Chapter 52

10.5K 238 21
                                    

Chapter 52: Reunited

Cyienna

Masakit ang ulo ko. Nararamdaman ko rin ang kirot sa balikat ko. Naririnig ko ang bawat boses habang pikit ako, pero wala akong pakialam sa mga 'yon except sa boses ni Luther na naririnig ko. Punong-puno ng tanong ang isip ko ngayon.

Una, kung galit ba siya? Iba na ba ang tingin niya sa akin? Hindi niya na ba ako gusto o mahal? Ano? Natatakot ako dahil baka layuan niya ako. Baka ipamukha niya sa akin na sinungaling ako... pero ang layuan ako? Hindi ko yata kakayanin.

Parang bumalik ang alaala ko nang marinig ang boses ni Mama. Iyong mga nangyari noon. Kung bakit ako nawalan ng alaala, dahil kagagawan niya. Pinapainom niya ako ng gamot kaya nakalimutan ko ang lahat. Kung sino ang ama at kapatid ko.

Nakatayo pa rin sila Mama dito sa tabi ko. Alam kong naiinis sila sa ginawa kong pagpapanggap na may amnesia.

Nagbibiro lang ako, ang seryoso kasi nila kanina kaya pinagaan ko lang ang atmosphere pero nang mawala ang tawa ko, bumalik ang alaala ko na mga pinaggagawa ni Mama sa akin noon. Ang sakit dahil hindi ko inakalang kaya niyang gawin sa akin 'yon.

"Cyan," hinawakan niya ang kamay ko.

"'Wag mo 'kong hawakan, Ma." Inalis ko ang kamay niya para magulat siya. "Naalala ko na lahat..." tumingin ako sa kaniya. "Naalala ko na lahat ng ginawa mo."

Halata ang pagkaputla ni Mama. Hindi man lang siya makapagsalita dahil sa sarili niya mismo, alam niya ang tinutukoy ko.

"Pinaiinom mo 'ko ng gamut." Tinulak ko siya nang balak niya akong hawakan na ikinagulat ng lahat. "Iyong gamot na nagiging dahilan kung bakit ako nakakalimot. Kung bakit sobrang sakit ng ulo ko araw-araw. Walang araw na hindi sumasakit ang ulo ko dahil sa gamot na 'yon. Tuwing umiinom ako no'n, may ilang memorya ang nawawala sa utak ko. At alam ko ang dahilan kung bakit mo ginawa 'yon. Gusto mong makalimutan ko silang lahat!" Buong sakit na sigaw ko.

Hindi makapagsalita si Mama, pero nakita ko ang pagbabadya ng luha sa mata niya. Hindi siya nagpatinag, hindi niya hinayaang tumulo ang mga 'yon.

Naalala ko na... may kapatid talaga ako. But he's older than me.

"I did it on purpose, I was mad-."

"Purpose mong kalimutan ko ang kapatid at papa ko, Mama! Anong magandang purpose do'n, ha?! Purpose mong gawin 'yon, bakit?" Hindi niya ako masagot.

"Ikinaganda ba ng buhay natin 'yan sa France, 'di ba hindi?! Iyong purpose mo na tanggalan ako ng memorya, ikinaganda ba ng buhay ko 'yan? Hindi naman 'di ba?! Mas lalo mo lang pinalala! Iyong tipong durog na nga tayong lahat, mas lalo mo pang dinurog kaya nagkagulo lalo! Dahil ano? Galit ka? May nagawa ba ang galit mo, Mama? Wala naman 'di ba! At pati ako, nadamay! Naiintindihan ko naman, eh, isa ka rin sa mga nasaktan noon, ang hindi ko maintindihan kung bakit pati ako nadamay... bakit mo naman ako tinanggalan ng karapatan na maalala at makilala ang Papa at kapatid ko?"

Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Walang nagtangka na magsalita. Nakita ko ang isa-isa nilang pag-alis nilang lahat. Kaming dalawa lang ni Mama ang natira sa loob ng kwarto ko.

Nanatili ko ang tingin kay Mama. "Alam mo, buong buhay ko... sinunod kita tapos nalaman kong gano'n? Purpose mong kalimutan ko sila."

"Yes, I know my mistakes, and I'm sorry if I did that! Hindi ko lang makaya na habang lumalaki ka, hinahanap mo sila. At isa pa, oo, ayokong magkaroon ka ng connection sa Papa mo dahil nasasaktan pa rin ako tuwing nalalaman ko na may anak siya sa iba..."

Napaawang labi ko. May anak sa iba si Papa.

"Dahil sa galit ko sa pagtataksil niya, ikaw ang naging kabayaran. I let you drink medicine para kalimutan mo sila, para kung sakaling magkita kayo. Wala kang ideya kung sino siya."

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now