Chapter 24

12K 297 109
                                    

Credits to the owner of the picture above. If you guys confused what Pomeranian Puppy is, you can look at picture above.

-

Chapter 23: Almost caught... again?

Cyienna / Ciara

Tulala ako habang nakatingin sa labas. May kinakain rin akong donut. Umuulan na naman sa labas kaya hindi ko alam kung may dalang payong si Luther.

Sana meron.

Tumayo na lang ako para bumili ng pagkain. Gusto ko ng donuts kaya 'yon ang kinuha ko. Kumuha rin ako ng water bago pumunta sa counter.

Nang matapos, bumalik ako sa table kung nasaan ako. Binaba ko ang cellphone ko sa lamesa para makakain ng maayos.

Habang kumakain may pumasok na magbabarkada at puro lalaki. Napatingin pa sa akin 'yong isa pero kumain na lang ako.

Hindi nagtagal lumapit 'yong isa.

"Miss, may kasama ka ba?"

"May nakikita ka ba?" Tanong ko pabalik.

"Wala," sagot niya. "Pero may magsusundo ba sa 'yo na boyfriend mo?"

"Yeah, she has."

Napatingin ako sa pinto nang sumulpot si Luther. Nakatingin siya sa lalaki, blanko ang expression niya nang lingunin siya ng lalaking nasa harap ko.

"Get out," utos ni Luther. "I said get out."

Mabilis naman na umalis ang mga lalaki. Duwag naman pala, e.

"Takot naman pala," sambit ko.

"You know them?" Tanong ni Luther nang makaupo sa tabi ko.

"Hindi, ah." Tanggi ko agad. "Huwag mo nang pansinin, papansin lang 'yon. Hindi ko naman type, ikaw kasi type ko."

Napalingon siya. "What did you just say?"

"Ha?! Wala!" Umiling ako.

Tiningnan niya lang ako.

"Gusto mo?" Pag-iiba ko ng topic, hinarap ko ang donut sa kaniya at binigay. "May kamay ka naman kasi, e." Sabi ko nang ayaw niyang kunin dahil gusto niyang subuan ko siya!

"Ayoko."

Ginawa ko na lang ang gusto niya para matapos na. Iinom sana ako sa tubig ko kaso siya ang unang uminom.

"Akin 'yan, e." Sabi ko nang uminom siya.

"It's fine, dadating naman tayo sa point na magseshare tayo ng bottles."

"Para kang ewan, hindi 'yon mangyayari." Desidido kong sabi. "Hindi nga ako magkakaroon ng feelings o crush sa 'yo, e."

Umarko ang kilay niya. "Really? Then I'll just wait until you have but don't expect that I still have a crush on you if the time comes."

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. "Mabilis mag-fade ang feeling mo? Gano'n?"

"Yeah, lalo na kung hindi ako pinapansin," pinatong niya ang siko sa table, hinilig niya ang ulo sa palad habang nakatingin sa akin.

"Pinapansin naman kita, ha?" Biglaan kong sabi.

Natawa siya bigla. "Why are you saying that?"

"Wala lang, ang sinasabi ko lang pinapansin kita." Uminom ako sa tubig.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya habang pinapanood ako na uminom. Umayos naman siya kahit nakikita kong gusto niyang tumawa.

"You know, Lila. Having my crush for you won't ever fade because look, pinapansin mo 'ko. I actually, want 'yong hindi ako kinacrushback, I mean gusto kong pinipilit ka na gawin 'yon o ang naghahabol. Mas lalo kasi kita nagiging crush."

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon