Chapter 16

12.6K 288 56
                                    

Chapter 16: She's back

Ciara / Cyienna

Maaga ang gising ko para maghanda ng breakfast at para hindi na rin gisingin ni Luther. Nagtataka lang ako dahil nang umuwi kami, umalis rin siya agad. 

At higit sa lahat hindi ko makakalimutan ang ginawa niya.

"Uy, saan ka pupunta?" Tanong ko nang makaupo sa sofa. Inalis ko ang sandals ko para maka-unat. 

"I'm going somewhere," pinatong niya ang dalawang paper bag sa lamesa.

Damit ko nga pala 'yon. At oo, galanteng tao si Luther dahil siya mismo ang bumili n'on bago kami dumiretso sa condo.

"E, saan sa somewhere?"

"Just stop asking questions. May pupuntahan lang akong importante."

Tumayo ako para sundan siya papunta sa pinto. Gusto ko lang talaga malaman kung saan siya pupunta. Malay mo may illegal na pala siyang ginagawa? Ayokong madamay, 'no. Inosente akong nilalang.

"Sama ako," wala naman akong gagawin dito. Boring kaya sa loob ng unit. Walang ako gagawin bukod sa panonood, e, ang kaso boring 'yon.

"No need. Stay here, it's safe here."

"Paano kung hindi? What if ano… what if may pumasok dito galing bintana?"

"It won't happen, Lila, okay? Saka, asa ka namang kaya nilang akyatin ang unit na 'to. For you to know, 31th floor ang condo natin," sabi niya.

"What if nga 'di ba?" 

Hindi niya ako sinagot at may kinuha lang siya na kung ano sa likod ng pinto. "But incase na mangyari ang nasa isip mo, used this," binigyan niya ako ng extra phone. "I have a bodyguards, my dad's bodyguards to be exact. I have a contact inside of that phone. You can call them. Maasahan sila."

Binaba ko ang tingin sa cellphone. Ibang cellphone 'to, wala kang apps na pwedeng i-download.

"And you also have my number, nasa speed dial naman 'yon 'di ba?"

Tumango ako. "Pero sasama na lang kasi ako. Hindi naman ako magulo at makulit."

"Still no, it's dangerous so you better stay here," aniya.

Ang damot naman gusto ko lang naman sumama, e. 

"Promise, hindi ako manggugulo kung ano man ang agenda mo."

Napabuga siya ng hangin. "Ang tigas po ng ulo mo, bawal ka po d'on." 

"Sige na nga, umalis ka na," manonood na lang ako ng palabas sa netflix. Umalis ako sa harap niya para dumiretso sa kitchen. 

Gagawa muna ako ng pagkain.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko nang makitang nakasunod siya sa akin.

"Uhm…" tumingin siya sa akin. "Good night." 

"Oo na, good night," sabi ko.

"Okay…" aniya.

Nagulat ako sa huling ginawa niya matapos magsalita. Hinalikan ba naman ng gagong 'to ang labi ko. Hindi ako makagalaw kaya sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang makarating sa pinto.

Mabilis niyang sinara 'yon nang makalabas sa condo.

Hindi ako nakatulog dahil sa ginawa niya. Hindi na aksidente 'yon dahil sinadya niya talagang halikan ako!

Napakurap ako nang makita si Luther sa harap ko. Mukha siyang sabog. Halatang kakagising lang, humikab pa siya habang nakatingin sa kung saan.

"Pwede na po kayong mag-breakfast, mahal na hari," binaba ko ang sinangag rice sa table.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now