Chapter 43

10K 216 19
                                    

Chapter 43: Closure

Cyienna / Ciara

"Cyienna…" shit, nasa harap ko nga ang ex ko! Tangina, bakit dito pa talaga kung kailan kasama ko sina Luther?!

Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko si Luther sa likuran niya, palapit ito sa akin.

“Excuse me,” sabi ko para makaalis.

“Wait, Cali,” nahawakan niya ang kamay ko na agad kong inalis. "I was looking for you tapos dito lang pala kita makikita?"

"Kailangan ko ng umalis," sabi ko pero nahawakan niya ulit ako.

"Wait, Cyan," pigil niya sa akin. "Why aren't you replying to me?"

"Dahil ex ka na. Bakit pa ako magrereply sa 'yo?" Napilitan akong sagutin ang tanong niya.

"Because you have to talk to me, bakit ako ang tinatanong ng mommy kung nasaan ka? I don't even know where you are, they are asking me so I tried to message you but you're not replying. They were scaring my family because of you dahil ang inaakala ng Mommy mo ay tinakas kita pero hindi."

My lips pursed in shock. Pati ang pamilya niya ay tinatakot ni Mama at 'yon ang dahilan kung bakit kailangan niyang makipag-usap sa akin.

"Ano bang pinag-gagawa mo, Cyan? Bakit ka umalis sa France at bakit lahat ng tao sa Palace niyo iniisip na nawawala ka? Even though you're here in the Philippines, pati ang kaibigan mo, nagsisinungaling sa buong pamilya mo kahit alam ko namang alam niya kung nasaan ka ngayon," sambit niya.

"Huwag mo nalang akong pakialam. At itong nakita mo 'ko… huwag na huwag mong sasabihin sa mommy ko, Venn. Huwag na huwag," kahit punong-puno ng panginginig ang boses ko nagawa kong ituwid 'yon.

Sumulpot si Luther kaya nabigla ako.

"Hey, who are you?" Seryoso ang tanong ni Luther bago ako hilahin nang makarating siya kung nasaan ako. "Don't touch her."

Shit!

Napatingin si Venn sa kaniya. "I'm Lewis Venn," pakilala niya.

Hindi naman pinansin 'yon ni Luther dahil nakatingin lang siya sa akin.

“Do you know him?” Tanong niya sa akin.

Nag-angat ako ng tingin kay Venn bago ilipat sa kaniya. Ayoko ng nadagdagan ang kasinungalingan ko.

"Oo," sagot ko. "Halika na, baka naghihintay na sila sa 'tin." Hinila ko na siya papunta sa labas para puntahan ang iba naming kasama.

"Cia, I want a specific answer. Who is he?" 

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nakatingin siya sa akin, naghihintay ng sagot ko.

"Siya 'yong ex ko," maliwanag kong sabi.

Nakatingin lang siya sa akin. "Pangit ng ex mo," barumbado na sabi niya. 

Hinawakan niya ang kamay ko kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi naman ako nagsalita. 

"I'm still handsome than him, dapat 'yong mga pinapatulan mo ay 'yong mga katulad ko," aniya, nilingon niya ako. "Tell me, how did you both meet?"

"Sigurado ka ba na gusto mong sabihin ko?" baka kasi ayaw niya or worse baka pag-awayan namin. Ayaw ko pa naman na magkaaway kaming dalawa.

"Opo, I just want to know about your past relationship," aniya.

Huminto kami sa isang duyan, doon sa walang tao. Naupo siya bago ako hilahin paupo sa tabi niya. Napatingin pa muna ako sa harap namin. 

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now