Chapter 18

12.5K 290 202
                                    

Chapter 18: Flashlight

Ciara / Cyienna

Kakatapos lang ng klase kaya ito pababa na kami. Hindi ko alam kung saan pa sila pupunta pero alam kong may pupuntahan sila.

"Halika na kasi Luther, sumama ka na," pilit ni River kay Luther.

"Ayoko nga."

Hindi ko alam kung saan pinipilit ni River si Luther, halatang ayaw nga ng lalaking 'to.

"Bakit ba ayaw mo?" Tanong ni Wyatt.

"I need to do something," simpleng sagot ng katabi ko.

"Hindi ka na sumasama sa mga gimik natin these past few days, may kinaabalahan ka siguro sa condo mo."

Muntik akong malaglag sa hagdan dahil sa acussation ni Carson kay Luther.

"Masama bang manatili sa condo?" May halo ng inis ang boses ni Luther.

"Hindi naman, nagtataka lang kami kasi hindi ka naman laging ganyan. Siguro may iba kang tinatago sa condo mo?"

Pilit akong hindi gumawa ng reaksyon sa mukha ko.

"Wala kayong pakialam, I'd rather stay in my condo." Pasimple niya akong nilingon.

Hindi ako nag-salita dahil baka lumala lalo ang usapan nila. Nagpahuli ako dahil gusto kong mag-restroom. Hindi naman nila ako napansin kaya mabilis akong tumalikod para dumiretso sa restroom.

Hindi naman ako nag-tagal sa pag-cr, nagtagal lang ako dahil inayos ko pa ang sarili ko at sa kasamaang palad... dumating si Eloisa at ang bitch friend niyang si Audrey.

Wala si Rona at Jillian!

"That bitch is the one who slapped me, Eloisa," tinuro ako ni Audrey.

Sumbong mima naman 'to.

Tumigil ako sa pagsuklay ng buhok. Tumingin ako kay Eloisa mula sa reflection ng salamin. Tumingin rin siya sa akin at halos magtitigan kaming dalawa.

Ilang minuto rin 'yon hanggang sa mangati ang isang mata ko, nagmukha tulong kindat nang ipikit ko ang isang mata ko nang mabilis.

Binalik ko ang tingin kay Eloisa.

Luh? Problema nito at biglang namula?

Umayos rin naman siya. "Why did you do that?" Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Halos bumaon ang kuko niya sa akin.

Tanginang kuko 'yan.

"Inaaway niya ako kaya sinampal ko siya," inalis ko ang kamay niya. "Dapat kasi hindi niya ako inaaway para hindi ko siya sampalin."

"But you started it," epal na sabi ni Audrey.

"Mukha ka naman kasi talagang coloring book," irap ko. "At saka ano bang feeling mo? Maganda ka? If feeling mo gano'n, pagaling ka sa hospital kasi you're not feeling well, my dear."

"How dare you!" Sinugod ako ni Audrey nang hawakan ako ni Eloisa. Hinila niya ang buhok ko kaya napasigaw ako sa sakit.

Sinampal pa ako ng dalawang beses.

"Ano ba Audrey?! Tangina mo, Eloisa, 'wag mo 'ko hawakan! Aray!" Kinalmot niya ako sa braso.

Malakas kong tinulak si Audrey dahilan para bumagsak siya sa tiles. Hinawakan ko si Eloisa sa kamay niya at binagsak kay Audrey na nasa sahig.

Kinuha ko rin ang isang balde ng tubig kung saan nakalagay ang mop. Ibinuhos ko sa kanilang dalawa ang tubig kaya halos mapatili silang dalawa.

"Ah!" Malakas na tili ni Eloisa.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now