Chapter 49

11.1K 232 47
                                    

Chapter 49: The Past

Ciena

When I found out that I was transferring to another school, I didn't think twice about choosing a school. My mother told me I'm having my High School here in the Philippines while they are having business here. May ipinapagawa kasi silang building at kailangan nilang makita ang progress.

My parents are both royalty. Ang dugong nananalaytay sa akin ay dugong bughaw katulad sa mga magulang ko. Kaya nga kinakailangan kong pumayag sa gusto nina Mama na itago kung sino ako, so I agreed changing my identity.

Iyon rin kasi ang gusto ng Mama ko, ayaw niya na malaman ng mga makakasalamuha ko kung sino talaga ako. That's why I changed my name into Siena Callein Mercedes, pero kung sakaling may mapagkakatiwalaan ako, maaari kong sabihin kung sino talaga ako.

Nang malaman ko na sa kung saan ako mag-aaral, I was so excited but half of me were nervous. First day sa klase kaya ang sabi ni Mama, huwag daw akong mahuli kaya ginawa ko.

Naglalakad ako sa corridor hawak ang papel kung saan nakalagay ang room number ko. Kanina pa ako umiikot dito at hindi ko alam kung nasaan na ako.

"Damn! Huwag kang magpapakita sa 'kin!" I heard a loud shout. Nilingon ko ang babae sa likod ko.

Baka pwede ko siyang pag-tanungan. Nakita ko ang pagdampot ng mga gamit niya mula sa sahig. She has glasses on her eyes.

Napansin niya yatang nakatingin ako kaya napalingon siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Hey!" nilapitan niya ako. "Kanina ka pa nakatingin sa akin. Uh, wait, I'm Gretchen Vanzel Fania by the way, but call me Gretchen to make it short. Are you new here?" She asked, smiling. She has a bangs at ang buhok ay hanggang balikat. "Uhm, hi?"

Kumurap ako. "Uh, yeah, I am new here. Alam mo ba kung saang floor 'to?" Pinakita ko 'yong papel na hawak ko.

Kinuha naman niya 'yon. "Room 412-C, same room tayo!" parang natuwa pa siya. "Let's go para hindi tayo ma-late kasi strict ang first sub natin. Uhm, wait, transferee ka pala, so you don't have any notes. Teka, saan ka pala nag-aral?"

Ang daldal naman niya.

"From France," sagot ko.

Her mouth formed an 'o' as she nodded. "Oh, okay! Bigyan nalang kita ng notes, so you could follow the lesson. Teka, hindi ko pa alam ang name mo."

Tumigil kami sa pinto ng isang room. Napatingin sa akin ang mga estudyante na nasa loob, pero ang tingin ko ay nasa harap lang kung nasaan ang Teacher.

"You're the transferee-Miss. Fania, you're late... again!" sabi ng Teacher nang makita si Gretchen sa likod ko.

"Sorry po. Last na 'to!" Natatawa siyang pumasok sa loob at sinundan ko naman siya ng tingin.

"Anyway, since you're here Miss, kindly introduce yourself in the class before I start a lesson and later, I'll give you our past handouts para mapag-aralan mo," sabi ng Teacher kaya tumango ako.

Pumasok ako sa loob ng room. Tumingin ako sa lahat at sinabi ang peke kong pangalan. Ngumiti ako bago umupo kung saan sa tabi ni Gretchen. Pinaalis niya kasi ang katabi niya para raw tabi kaming dalawa.

"Ang ganda ng name mo," komento niya.

"Thank you," ngumiti ako bago tinuon ang paningin sa lahat.

Sa bawat araw na lumilipas ay maayos ang takbo ng pag-aaral ko. Kasama ko parati si Gretchen dahil siya lang naman ang kinakausap ko palagi, pero aminin ko man o hindi palaging may nakakaagaw ng atensyon ko.

"Natural ba ang kulay ng mata mo?" Nasa cafeteria kami ni Gretchen, nagpapalipas ng oras.

Tumango ako. "Oo naman," sagot ko.

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon