Chapter 47

10.3K 276 29
                                    

Chapter 47: The Truth

Ciara / Cyienna

Umagang-umaga may usap-usapan na may bisita. Wala naman akong pakialam doon dahil gusto ko lang mag-aral. Pinauna ko na si Luther sa room dahil may kinuha ako sa locker ko. Balak niya akong samahan kanina pero tumanggi ako.

Nasa bukana palang ako ng hagdan nang makita ko si Luke. Hindi ko ma-explain ang itsura niya pero nang makita niya ako agad niya akong nilapitan. Nagulat ako nang niyakap niya ako sa hindi ko malaman na dahilan pero niyakap ko siya pabalik.

"Cia..." naramdaman ko ang pagluha niya.

"Hala, bakit ka umiiyak? Wala akong ginagawang masama sa 'yo, ha." Baka isipin nila may ginagawa akong masama sa kaniya.

"I'm just happy," mahinang sabi niya.

Napatango naman ako. "Ay, tingnan mo," sabi ko nang humiwalay siya. "May partner itong kwintas mo. Nilagay ko 'yong bigay sa akin ni Mama noon na singsing. Bagay 'di ba?" Ngayon ko lang nakita 'tong singsing ko. Ang ganda nga, eh. Diamond siya, napapalibutan ng diamonds ang buong paligid ng singsing.

"It's beautiful," aniya. "Uhm, by the way, later can you go with me? I mean lunch with Dad." Halos makita ko sa mata niya nasa pumayag ako. "It's my Dad's want either, pwede ka ba mamaya?"

"Sige! Sige! Pwede ko ba isama si Luther?" Ngumiti ako.

Nagdadalawang isip pa siya pero tumango rin siya kaagad. Napangiti naman ako dahil at least kasama ko si Luther! Mapaparami na naman ako ng kain.

"Shit, dapat pala hindi ako pumayag sa kagaguhan ni Lawrence..." bulong niya.

"Huh?" Tanong ko.

"Wala," iling niya. "Did you eat breakfast already?"

Ang weird naman ni Luke ngayon. Parang may laman kasi ang pagiging caring niya.

"Oo, kanina habang nasa kotse kanina," sagot ko. "Ah, Luke, malelate na ako sa first sub ko. D'yan ka na, Kita nalang tayo mamaya. Bye!" Kumaway ako sa kaniya habang papalayo. Umakyat ako sa hagdan at binilisan nang makarating sa room.

Nginingitian ako ng mga students na nadadaanan ko kaya tinatanguan ko.

Nang makarating namataan ko si Luther na nasa tabi ni Lawrence. Tinatawanan si ni Lawrence habang nagbabasa siya ng mga papel.

"Fuck!" mura niya. "You're fucking crazy, Lawrence!"

"You should thank me! See? Congrats, man." Tinapik ni Lawrence ang balikat ni Luther.

"Fuck you! You're a piece of fuck! Hindi naman 'to totoo 'di ba? Tangina, papatayin ako no'n!"

Nagtawanan sina Wyatt. Iyong tawa na parang wala ng bukas.

"It's legal. Tingnan mo, may pirma ni Mayor Tolentino at ng kasama niya. Congrats, dude."

Pumasok na ako kaya natigilan sila. Kaagad na tinabi ni Luther iyong papel at iritadong hinagis kay Lawrence, nang-aasar ang ngisi niya kay Luther.

"Good morning, Mrs. De Villareal," nginisian ako ni Wayne nang makita ako.

"Gago," mura ko. "Wala pa akong asawa."

"Ows..." tawa niya.

Napairap nalang ako bago maupo sa chair ko. Tumabi rin kaagad sa akin si Luther. Para naman siyang baliw at parang hindi alam ang gagawin. Nang lingunin niya ako ay ngumiti siya.

Dumating ang Teacher kaya nagsimula na sa klase. Nang matapos ang third subject ay biglang umingay. May announcement sa speaker na may dumating daw dito sa School.

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon