Chapter 19

12.5K 292 125
                                    

Chapter 19: Agawan

Cyienna / Ciara

"Have you found any infos about your mother?"

Balak ko na sanang bumaba kaso nagtanong pa si Luther.

"Uhm... konti lang kaso wala pa rin, e. Kailangan ko pa rin maghanap about sa past niya. Baka may mahanap pa ako."

"You want me to find her some other information?"

Umiling agad ako. "Huwag na!"

Tumango siya. "Actually, I looked to your system," aniya.

Kusa akong lumingon sa kaniya.

"Kinalkal mo ang identity system ko?!" Shit, what if may nakita siyang iba d'on?!

"Yeah, but I didn't find any info about you. And according to your info, you're father's name weren't there."

Iniba ko ang identity system ko. Iyong nakita niya... fake lang.

"Iyong sa mama mo, wala akong makita kaya... paano ka nakahanap ng konti?"

Tuluyan akong hindi nakasagot sa tanong niya. Nakatingin siya sa akin.

"Hindi naman lahat... may iba pa rin paraan. Hindi lang ang about d'on, may ibang way para mahanap ang past ng mama ko."

"I know but how can you do that? Did you know about your mother's other family? Or did you ask them?"

Ang sakit magsinungaling sa harap niya pero 'yon lang ang way, e, para manatili ako sa Pilipinas.

"N-Nagtanong... nagtanong ako sa isang kakilala ni Mama," sorry for the lies, Luther. "May konti raw siya na a-alam..." kinagat ko ang ibabang labi.

"Then that's good... just tell me if you need help," he smiled.

Pilit akong ngumiti bago tumango.

"Bababa na ako," sabi ko at tumango naman siya.

Bumaba ako sa kotse niya. Huminga ako nang malalim bago maglakad papunta sa school.

Alam kong hindi malabo... but I know. He will hate me once he find out that I was lying in front of him. Alam kong kamumuhian niya ako sooner or later.

Napabuga ako nang hangin bago mag-angat ng tingin sa langit. Maliwanag na at hindi na rin umuulan. Sobrang init na nga, e.

Maraming tao sa buong hallway nang makapasok ako sa school. Nakita ko agad si Audrey na wala sa mood. Pansin kong may sugat siya sa labi.

Anong nangyaring sa babaeng 'yon?

Hindi ko na 'yon pinansin dahil baka maging malas ang buong maghapon ko.

At syempre hindi mawawala ang pagpunta ko sa restroom.

Ugali ko na 'yon, hehe.

"Magre-restroom ka na naman?" Nandito na pala si Luther.

Ang bilis naman... sabagay naka-kotse nga pala siya.

"Oo, bakit?"

"Wala naman," umiling siya. "Tara."

"Anong tara?"

"Sasamahan kita."

"Ulol, doon ka na lang sa taas." Balak niyang umapila kaso naglakad ako palapit at umatras naman siya. Wala siyang nagawa kundi ang umakyat.

"Mga babae talaga ang bangis-bangis..." narinig kong sabi niya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko at balak sanang umakyat.

A Runaway Royalty (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang