Chapter 36

10K 265 31
                                    

Chapter 36: No more caughting 

Cyienna / Ciara 

May pasok na kami ngayon kaya ito kumpleto—hindi pala. Hindi pala kami kumpleto. Wala rito si Lawrence. Absent siya for the whole day.

Wala namang nangyayari ngayong araw, e. Sa Friday na Ang ball night naming lahat kaya nagpa-pravtice na kaming lahat ng sayaw.

Nasa rooftop ako ng School dahil gusto kong mapag-isa. Nag-iisip kasi ako ng mga bagay-bagay, gusto ko munang mapag-isa kahit papaano.

Alam na talaga ni Lawrence… kinakabahan ako baka ilaglag niya ako—ay, hindi, nilaglag na niya talaga ako! Hindi lang naniniwala si Luther sa kaniya… pero pinipilit ni Lawrence na sabihin!

Napahilamos ako sa mukha.

Tangina! Paano nalaman ni Lawrence? 

"Cia…" 

Napaangat ako ng tingin at si Luke ang nakita ko sa pinto ng rooftop.

"What are you doing here?"

"Wala, gusto ko lang mapag-isa," tipid akong ngumiti bago ituon ang paningin sa harap.

Naramdaman ko namang naupo siya sa tabi ko. Napalingon tuloy ako sa kanya.

"Are you okay?" Mahinang tanong niya habang nakatingin sa akin. His eyes were soft while looking at me.

Tumango ako. "Oo naman… ayos lang ako. May iniisip lang."

"And what is that…?" Nag-aalangan pa siyang magtanong.

"Tungkol sa… buhay ko. Ang dami ko kasing iniisip, e," mahina akong natawa pero kaagad rin nawala. "Uhm… 'Di ba, Luke, sabi mo… may kakayahan kang maghanap ng tao, uh, information tungkol sa tao?" Tumango siya. "Pwede mo ba akong tulungan?" Halos magmakaawa ako sa kaniya dahil nahihirapan na talaga ako. Ang dami ko nang iniisip.

Baka sumabog na ang utak ko sa mga iniisip ko. Kailangan ko ng gawin ang lahat bago pa magkabunyagan. Bago pa malaman ng lahat ang tungkol sa akin. Kailangan ko ng malaman ang lahat.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. "Sure… what is it? You can tell me. I'll help you sa abot ng makakaya ko."

Mabuti nalang talaga nandito si Luke!

"Salamat pero pwede bang atin-atin lang 'to? Iyong mga sasabihin ko sa 'yo." Tumango siya bilang pagsang-ayon. 

"Your secrets are safe with me… I won't tell anyone, I promise," ngumiti siya.

Napangiti ako. "Ah, Luke, ano kasi… may hinahanap akong tao kaso wala akong clue sa kaniya. Hindi ko siya kilala, wala akong alam sa name niya kaya nahihirapan ako."

"Okay…" naghihintay siya sa sunod kong sasabihin.

"Kaya ako nandito para hanapin siya… iyong Papa ko…" nakita kong umawang ang labi niya sa sinabi ko. "Kaso wala pa rin, eh. Naghahanap ako ng tungkol sa past ng Mama at Papa ko kaso wala akong mahanap, may nakita ako sa isang website… iyong mama ko may kasama siya do'n pero hindi makita ang mukha at gano'n lang palagi. Sinubukan ko nang magpatulong sa kaibigan ko kaso konti lang ang nahanap niyang information."

"Tapos itong nakaraan, may nakita pa akong picture… nakita ko ang picture ni Mama noong buntis siya, pero alam kong hindi ako ang ipinagbubuntis niya noon dahil 2000 ako ipinanganak at ang date na 'yon ay 1998. Kaya nadagdagan ang iniisip ko na baka may kapatid ako, pero wala rin naman akong maalala…" nangilid ang luha ko. "Pero gusto ko talagang malaman lahat kaya kailangan bago… malaman ng lahat kailangan ko munang malaman ang tungkol sa Father ko. Gusto ko na rin siyang makita at makasama…" tuluyan na akong napaiyak. 

A Runaway Royalty (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang