Chapter 21

11.2K 248 63
                                    

Chapter 21: Almost caught?

Cyienna / Ciara

Nasa labas ako ng condo at kanina ko pa binubuksan ang pinto kaso hindi ko magawa. Nakakailang attempt na ako ng code kaso wala pa rin.

Wala pa kasi si Luther. May binili siya saglit tapos sabi ko, aakyat na ako.

"Why are you still here?"

Lumingon ako sa kaliwa at nakita kong may hawak siyang chuckie drinks. Bukas na 'yon, uminom na siguro siya. Sana binili niya ako! Favourite ko 'yon. e.

"Hindi ko mabuksan, wrong code daw. Pinalitan mo?" Tanong ko. "Kahit sa fingerprint ayaw, need rin ng code."

"I changed the code."

"Anong new code?" Tanong ko.

"When I met you on the plane."

Alam ko 'yon! Iyon din kasi ang araw na nadamay ako sa away nila ni Luke.

"Wow, may pa-gano'n ka na, ha?" Sabi ko.

Nagbukas ang pinto kaya una na akong pumasok. Pinatong ko ang bag sa sofa bago buksan ang tv. Nahiga ako sa sofa habang nagsscroll sa netflix.

"Crush kasi kita, actually I was about to put the day when I had a crush on you but I changed my mind."

Nuxs, may date kung kailan niya ako naging crush. Ako kasi basta maging crush ko na, crush ko na talaga. Tatlo lang mga naging crush ko siya sa France

"Kailan mo ba ako naging crush?"

"July 29, 2017." Sagot niya.

Nasamid ako dahil alam niya.

"Ikaw?"

"Anong ako?" Tanong ko.

"Kailan mo 'ko ika-crushback? You should be thankful dahil ikaw lang ang crush ko. I'm loyal to you."

"Loyal mo mukha mo."

"Ikaw nga lang crush ko. Alam na nga ng buong pamilya ko," narinig ko ang huling sinabi niya.

Napalingon ako. "Hoy!"

"It's true, they know about you because of my Mom."

Sinabi ni Tita Gretchen? Gago, seryoso ba?

"Paano?!"

"Sinabi ko kay mommy tapos sinabi niya," aniya bago inumin ang chuckie na nasa kamay. "Kaya dapat, Lila, i-crushback mo 'ko para hindi nakakahiya na ako lang ang may sa 'tin. I'm not ashamed that I have you, I mean I have a crush on you."

Shit naman... bakit ang dali naman kay Luther na magsabi ng ganito? Na crush niya ako? Hindi ko kinakaya. Makapal naman ang mukha ko pero ang sabihin na may crush ako sa isang tao hindi ko magawa.

Kahit nga mag-first move, e. Puputi na lang yata ang uwak hindi ko pa rin nagagawang mag first move sa crush ko.

"Alam mo, hindi 'yan totoo. Malay ko bang nagbibiro-."pinutol niya ang sinasabi ko.

"I told you, I'm not joking. It's not even a joke." Hindi ako nagsasalita kaya nagpatuloy siya. "Do you think I'll let you here if I didn't feel that?"

Nilingon ko siya.

"Ah, so kaya hinayaan mo ako dito dahil crush mo 'ko?"

Umiling siya. "Hindi. Nagandahan kasi ako sa'yo noong nakita kita sa airplane," tumitig siya sa 'kin. "And your smell is really good."

Wala pa kaya akong ligo n'on. Iyong pabango ko ang ginawa kong pampaligo. Pero at least mabango ako.

"Actually, Luke was right." Biglaan sabi niya.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now