Chapter 12

12.9K 319 40
                                    

Chapter 12: Meet his Mom.

Ciara/Cyienna

Crush niya raw ako?! Putang ina, nagbibiro lang naman ako kanina. Malay ko bang palihim na pala niya akong crush, iba talaga nagagawa ng ganda ko.

Hindi ako makaimik dahil doon. Pinakuha niya ang sasakyan kanina kaya may nagamit kami pauwi. Tahimik lang ako kanina sa kotse tapos tuwing tumitingin siya... ang lakas mang-asar. Tumatahimik na lang ako kasi naiinis rin ako sa tingin niya.

"What's wrong with you? Why are you quiet?" Puna niya.

Nakatayo ako malapit sa lamesa habang nagpupunas ng table.

"Masama bang maging tahimik?"

Lumingon siya. "Well, it's just new. And looks like you can't move on from what I said." Mayabang na sabi niya, ngumisi pa siya sa akin.

"Bakit naman ako hindi makakamove on?" Patay malisya na sabi ko. "Crush lang naman 'yon." Crush nga... pero bakit ako kinikilig? Crush lang naman 'yon!

"Kaya nga... but it's different. Ako ang may crush sa'yo."

Ano ba naman 'to! Namula na naman ako dahil sa sinasabi niya.

Narinig kong natawa siya bago tumalikod. Sinundan ko siya ng tingin pero nang balak niyang lumingon tumingin ako sa lamesa, at hindi rin nagtagal dumiretso ako sa lababo.

Hugas naman na ang mga plato. Kakatapos lang kasi namin mag-breakfast. Hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin ngayong sabado pero naiisipan kong linisin ang condo niya kahit kakalinis lang yata nito noong nakaraan.

Trip ko lang pagurin ang sarili ko. Tsaka, hindi ko type ang style ng living room. Gusto kong ibahin! Since, pwede kong gawin ang gusto ko sa condo niya.

Wait... palitan ko kaya ng pink curtains ang window niya? How about the paint? Gawin ko kayang pink? Ano kayang magiging reaction niya? Masyado kasing black ang condo niya.

I mean, white ang pader pero 'yung mga gamit? Black lahat pati 'yung sofa niya. Itim rin.

Napangisi ako.

Gagawin kong pink ang curtains niya!

Nagtali muna ako ng buhok bago gumawa. Pumasok rin ako sa kwarto para kunin ang cellphone, binuksan ko ang speaker niya sa sala para mag-music.

"What are you doing?"

Napalingon ako sa likod. "Magmu-music, maglilinis ako, e."

"You don't need to do that. The service is cleaning this condo."

"Gusto kong maglinis, wala akong magawa." Sabi ko.

"Okay, bahala ka." Diretso lang ang lakad niya papunta sa harap ng gaming PC. Yes, may gaming PC po si Luther de Villareal dito sa living room niya.

Binuksan niya 'yon at nakita ko namang parang may lalaruin siya. Hinayaan ko na siya para magsimula sa agenda ko.

Inuna ko muna ang kitchen na ayusin kahit na malinis na. Pati refrigerator nilinis ko rin at napansin ko lang na wala ng pagkain dito.

Nang matapos sa ginagawa, iba naman ang nilinis ko para may natatapos ako.

"Ciara! Kanina mo pa pinapatugtog 'yan." Nagpupunas ako ng tv nang magsalita si Luther.

Kanina pa ako naglilinis ng condo ni Luther. Ipinagsasabay ko ang paglilinis at paglalaba. Sa ngayon, nagpupunas ako habang may malakas sa music sa buong sala.

Nakaharap sa computer at naglalaro siya. Panay ang galaw sa mouse tapos ang ingay ng keyboard. Hindi man lang ako tinutulungan maglinis ng condo niya pero sa bagay, trip ko naman 'to tsaka kaya ko 'to. Ako pa ba?

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now