Chapter 18

4.2K 165 20
                                    




[Reed]

Lumulutang ang isip ko sa mga sinabi ni Amari. Hindi na ako nakapagfocus sa mga tinuturo ng lecturer namin. Mabilis man ang naging paktakbo ng oras pero andoon pa rin ang pagkabahala sa akin. Hindi ko alam kung ano pa ang iisipin ko dahil punong-puno na ito ng tanong na hindi naman nasasagot.

Halos mapatalon na lamang ako nang magvibrate ang phone ko sa bulsa at iyon ang maging dahilan ng pagbalik ko sa reyalidad. Nakita ko ang pangalan ni Aether doon kaya agad ko iyong sinagot. "Reed!" bakas sa boses niya ang takot kaya kinabog nang malakas ang dibdib ko. Hinihingal ang paghinga niya at para bang may tinatakasan siya.

"Reed, tulungan niyo ako!" halos isigaw na niya ang mga salitang iyon kaya agad kong kinuha ang mga gamit ko at tumakbo palabas. "Aether, kumalma ka lang papunta na kami." Hinihingal na ako sa pagtakbo at halos madapa na ako sa pagmamadali.

Natanaw ko si Ryoichi na ngayon ay palabas na rin ng classroom nila. "Reed!" dinig ko ang pagtawag ni Dieve sa akin pero hindi ko siya pinansin. "Ryoichi!" halos matapilok ako sa pagmamadali na mahabol ang papalayo nang si Ryoichi, laking pasalamat ko nang huminto siya sa paglalakad. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang lingunin niya ako.

Hinihingal na tumigil ako sa harapan niya. "Si Aether." Malalim ang paghinga ko nang banggitin ko ang pangalan ni Aether. "Shit!" he cussed at agad niyang nilabas ang cellphone niya. "Kuya Dino, bilisan mo ang pagpunta rito." Agad niyang hinitak ang pala-pulsuhan ko at malalaki ang hakbang niya palabas. Agad naman naming nakita ang Audi nila.

Agad binuksan ni Kuya Dino ang backseat at pumasok doon si Ryoichi kasunod ay ako. "Saan tayo, Ichi?" tanong ni Kuya Dino. "Kay Aether." Tumango si Kuya Dino at agad na sumakay sa Driver seat at mabilis na nagmaneho.

"Ano sabi niya sa iyo?" tanong ni Ryoichi na nakatanaw sa labas. "Tulungan daw natin siya." Pinaglaruan ko ang daliri ko dahil sa pag-aalala sa maaring mangyari kay Aether. Hindi naman ganoon nagtagal ang byahe at nakarating kami sa bahay ni Aether, tahimik ito at para bang walang takot na bumabalot dito.

Agad na binukas ni Kuya Dino ang gate nila Aether na sa pagtataka ko ay bakit hindi naka lock. "Aether," tawag ko sa kanya pero wala akong naririnig na kahit ano sa loob ng bahay. Tumakbo na papasok si Ryoichi at maging ako pero halos mapaatras ako sa nakita ko sa bukana ng pintuan nila.

"Ano nangyari rito?" naisapo ko ang kamay ko sa aking bibig at nagsimula bumalong ang luha ko sa nakikita ko. Agad na hinagilap ng tingin ko si Aether at nakita ko siyang nakadukdok sa puno ng hagdan. Nang makalapit ako sa kanya ay roon ko lang napansin ang pagtaas baba ng balikat niya. Nanginginig din siya sa takot at may nakalamukos sa kamay niya.

"Aether.." mahinang tawag ko sa kanya at itiningala naman niya ang ulo niya. Wala ang isang eye patch niya kaya kita ko ang isang mata niya na wala nang buhay kung titignan. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Tinignan lang niya iyon. "We're here, there's no need to be scared." Lumingon ako kay Ryoichi at nakita ko siyang nakatayo sa likod ko. "What happened?"

Umiling si Aether at muling bumaling ang luha sa mata niya. "Someone is threatening me this past few days. Hindi ko alam na seryoso iyon. Sanay na ako sa death threats pero nang umuwi ako ngayon laking gulat ko nang makita ko ang yaya ko na nakahandusay malapit sa pinto at nakahiwalay ang mata niya." Iniladlad niya ang maliit na papel. "This is left crupled on her hand."

Iniabot niya kay Ryoichi ang note at sinilip ko naman kung ano ang nakasulat doon.

"How would you like to see what death is like?"

Natutop ko muli ang kamay ko sa aking labi at tinignan ang walang buhay na katawan malapit sa pintuan. Natatanaw ko si Kuya Dino na may tinatawagan sa telepono. "Aether, may CCTV dito sa bahay niyo diba?" tanong ni Ryoichi tumango naman si Aether. "Meron pero-" tinuro ni Aether ang CCTV na basag ang mismong camera at putol ang mga linya.

"They cut it out, nililinis nila ang evidences." Tumingin ako sa kanya. "Kilala mo sila?"

Tumango siya at tumingin sa akin. "They are the reason why my other eye is blind. Sila rin ang pumatay kay Rin. It's a foulplay." Tila nabingi ako sa sinabi niya. Para bang gumuho ang mundo ko. Hindi namatay si Rin dahil sa sakit niya pero pinatay siya? What the hell!

Tumingin ako kay Ryoichi pero tahimik lang siya. "Pwede ko ba tignan 'yong CCTV footage baka may makuha pa rin tayo." Seryosong sabi ni Ryoichi. Tumango naman si Aether at nangangatog man ang katawan niya sa takot ay sinamahan niya kami paakyat at papunta sa kwarto kung nasaan ang security system nila.

"Hindi ko alam kung hacked ang security system namin," bakas ang takot sa boses ni Aether. Agad namang umupo si Ryoichi sa harap ng isang malaking computer screen at binuksan 'yon nagsimula siyang magtipa ng kakaibang symbols at mga numbers. Maaring computer language. "Hindi hacked ang system niyo, pero detected na may nagbalak manghack nito. Siguro kaya niya sinira ang CCTV dahil hindi niya madedelete kung ano man ang makikita sa CCTV. Palagay ko planado ito pero sa system lang nagkaroon ng kaso."

Tumipa pa siya sa keyboard doon at nakita na namin ang mga footage. "Anong oras ka nakauwi?" tanong ni Ryoichi kay Aether. "Ganoong oras pa rin."

Tumipa si Ryoichi at pabalik na ang footage sa CCTV pero natigil siya nang mapansin ang isang sasakyan. Pinause niya iyon at nanatili siyang titig doon. "Chevrolet Cruze 'yan diba?" tanong ko. Tumango naman siya at nanatiling nakatingin sa asul na Chevrolet Cruze.

Finorward niya iyon pero walang lumalabas sa kotse nandoon lang iyon pero nagulat kami nang biglang nagsimula magblurr ang CCTV. Umalog-alog ito at biglang naputol ang linya. Napatingin naman ako kay Ryoichi na ngayon ay nakakunot ang noo at halos magsalubong ang mga kilay.

Tumipa ulit siya at tinignan naman ang ibang footage pero ang nakita na lamang ay isang lalaking naka over sized na jacket at itim na pantalon at itim sneakers. Nakahood siya at nakatalikod. Bakas naman sa yaya ni Aether ang takot at ang unti-unting pag layo sa lalakeng estranghero. May dala itong baril na may silencer. Lumingon ito sa kinaroroonan ng CCTV pero nakatakip ang mukha niya ng face mask at shades. Itinutok niya ang baril sa CCTV at nawalan iyon ng koneksyon. Lahat ng CCTV na matatanaw ang crime scene ay nawalan ng koneksyon ang CCTV sa system.

Binalingan ko si Aether na ngayon ay halos namumutla na sa takot. "Siya 'yon." Mahinang bulong niya. Lumingon si Ryoichi sa kanya. "Ano?"

"Siya ang bumulag sa akin, siya ang pumatay sa kapatid mo, Reed." Malamig ang kamay niya nang hawakan niya ang mga palad ko. "Alam mo ba ang mukha niya?" umiling si Aether. "Nang huli ko siyang nakita ay ganyan din ang ayos niya, tanging mata lang niya ang nakikita ko noon. Nakakatakot ang mga mata niya, puro puot. Puro galit at inggit."

Nagkatinginan kami ni Ryoichi at ipinilig niya ang ulo niya. Tumipa siya ulit pero tanging kay Aether nakatuon ang atensyon ko. "Natatakot ako Reed, nagsisimula na ang lahat. Lahat nang ito ay nagsimula nang mamatay si Rin."

"Gusto niya tayong patayin at kunin ang mga mata natin para gamitin sa kasamaan at pagkaganid niya."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon