Chapter 27

11.2K 266 28
                                    

Chapter 27: Missing

Cyienna / Ciara

Kakatapos lang ng klase kaya nakaayos na ako. Medyo nakakapagod lang dahil ang dami naming ginawa sa PE kaya mamaya pag-uwi sa condo, maliligo agad ako para makapagpahinga.

Mga nasa labas na sila at ako naman binabalik ang mga gamit ko. May hinahanap rin ako kanina pa. Iyong yellow paper kung nasaan nakalagay ang sulat ko, hindi ko makita.

Kanina noong nagrestroom ako sinilip ko 'yon at hindi pa nakukuha pero pagbalik ko wala na. Imposible namang kinuha 'yon ng taong kasulatan ko dahil alam ko, nag-iiwan rin siya ng sulat pero ngayon ay hindi.

Nasaan na 'yon?

"Cia!"

Napatigil ako sa paghahanap ng sulat nang may sumigaw sa pangalan ko.

"Ciara!"

Lagi na lang may sumisigaw sa pangalan ko!

"Ano?" Tanong ko kay Carson.

"Gusto mo bang sumama sa amin? Punta kaming billiard."

"Hindi na, kayo na lang."

Ayoko lang talagang sumama! Next time na lang siguro?

Napatingin ako kay Luther nang dumating siya. Galing siya ng boys restroom. Madalas na nga siyang mag-restroom, e. Nahahawa na siguro siya sa akin na laging nagrerestroom.

"Ikaw, Luther?" Yaya ni Carson.

Umiling si Luther. "No thanks," tanggi niya.

"Awit, ano bang meron sa inyong dalawa?" Tanong ni Carson habang nakatingin sa amin ni Luther. "Si Luther, laging tumatanggi sa lakad namin tapos ikaw, Cia, ayaw mong sumama."

Ayaw lang talaga namin lumabas ng condo. Mas masaya kasi sa condo.

"Ah, ayoko lang talaga. Alam mo na... gusto kong sa condo lang-." Napatigil ako sa pagsasalita.

Napatingin din si Luther sa akin pero walang bakas na gulat o kaba sa mukha niya.

"Sa condo ka pala nakatira? Saang condo? Baka pwede ka namin bisitahin."

Hindi nila akong pwedeng bisitahin!

Napakamot ako sa noo. "Ah, sa ano... malayo," sagot ko. "Huwag ka nang magtanong. Umalis ka na dito."

"Ang secretive person mo naman," napanguso siya. "Baka may secret boyfriend ka, ha!"

"Huh?! Wala, ah!"

"Kaya nga baka, e. Sige, una na ako pero next time, ah!" Paalala niya bago tumalikod.

Sinundan ko siya ng tingin bago ilipat kay Luther.

"Ciara, sa tingin ko... mahuhuli na tayo sa susunod dahil sa bibig mo," napailing si Luther.

"Nadulas lang naman, next time hindi na..." natawa ako bago ulit humarap sa locker.

Nasaan na ang sulat na 'yon? Hindi ko makita!

"Let's go," yaya niya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko makita ang sulat! Sinara ko na lang ang locker para makaalis na.

Pumunta na kami sa parking lot. Syempre, back to normal. Kailangan kong pumunta sa waiting shed para lang hindi kami mahuli na magkasamang uuwi.

Nakita ko pa sina Jarrell at ang iba bago ako magtago. Ayokong mahuli kami, ano!

Sumakay na ako sa kotse matapos kong makita si Luther. Nakabukas naman agad ang kotse niya. Ni-lock niya ang pinto nang makapasok ako.

"Sasama ka ba sa gimik nila?" Tanong ko kahit tumanggi na siya kanina.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now