Chapter 38

10.3K 247 50
                                    

Chapter 38: Feelings

Cyienna / Ciara

'Yon ang gabing hinding-hindi ko makakalimutan. At hanggang ngayon… kinakabahan ako dahil um-oo ako sa tanong niya kung pwede niya nga ba akong ligawan.

Iyong pakikitungo niya sa akin… mas lalong nag-iba. At ewan ko ba, lumalakas talaga tibok ng puso ko kapag sobrang lapit niya sa akin o kaya may bagay siya sa ginagawa para sa akin.

“Cia, let’s go. You’re spacing out.”

Kumurap ako at napalingon sa kaniya. Hindi ako nagsalita. Pinagbuksan na pala niya ako ng pinto kaya nasa tabi ko na siya. Inalis ko na ang seatbelt ko para makababa.

Wala nang taguan ang mangyayari tungkol sa aming dalawa dahil alam naman na nila. Kaya alam na rin nila na sabay kaming pumapasok at umuuwi.

Sinara na niya ang pinto nang makababa ako. Sabay kaming pumunta sa classroom namin. Magkatabi lang kami kaya minsan ay napapatingin ang iba.

"Good morning, Cia!" Ayan ang bati nila Carson nang makapasok kami sa room.

Napatingin ako sa dulo ng classroom at nakita ko si Lawrence na nakatingin rin pala sa akin. Binaba niya ang paningin sa cellphone at hindi kami pinansin.

Iniwas ko ang tingin bago pumunta sa upuan ko. Nakasunod sa akin si Luther. Nginitian ko siya nang makitang nakatingin siya sa akin.

Saktong dumating ang teacher kaya doon natuon ang atensyon ko kaso itong mga gagong 'to panay ang asaran kahit may teacher.

"At least ako hindi ghinost," narinig kong sabi ni Caleb.

"At least ako nirereply-an, hindi 'gaya ng iba d'yan!"

Hay nako! Kung hindi lang siguro nagtaas ng boses ang teacher baka hindi pa sila tumigil. Mabilis namang natapos ang oras.

May kausap si Luther sa phone, hindi ko alam ang sino kaya ang sabi ko… mag-isa nalang muna ako. Gusto pa niya akong samahan pero ang sabi ko, unahin niya na muna 'yon.

Nasa rooftop ako para magpahangin. Pero Napalingon ako sa pinto at si Lawrence ang nakita ko doon. 

Hindi niya ako pinansin. Diretso lang ang lakad niya.

"Lawrence… alam mo na ba lahat?" tanong ko, kinakabahan.

Tiningnan niya ako matapos tumigil, walang emosyon ang makikita sa mukha niya. "Everything, Cia—Cyienna."

Humigpit ang hawak ko sa bag na dala. Alam niya nga… tinawag niya ako sa pangalan ko kaya ibig sabihin… alam na niya hindi ako basta-basta. Alam niyang Prinsesa ako.

"A-Ano pang alam mo?"

"That you are a Princess, a next Queen, and you're hiding everything. But don't worry, I won't tell anyone."

"Pero nasabi mo na kay Luther—." Pinutol niya ang sinasabi ko.

"Did he believe me? Hindi 'di ba? Kaya nga hindi ko na uulitin sa kaniya, I will just let you tell him everything. He is my friend, Cyienna, and I don't want him to get fooled but looks like… 'yon ang nangyayari sa kanya ngayon. You are fooling him," seryoso ang boses niya. Na para bang ayaw niyang maloloko ang kaibigan niya.

"Dahil kailangan kong gawin 'yon! I had to hide everything just to protect myself from my Mother," hindi ko napigilan ang maiyak habang nakatingin sa kaniya.

"But he can protect you more, he can do anything just to protect you kung hindi ka lang nagsisinungaling sa kaniya ngayon. He can help you with everything if you are just true to him," aniya. "He can do anything just to protect you from your Mom," iniwan niya akong mag-isa pero huminto pa siya at hinarap akong muli. "Hindi na kita pakikialaman, I'll let you tell him everything before it's too late. Just don't regret kung bakit ka nagsinungaling sa kaniya."

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now