Chapter 46

10K 252 34
                                    

Chapter 46: Positive

Cyienna / Ciara

Napagdesisyunan kong huwag munang pumasok ngayong Wednesday, at syempre si Luther rin. Buntot ko 'yan, eh. Kung ano 'yong gusto kong gawin, 'yon rin ang gagawin niya kaso minsan may napapansin ako sa kaniya.

Busy siya sa loob ng office niya, doon sa taas. Hindi talaga ako pwedeng pumasok doon kahit gustong-gusto ko makita ang loob.

Damot amp!

Nang makarating sa coffee shop, umorder ako ng iced coffee at cheesecake. Nag-crave rin kasi ako bigla dito, pero pinag-take out ko si Luther para naman hindi siya magreklamo kung bakit hindi ko siya dinalhan.

Naupo kaagad ako nang makuha ang order ko. Magpapalipas lang muna ako ng oras dito. Alam kong busy pa rin 'yon sa ginagagawa niya kaya dito muna ako tatambay.

"Huy, Miss. Violet eyes!"

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Khaos.

"Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Napanguso siya. "Hinatid ko lang si Sir. Lane, dito kasi ang meeting nila. Sige, Sir, alis na ako! Alis na ako!"

Tinanguan ko siya. Napatingin ako kay Tito Lane na kakarating lang. Wala pa pala 'yong ka-meeting ni Tito kaya nilibre ko siya ng kape! Minsan lang siya malibre 'no kaya ako na ang gumawa.

May kinukwento nga ako kay Tito at nakikinig lang siya, minsan natatawa. Kinukwento ko ang karanasan ko sa France, lahat ng mga katangahan ko noon. At pati ako natatawa nalang.

"Huwag po kayong maingay kay Luke, ha? O kaya kina Luther, please po?" Pakiusap ko, tumango naman siya. "Hindi po talaga Ciara Callista Martell ang pangalan ko."

Naguluhan naman siya. "What do you mean?"

Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Princess Cyienna Calixta Marcielo po ang tunay kong pangalan. Queen po ang mama ko sa France. Tumakas lang po ako noong sinabi niya na magseserve na ako sa Palace, si Ciena Callah Marcielo po ang pangalan ni mama. Nagsinungaling ako sa pangalan ni Mama noon noong tinanong niyo ako. Malupit kaya si Mama kaya nga po ako umalis sa US kaso hinahanap na niya ako." Napanguso ako. "Nakita ko ang tauhan ng kaibigan Mama sa School namin noong ball night kaya nga ako kinakabahan dahil baka nagsusumbong na."

Hindi ko alam pero biglang napatigil si Tito Lane, nakatingin lang siya sa akin habang pinoproseso ang sinasabi ko.

"Tsaka, ayaw niya akong papuntahin sa Pilipinas dahil alam kong ayaw niyang mahanap ko ang father ko. Ewan ko ba do'n kay Mama, lakas ng trip. Pero naiintidihan ko naman. Sinaktan siguro siya kaya siya gano'n? Pati tuloy ako nadamay sa kalupitan niya."

Nakatingin lang sa akin si Tito. Parang wala nang salita na lalabas sa bibig niya.

"Y-Your Mom, her name is Ciena Callah?"

Tumango ako. "Opo, kilala niyo po? Sabagay, lahat kilala si Mama. Reyna nga naman. Mabuti nga po hindi ako namumukhaan, eh." Mahina akong natawa.

Gano'n parin ang reaction ni Tito. Tumunog na ang cellphone ko at si Luther ang natawag. Nagpaalam na ako kay Tito Lane dahil nasa labas si Luther para sunduin ako kaya pala siya tumawag.

Sana lang hindi ipagkalat ni Tito ang sinabi ko. Pero hindi naman niya siguro gagawin 'yon.

Days passed and I continued searching for my father. I tried to hack my mother's system para lang mahanap. Masyado nga lang tago ang ginagawa ko dahil ayokong malaman ni Luther.

Paulit-ulit at halos araw araw akong gumagawa nito. May nagbigay sa akin na private investigator at 'yon ay si Julio, ang tumutulong sa akin para lang mahanap ko.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now