Chapter 3

10.5K 368 82
                                    

[Reed]

Nanginginig ang labi ko pati na ang kamay ko. Lahat ng nakita ko nang hawakan ko siya ay biglang bumalik sa isip ko.

Yung mga lalaki, maliit na eskinita, pundidong ilaw, isang nakakapanindik balahibong sigaw, bato at black out.

"No.." I whisper. Patuloy kong naririnig ang pagtawag ng kaklase ko sa telepono.

Hindi ko alam kung saan titingin, gusto kong himatayin sa nalaman.

Tsaka ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat!

She got raped by those boys on a narrow street where there is no light at all, she tried to call for help by screaming but someone hammered her with a big stone and she lost consciousness might be it's the reason why she died. She died because of internal hemorrhage.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa mga pangyayari. I don't know what to think. Pakiramdam ko mababaliw na ako. I think what happened to Viv will hunt me as long as I live.

I can't do anything to save her. I tried to tell her but of course a sane person wouldn't believe me as if I am in a verge of getting insane.

Nanatili ako roon an nakatulala at binabagabag ng konsensya ko. Wala man lang ako nagawa para iligtas siya. Para saan pa at nakikita ko ang kamatayan nila.

"Ate?" Nilingon ko si Rin na ngayon ay kagigising lang. "Okay ka lang, Ate?" Pag aalala niya. "You seem pale."

"No, Rin. I'm fine," I smiled. She tilted her head and nodded a bit. "Powder room lang ako," paalam ko sa kanya. "Sige, Ate. Go pamper yourself you really look pale, may nangyari ba?" Umiling ako tsaka ngumiti.

Nang makapasok at maisarado ko ang pintuan ng powder room ay tsaka bumagsak lahat ng luha na pinipigilan ko. Mahihinang hikbi ang kumawala sa aking mga labi. Hindi ko talaga kayang pigilan ang kamatayan ng isang tao.

Death is unstoppable. Death is ruthless. Death is a sad truth— Tragic truth rather.

Sana mapagbigyan ako ng pagkakataon na makapag ligtas ng buhay ng isang tao- hindi lang isa kundi marami gamit ang kakayahan ko. Ang mga mata na kung ituturing ng iba ay isang sumpa pero ngayon para sa akin ay tinutuklas kung isa bang regalo para makatulong ako sa iba.

Nang lumabas ako ng powder room ay tulog na si Rin. She sleep so soundly and peaceful. "How can I save you?" I asked her while asleep.

Masakit na ang mga mata ko dahil sa pamumugto at pagod sa pag-iyak. Wala na akong mukhang maihaharap bukas sa school. Ako ang dahilan ng pagkamatay ni Viv, hindi ko siya napigilan sa abot ng makakaya ko, hindi ko siya nabalaan, hindi ko siya nailigtas.

Nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto. Pinuntahan ko ito at nang buksan ko ay kapansin-pansin ang pagkabigla ng nurse nang makita niya ako.

Paniguradong kita niya ang namumugto kong mata. I'm sure I look like a mess right now. "If I'm not mistaken dito ang kwarto ni Rin Tyler," tanong ng nurse. Tumango lang ako. "There's a package for Reed Tyler, ikaw po ba iyon?"

"Yes, I am," hindi ko kilala ang boses na nagmula sa akin, pugto ito at halos hindi marinig. Para ba akong namamaos.

Iniabot niya ang package sa akin. Bago pa man ako nakatalikod ay napansin ko ang lifespan niya 091834. He only have 21 days.

"Uhm, Kuya," ibinalik niya sa akin ang tingin niya. Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang braso niya.

Jeepney. Gun. Black clothing. Dim lights. One. Screeching of tires. Black out.

"Kuya, lagi ka mag-iingat, it may be weird but try not to transport with jeepney before September 18," I said, seriously. Halos umismid siya pero napansin ko ang pamumutla niya.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon