Chapter 53

10.2K 219 14
                                    

Chapter 53: Marriage

Cyienna

Pinaalis ko na muna sina Mama dahil gusto kong matulog. Ang sama ko ba? Sorry, ha. Ang ingay kasi nina Mama at Papa, laging nagbabardagulan sa harap ko. Nagbabarahan ba naman tapos itong si Papa, walang masagot kay Mama kaya napapairap nalang.

Mag-asawa nga naman... teka, hiwalay na ba sila o kasal pa din?

Iniling ko nalang 'yon. Nakahiga ako sa kama habang nakapikit, walang balak matulog. Gusto ko lang talaga mapag-isa dahil hanggang ngayon... hindi pa rin ako pinapansin ni Luther. Ang sakit lang dahil ang lamig ng tingin niya sa akin.

May kumatok nang sunod-sunod at paulit-ulit. Imposible namang si Luther 'yon dahil kanina pa 'yon umalis.

"Alam mo, Steph, kung ikaw 'yan, umalis ka nalang." Nagtalukbong ako ng kumot.

"I want to talk to you."

Napabangon ako nang wala sa oras nang marinig ang boses ni Luther. Napaayos ako ng upo. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng kama ko. Pinaglalaruan niya ang susi ng kotse niya sa daliri, nakatitig siya sa akin pero kaagad rin nag-alis ng tingin.

"A-Akala ko umalis ka na..." nautal pa ako.

Binalik niya ang tingin sa akin. "I'm with someone earlier, but I came back here to talk to you."

Sinong someone naman 'yon?

"Hannah Davis."

Nabasa niya ang nasa isip ko. Wow, pero sino nga 'yon?

"A friend, who's studying Law. I'm asking about what will happen if marriage-why the heck I'm explaining," bulong niya sa sarili. "Anyway, can we just talk?"

Tumango ako. Alam ko naman kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. Alam ko rin naman na marami siyang tanong. Hindi ko alam kung saan magsisimula hanggang sa sinimulan ko sa paghingi ng sorry sa kaniya.

"I'm sorry," sabi ko, punong-puno ng sinceridad ang boses ko.

Nakatingin lang siya sa akin. Ni wala siyang balak magsalita. Blanko lang ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"Your time is running, speak up," utos niya. "Explain it, I want to hear your explanation."

"I'm sorry kung nagsinungaling ako sa'yo, hindi kong intensyon na gawin 'yon. Gusto ko lang itago ang sarili ko kay Mama dahil noong umalis ako ng US, balak naming pumunta sa Royal Palace para gawin ang training ko bilang Reyna, kailangan ko 'yon para maging handa ako sa pag-pasa sa akin ng isa pang henerasyon. Ako ang susunod sa kaniya bilang Reyna pero hindi ko 'yon gusto, pero kahit na ayaw ko, kailangan kong gawin dahil 'yon ang kasunduan namin, na ako rin mismo ang sumira. Tumakas ako sa kaniya at kaya tayo nagkita sa eroplano dahil 'yon ang araw na tumakas ako mula sa kaniya."

"Nagkataon na rin na ginusto kong hanapin si Papa, inisip ko na baka nasa Pilipinas siya. At oo, nagsinungaling ako sa parte ko na sinabi ko na isa akong maid. Na nagmula ako sa mahirap na pamilya, iyong mga gamit ko... galing 'yon mismo sa akin," sambit ko, nanginginig na ang boses ko. "Hindi ko masabi sa 'yo dahil baka pati ikaw... sabihin sa iba, natatakot ako na baka sa oras na malaman mo, ipagtulakan mo ako para bumalik sa France. Nanatili akong nagsinungaling sa 'yo kahit na nakakaramdam ako ng konsensya... sa araw-araw. Pero unti-unti na akong nabubuking, at nalaman na ni Lawrence..."

"So, totoo lahat ng sinabi ni Lawrence sa akin..." mahinang sabi niya.

Tumango ako. "O-Oo, totoo ang mga 'yon. Hindi ko magawa na ako ang umamin dahil natatakot ako na... ipagtulakan mo ako..." nanginig ang labi ko. "Na baka... kapag nalaman mo... layuan mo ako o ano man... ang daming pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung t-tatanggapin mo ba ako? Itutulak palayo? O ano man, natakot akong mawala ka... dahil mahal k-kita..." napapikit ako, tinakpan ko ang mukha gamit ang palad doon humikbi. "Umabot na sa puntong pinili ko na hindi magsabi ng totoo, huwag ka lang mawala kahit na alam kong may masasaktan ako."

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon