Chapter 2

20.5K 409 38
                                    

Chapter 2: Torture

Ciara/Cyienna

Nakarating na ako sa hotel at masasabi kong maganda sa hotel kung saan ako nananatili kaso may pagkamahal. Pero hindi na ako nagreklamo tutal wala na akong choice, mas okay naman 'to kaysa sa kalye kasama 'yong mga lamok.

Alas dose na ng tanghali at nakapagpahinga na rin ako.

May plano rin akong mag-ikot para maghanap ng apartment at ng eskwelahan na pwede kong pasukan. Dala dala ko na ang requirements, peke nga lang. Pero alam ko naman hindi nila malalaman dahil magaling akong magtago ng identity ko so... hinding hindi nila malalaman na peke ang pangalan at lalo na ng dokumento ko.

Kakatapos ko lang rin maligo. Ang sarap nga maligo, e, heaven 'yong tubig. May hot and cold tapos may bathtub rin. Para tuloy akong nag-swimming sa bubbles kanina.

Maayos na ang suot ko. Puting blouse, high waisted skinny jeans, and flat sandals. Dala ko na rin ang brown envelope habang pababa sa hotel.

Akala ko hindi ako palalabasin buti na lang pumayag! Tumingin ako sa buong lugar. Hindi ko kabisado ang Manila dahil hindi naman ako lumaki dito, sa US ako lumaki pero Filipino language ang tinuro sa akin ni Mama. Tsaka nag-search ako na may School na sikat at walang babayaran. Public school 'yon at ikaw lang ang bahala sa mga uniforms at school supplies.

Enrollment lang ang kailangan at 'yon nga ang balak kong gawin ngayon. Maghahanap rin ako ng sakayan dito, ang sabi sa akin ni Mama... mostly jeep ang ginagamit ng mga tao lalo na kung wala kang sasakyan. Hindi ko lang alam kung magkano ang bayad, mga nasa twenty siguro?

Wala naman kasing jeep sa US, puro cab lang.

Tumingin ako sa cellphone ko para makita ang oras kaso biglang may humablot. "Hoy! Cellphone ko 'yan!" Sigaw ko at sinunukan habulin kaso ang bilis niyang tumakbo, nakatawid agad siya. Naiwan akong tulala. "'Yong cellphone ko..." mahinang bulong ko.

IPhone 9 'yon! Tapos na-isnatch lang?!

Gusto kong maiyak kaso walang mangyayari. Hindi ko pa rin makukuha ang cellphone ko. Wala akong nagawa kung hindi ang manlumo habang naglalakad. Nandoon pa naman ang pictures ko... lahat ng magagandang picture ko. Patuloy lang ako sa paglalakad habang iniisip pa rin ang cellphone kong na-isnatch ng lalaki kanina.

May sim card nga ako, wala naman akong cellphone.

Sa kalye ako dumaan katulad ng sinabi ng babaeng pinagtanungan ko kanina para hindi ako maligaw. Nagulat lang ako nang may mga lalaking lumabas mula sa mga kanto ng kalye, puro duguan ang mukha at diretso ang mga tingin sa akin.

"Nandito na yata ang girlfriend ni Luther."

Ha?! Sino 'yon? Naglalakad lang ako tapos ganito?

"Hoy, babae," sabi ng isa. "Alam mo ba ang ginawa ni Luther?"

"H-Huh?" Tanong ko, naguguluhan.

Ano bang sinasabi nilang lahat? Tsaka, sinong putang ina? Baliw yata sila.

"Anong huh? Ikaw ang girlfriend ni Luther 'di ba?"

"H-Huh? Wala pa akong boyfriend. Tsaka, hindi ko nga kilala ang sinasabi mo. Sino ba 'yon?" Tanong ko ulit.

Parang naguguluhan rin sila.

"Ibig sabihin hindi talaga ikaw?" Tanong naman ng may hawak na lollipop. "Kasi ang alam namin dito dadaan ang girlfriend ng gagong 'yon dahil dito ang lugar kung saan mangyayari ang gang war."

Gang war daw... parang sinasalihan ng mga kaaway ko noon. Tsaka, dito talaga? Ang cheap, huh.

"Hindi ko 'yon kilala. Ang totoo n'yan papunta ako sa Westwood High School tapos ang sabi ng babae kanina dito daw 'yong daan. Dito ba 'yon?" Tanong ko sa kanilang lahat.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now