Chapter 6

14.1K 309 14
                                    

Chapter 6: Eloisa

Ciara/Cyienna

Ang sakit ng pisngi ko, shit lang. Sa dami ba naman na sumampal sa akin na lalaki?! Tangina, bakla amputa. Kung makasampal wagas, sa bagay... bukod sa mukha nilang makapal, makapal din ang palad nila. No wonder gano'n kasakit ang sampal pero gago, malakas lang naman sila kapag may kakamping kasama.

Partida kailangan anim silang haahwak sa akin kasi lahat sila nasuntok ko. Dumugo pa 'yung ilong ng Audrey dahil sa ginawa ko, nahilo pa yata. Sus, ako nga ilang beses nang dumugo ang ilong ko minsan bangas pa sa mukha, umiyak ba ako? Syempre oo, masakit 'yon, e. Kayo kaya mabangasan?

Nakarinig ako nang katok sa labas. Inaasahan ko ng ang gagong si Asul ang papasok dahil binabayaran niya ang bill nitong Hospital. Ang totoo n'yan, kilala na ako ng dalawang nurse dito. Dito rin kasi nila ako dinala noon nang madamay sa kaguluhan nilang mga gago sila.

At saka, nagbibiro lang ako sa sinabi kong kasalanan niya. Joke lang 'yon, at ito namang ugok na 'to mukhanh sineryoso ang sinabi ko pero hindi ko narinig na humingi ng sorry. Pero ayos lang, hindi ko naman kailangan 'yon.

Lumingon ako sa pinto at gulat pang napaatras kahit nasa kama. Trip ko lang gumano'n, para kunwari nasa horror kapag may nagpakitang multo.

"Are you okay now?"

Iyong kaibigang doll ni Audrey.

"Teka lang, baka sasampalin mo rin ako, ha?" Sabi ko kay Rona na nakatayo sa harap ko kasama ang isang chinita na babae. "Ikaw rin."

Natawa naman siya. "Of course not, hindi ko gagawin 'yon. Wala akong dahilan para gawin 'yon sayo."

"And in fact, we are the one who rushed you to the Hospital." Sabi ni chinita girl, ang ganda niya.

Normal ang kulot ng buhok at maputi ang balat. Ang ganda rin ng mukha niya, mukha siyang barbie doll. Chinita edition.

"Actually, we heard that Audrey has a new toy. Ang toy sa pandinig namin para sa kaniya, bagong pagtitripan at pahihirapan." Naupo si Rona sa monoblock chair. "I heard from my source na may gusto nga silang gantihan which is you, I tried to... find you around Westwood until I saw you on the ground outside of the School. I thought you were not breathing anymore."

"Grabe sa not breathing, ayoko pang madeadz, ano. Hindi ko pa nakikita ang papshie ko. Hindi pa ako ready makita ang langit."

"I know that but still we rushed you here, buti na lang kasama ko si Jillian para madala ka dito because to be honest? Hindi kita kaya, you're kinda heavy." Hindi naman! Payat nga ako, e.

Pero sila pala ang may dahilan... buti na lang nakita nila ako.

"Did you know that we helped each other just to put you in the back seat?" Napailing si Jillian.

"Sorry naman kung mabigat ako pero payat ako." Sabi ko, mahina naman silang natawa. "At thank you sa inyo."

"No worries." Ngiti nilang dalawa.

"Kilala niyo na ba ako?" Ngumiti ako sa kanila.

Tumango si Rona. "Yes, ang tunog kaya ng pangalan mo sa buong School. Bawat Section ng fourth year, ikaw ang pinag-uusapan."

Grabe naman silang lahat, pag-usapan talaga ako? Sa bagay, sa ganda ko ba naman? Natural na pag-uusapan ako.

"Lahat sila?"

"Yeah, saying that... after months that you stayed there... the story repeats itself." Sagot ni Jillian.

"Ha?"

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now