Chapter 32

11.4K 262 64
                                    

A/N: if confused kayo what Sobredosis song is, you can listen to the song above.

-

Chapter 32: Someone's watching

Cyienna / Ciara

Nasa labas pa rin kami ng simbahan. Wala na dito ang kapatid ni George dahil kinuha na ng mommy niya. Nakaupo ako sa monobloc chair dahil nasira ang sandals ko noong tumatakbo kami ni Iya.

Wala akong pamalit kaya ito kanya kanyang hanap ng paraan sina Luther para lang may maisuot ako. Nakakainis nga, e. Ang ganda pa naman ng sandals ko, Gucci pa man din.

Halos mag isang oras na akong naghihintay dito.

Napalingon ako sa parking lot nang makita sila. May hawak na paper bag si Lawrence. Nilapit niya 'yon sa mukha ni George kaya binawian siya ng batok. Masama naman agad ang tingin ni Lawrence.

Nagtaas ng middle finger si George and to my fucking horror, nagtawanan silang lahat! Wow naman!

Nang makalapit sila sa akin agad ko silang tiningnan.

"Here's your sandals," sambit ni Lawrence. "That was expensive. Look, Gucci."

Ay, Gucci nga! Baby block heel sandal ang style nito, ang alam ko mahal 'to, e.

"Binili namin 'yan," simpleng sagot ni Luke. "Hati-hati kami."

"Ha?!" Gulat kong sabi. "Seryoso ka?!"

Tumango sila.

"Yeah, we bought that. It wasn't expensive at all."

Wow. Gucci 'yan, ah, tapos 'wasn't expensive at all'? Wow naman, kay yaman n'yo naman pala.

"Akin na nga," binigay naman ni Lawrence sa akin ang paper bag. Binuksan ko 'yon at Gucci nga ang nakita kong tatak.

Sinuot ko na lang dahil sakto sa size ko. Tumayo na ako pagkatapos.

"Paano niyo nalaman ang size ng paa ko?"

"I know your size," kaswal na sagot ni Luther kaya tumango na lang ako.

Alam naman talaga niya ang size ko, may list kasi siya sa notes ng phone niya. Lahat ng tungkol sa akin nandoon.

"Magkano naman 'to?" Tanong ko ulit.

"55, 092. 34."

Muntik na akong mapamura sa presyo. Ang mahal nga! Jusmiyo naman!

"Tara na sa reception," yaya ni Slade. "Gutom na ako."

At 'yon ang ginawa namin. Pumunta kami sa reception. Sa sasakyan ulit ako ni Luther dahil wala naman akong sasakyan.

Nasa reception na kaming lahat. Nagkahiwalay kami dahil kailangan pumunta nina Slade sa mga magulang nila.

Hindi ko rin alam kung nasaan na sina Tita dahil nauna silang pumunta dito kanina. Nakarating na pala ang newlywed.

Umayos ako ng tayo. May nakita akong vacant table na walang tao kaya do'n ako dumiretso. Binaba ko ang clutch bag ko bago naupo ng tahimik.

Pumalakpak ako nang makitang may pa-event ang Host. Tuwang-tuwa ang mga tao habang nanonood. May mga nagbibigay rin ng message sa kanila. Napangiti ako habang nanonood.

"Miss. Ciara po?" Sulpot ng waiter.

Nag-angat ako ng tingin. "Ah, opo. Bakit po?"

"Naka-reserve na po ang VIP hotel room niyo sabi ni Madame Sapphire, and ito na po ang pagkain niyo. Kanina pa po 'yan, kayo na lang po ang hinihintay."

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon