Chapter 4

16.7K 370 24
                                    

Chapter 4: Black Section-6

Ciara/Cyienna

Nakakaasar talaga, bakit ba ako pumayag na manirahan dito? Nakakainis, akala ko pa naman makakatulog ako nang maayos, hindi pala. Tapos itong si Asul, daig pa na ako ang yaya niya! Tipong uupo man lang, hindi ko magawa! Dahil sa kaniya!

Tapos ang gusto niya, tatawagin ko siyang master?! E, syempre ako itong nakikitira, um-oo na lang.

"Plantsahin mo 'to." Binigay niya ang white sleeve uniform sa akin pati ang color gray na uniform blazer. "Ayoko nang may makikitang gusot, gusto ko maayos."

Putang ina naman... kanina pa niya ako inuutusan. Simula pag-gising ko, utos niya ang sumalubong sa akin. Hindi ko natatapos ang mga inuutos niya dahil tipong gagawin ko, may panibagong utos na naman siya.

Nagluluto pa ako ng bacon at ham! Tapos magpaplantsa ako? Gusto niya yatang magkasemi sunog sa condo niya.

"Teka lang naman, nagluluto ako. Kaya mo na 'yan." Sabi ko dahil basic na gawin ang pagpaplantsa bukod sa pagsasaing. Binalik ko ang uniform sa kaniya.

"Luto ba 'yan?" Tukoy niya sa bacon at ham na... medyo sunog. Medyo lang naman!

Ouch, nang-insulto pa siya ng niluto ko. Buti nga pinagluluto ko pa siya.

"Maybe you forgot what you cooked last night. Sinayang mo 'yung isda, sinunog mo." Excuse me?! Hindi ko 'yon sinunog! Hindi ko 'yon sinasadya.

"Correction! Nasunog, hindi sinunog. Magkaiba 'yon." Irap ko bago nilapag ang kakainin niya sa lamesa. "Tsaka, basic na gawain na 'yan. Hindi mo pa rin alam? Hindi mo pa rin kaya?"

"Just do it." Pabagsak niyang binigay ang uniform at blazer sa akin. "Plantsahin mo tapos bilisan mo para makakain na tayo." Basta basta siya pumunta sa balcony habang may kinukuha sa bulsa niya.

Big word 'yon, ha? Sabay kaming kakain? Sa pagkakaalam ko kasi, ayaw niya. Kaya nga sa kwarto ako kumain kagabi dahil ayaw niya raw makita ang mukha ko!

Wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa kwarto ko para plantsahin ang uniform ng mahal na Hari. Inis kong sinaksak ang plantsa, kinuha ko na rin ang uniform ko sa closet... yes, may uniform na ako.

Mabait pala siya... pero slight lang dahil siya ang bumili ng uniform ko. Hindi ko rin naman kasi inakalang gagawin niya, nagising na lang ako at paglabas ko... diretso niyang hinagis ang uniform sa pagmumukha ko! Piste na 'yan! But still thankful tayo dahil hindi ako makakapasok kung wala akong uniform.

Dahan dahan lang ang ginawa ko, baka kasi magreklamo ang mahal na hari kung sakaling masunog ko ang uniform niya.

Biruin mo, isa akong Prinsesa tapos inuutus-utusan lang ng kumag na 'to. Tumayo ako saglit para kunin ang blazer ni master, baka nagrereklamo na siya sa labas.

Pero namilog ang mata ko nang makita ang plantsa na lumiliyab nang makabalik ako sa pwesto ko. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin, kung sisigaw o ano. Pero nang makita ang sobrang liyab napasigaw ako.

"Putang ina! Sunog! Sunog! Shit! Shit! Sunog!" Kinuha ko ang unan para alisin ang apoy sa uniform ni Asul. "Shit! Asul! May sunog!"

Nakarinig naman ako ng yabag ng sapatos sa labas ng kwarto. Biglang bumukas ang pinto at bumungad doon si Asul.

"What the fuck, Ciara?!" Gulat rin siya nang makita ang apoy. "Move away for fucking sake!" Sigaw ni Asul habang nakatingin sa apoy. "Fuck! Fuck!" Mabilis siyang tumalikod at pagbalik may dala na siyang fire extinguisher, mabilis niyang binuguhan ang plantsang umaapoy.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now