Chapter 2

13.4K 411 111
                                    

[Reed]

Hospital. Traffic lights. Syringe. Dextrose. Stretcher. Sirens. Ambulance and then black out.

Panting, I woke up, heavily sweating.

Siya nanaman ang nakita ko. Simula nang nahawakan ko siya paulit-ulit nang nakikita ko ang mga bagay na iyon. It's horrific and I can't stop myself from being scared.

Tinignan ko ang hospital bed ni Rin, andon lang siya natutulog. Unti-unti umiikli na ang life span niya. Umupo ako at kinuha ang phone ko. Four o'clock na ng umaga kaya mas pinili ko nang maghilamos at maggayak ng umaga.

Habang hinahayaan ko ang tubig mula sa dutsa ng shower ay napaisip ako sa mga images na pumasok sa isip ko. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pinagpatuloy ang pagshower.

Lumabas ako sa powder room habang tinutuyo ang buhok ko. Nilapitan ko si Rin at hinawakan ang mga kamay niya.

Revival. Flat line. Oxygen. Doctors. Nurses. White linen. Black out.

Para ba akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. "Bakit?"

Ngayon na intindihan ko na. Oras na hawakan ko ang isang tao makikita ko kung paano sila mamamatay. My sister will die because she can't fight anymore. "Ate, I will fight, gagaling ako. We will travel pa to Cebu." Those are the words she said to me. "Sorry Rin, pero susuko ka rin naman eh. We can't fulfill our dream to travel to Cebu." I whisper.

Nang dumating si Daddy ay nagpaalam na ako. Kapansin-pansin ang namumugto kong mata pero nagdahilan lang ako na nanood ng nakakaiyak na movie kaya hinayaan na lang niya ako.

Ganon pa rin ang routine ko, sumakay ako ng tren at nagtravel ng ilang minuto papunta ng eskwelahan. Luminga-linga ako sa pagbabaka sakali na makita si Ryoichi pero wala. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga parameters ng mga tao.

Gusto ko man sila hawakan, pero natatakot ako na malaman paano sila mamamatay, ayos na yung makita ko na lang kung kelan sila mamamatay.

Nang dumating na sa second station ay bumaba na ako. Hindi ko pa rin maialis sa isip yung bago kong natuklasan. Oras na hawakan ko ang isang tao makikita ko kung paano sila mamamatay.

Sa sobrang pre-occupied ko sa isipin ay di ko napansin ang Vios na paparating, napansin ko lang ito nang bumusina ito at halos mabundol na ako, napaupo na lamang ako sa kalsada sa panlalata. Will my life get any more unluckier?

"What the hell!" Isa nanamang pamilyar na baritonong boses ang narinig ko. Nang tumingala ako ay nakita ko ang isang iritadong Ryoichi. Naka uniform din siya. Lumabas sa driver seat ang isang may katandaang lalaki na nakabihis butler.

"Miss, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sa akin ng mas matandang lalaki. "Tsk, hayaan mo siya riyan Kuya Dino, tatanga-tanga siya at di man lang tumitingin sa dinaraanan," pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya palayo.

"Hay nako, yung batang yun talaga oh," buntong hininga ng kasama niya. "Uhm, okay lang ho ako," sabi ko tsaka tumayo. Pinagpag ko ang palda ko at pinulot yung ibang gamit na kumalat. "Pagpasensyahan mo na si Ryoichi, may problema lang na dinadala ngayon ang batang iyon," tinignan ko ng may mga nagtatanong na mata ang matanda pero lumulan na agad siya sa sasakyan.

"Hija, mauuna na ako," paalam niya kaya gumilid na lang ako. Pinasibad niya ang Vios at unti-unti itong nawala sa paningin ko.

Ano kaya yung problemang dinadala non at pati ako nadadamay?

Naglakad na lamang ako papasok ng gate at hanggang sa classroom. "Reed!" Napasinghap ako nang may humawak sa kamay ko. May bago nanamang nagflash na images sa isip ko.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon