!

Letse! Piste!

“Sorry?! Tadyakan kita r’yan!” Mga lumayo sila lalo.

“Ciara, stop. Ako na lang ang bahala sa kanila,” ani Haiden nang pigilan ako.

Inis pa rin ako!

“Hindi! Naiinis talaga ako! Dinakip ba naman ako at ang mga gagong ‘to, ininom ‘yong chuckie drinks ko?!” Iyon ang kinaiinisan ko! Kinuha ba naman kasi sa akin?! Nakakainis!

Akala mo binili nila kung makainom. Ininggit pa ako, ha?! Kapal ng mga ‘to!

“Ay, ‘yon ba ang kinaiinisan mo?”

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now