Chapter 10

6.4K 202 50
                                    

[Ryoichi]

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Reed sa akin nang medyo bilisan ko pa lalo ang pagpapaandar. Natatakot ba siya? She shouldn't be scared because I will do anything just to keep her safe.

Binagalan ko ng bahagya ang pagpapatakbo, I wouldn't want her to fall from the bike. Ayoko magalusan man lang siya.

Darn it!

Nababaliw na ata ako. Ano ba itong iniisip ko.

Get a grip, Ichi. Get a grip.

Hindi ko alam pero asar na asar ako nang kausapin niya si Ryosuke, I hate it. My brother is an asshole, a man whore in Yokohama, I guess he got tired fucking almost the whole population of teenage girls in Yokohama. Tss.

She should be aware of my brother. "Hey, Reed," I call her but there is no response. Kahit pa hindi siya sumagot ay itutuloy ko pa rin ang sasabihin ko. "You shouldn't hang out with my brother much," because it feels weird when you talk to him.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ko kanina. Bakit ko nga ba nasabi yon? Maybe just to state the fact that I couldn't catch her because I could also fall of the motorcycle.

Darn it! What is wrong with me?

No this is wrong you shouldn't feel it, Ichi.

Masama sa iyo ang distractions, lalo ang stress. Yeah this girl will give me stresses.

Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na wala lang lahat ng nararamdaman ko at itinuon ang sarili sa pagdrive ng motor.

Ayoko na muna siya isipin, ayaw kong maaksidente dahil sa pagiging pre-occupied ko.

[Reed]

Nang makarating kami sa isang chapel ay napansin ko ang mga bulaklak na nakahilera. May mga galing sa mga politiko pero meron ding galing sa paaralang pinag-aaralan ni Rin maging ang pinapasukan nila Mama at Papa. Hindi pa man kami nakakapasok ay nakita ko na si Kuya Rich.

His eyes have dark circles beneath it, namumugto rin ang mata nila Mama. Nandoon din sa sentro malapit sa altar ang munting kabaong na puti ni Rin. Naramdaman ko nanaman ang pagbalong ng mga luha mula sa mata ko.

Habang lumalakad ako palapit sa kanila ay palakas nang palakas ang mga mumunti kong hikbi. Nagsimula na ring manikip ang dibdib ko dahil sa sakit na nadarama ko. Naalala ko nanaman kung paano kahapon ay nawalan na nang pag-asa ang mga doktor na muli nilang maibabalik si Rin, nang unti-unti ay nag-iba ang kulay ng parameter niya sa normal, nang unti-unti ay tinakpan siya ng puting kumot at inilabas sa kwarto na kanyang naging tahanan nang ilang taon.

Nasasaktan ako, sobrang nasasaktan sa nangyari sa kanya pero wala naman akong ibang magawa kundi ang tanggapin ang pagkawala niya dahil kahit pa umiyak ako ng ilang balires ay hindi na nito maibabalik pa ang buhay ni Rin.

Hindi na nito maibabalik ang tsansa na makasama ko pa siya muli. Hindi na nito maibabalik ang pagkakataon na sana ay nailigtas ko pa siya. Na sana ay napigilan ko pa ang mangyayaring ito. Kaso masyado nang huli para pa sisihin ko ang sarili ko. Nangyari na 'yon. Wala na, nakaraan na lahat.

Hindi ko alam kung paano ako nakalapit sa harap ng kabaong ni Rin pero ang alam ko ay wala nang mapagsidlan pa ang mga hikbi na kumakawala sa akin. Tanging ang yakap ng pamilya ko ang nag-aalo na sana ay matigil na ang pag-iyak ko.

Mistula lamang natutulog si Rin, hindi halatang nahirapan pero halata ang ilang bakas ng leukemia, mayroon siyang pasa sa braso na kung saan huli siyang kinuhanan ng dugo. Parang dinudurog ang puso ko sa nangyayari. Bakit kung kailan naiintindihan ko na kung bakit mayroon ang ng mga matang to ay saka ako pinahihirapan ng ganito? Tsaka unti-unti'y nagiging sumpa nanaman ito para sa akin.

Iginiya ako ni Kuya Rich sa isang upuan dulot ng panghihina at panlalata ko. Hindi pa rin mapatid ang pagtulo ng mga luha ko. May kamay na naglahad ng panyo at baso ng tubig sa akin pero masyado na akong nanlalata para pa tanggapin yon.

Tumalungko si Ryoichi sa harap ko at ipinatong sa tabi ko ang baso ng tubig. Dahan-dahan ay iniangat niya ang kamay niya papunta sa pisngi ko at pinunasan ang mga luha roon maging sa gilid ng mga mata ko ay ganon ang ginawa niya. Tahimik lang siya habang ginagawa iyon pero dama ko ang maingat niyang mga kamay na para bang masasaktan ako sa pagpunas lang niya ng luha ko.

Inilagay niya ang ilang takas na buhok ko sa likod ng tainga ko tsaka niya hinawi ng bahagya ang bangs ko na tumatabing sa mukha ko. "Hey, don't cry. Rin might be sad if she saw you cry that hard. You bawl like a baby," napangiti ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung iniinsulto mo ako o hindi eh," kahit pa alam kong ilang salita lang tungkol kay Rin ay iiyak ako nagawa pa rin niyang pagaanin ang loob ko.

"I'm telling the truth, Reed. A young lady like you shall not bawl like a baby." Tinampal ko ang braso niya pero tinawanan lang niya ako. Dinampot niya ang baso ng tubig sa tabi ko at itinaas ito sa akin. "Drink up."

Nanginginig man ang kamay ko ay tinanggap ko iyon, hindi naman nawala ang kamay ni Ryoichi na nakasuporta sa ilalim ng labi ko at ang isa ay nakahawak din sa baso. Para akong bata na sinusubuan pero hindi ko na iyon inisip pa. I'm happy Ryoichi is beside me at times like this.

"Reed!" Napatingin kami pareho ni Ryoichi sa nagsalita and I saw Laurice. She is wearing a black halter dress and a black heeled gladiator styled sandals. She almost ran to me and hugged me tightly.

"Condolences Mr. and Mrs. Tyler," she said when she faced Mom and Dad. "Rich," she only nodded when she saw Kuya Rich. She looks at me again at kay Ryoichi na ngayon ay nakatayo na sa gilid ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin at bumalik kay Ryoichi, pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Ryoichi nang mapagdesisyonan niyang hugutin ang braso ko at dalin kaming dalawa sa bandang dulo ng chapel. Sinenyasan ko si Ryoichi ng sandali lang at tumango siya tsaka humarap kila Mom at Dad.

"I think you forgot to say something about me, Reed." She looks at me with a wide smile and even wiggled her eyebrows, twice.

"Ano?"

"Wow, first you two walked together at school, okay that's a coincidence then napapadalas ko kayong nakikita na magkasama. Even with the Fuego girl. Hey, ngayon lang tayo hindi naging magkaklase and you got to hang out with famous chicks and boys."

"Anong point?" I asked confused.

"What's between you and Ryoichi? Nung dumating ako nakatalungko siya sa harap mo smiling at you and holding a empty glass of water? What is really happening, girl?"

"H-hindi ko alam," I blushed at my answer thinking of the scene she caught us. "Seriously, Reed? Yung tingin ni Ryoichi hindi na normal yon, it's not normal for a boy to care that much for a girl. Yung tingin niya sa iyo andon yung adoration and caring pati ang fear."

Napadiretso ako ng tingin sa kanya. "Laurice, magkaibigan lang kami ni Ichi," she smirks at me. "So now he permits you to call him in his nickname? Magkaibigan ba talaga yan o magka-ibigan?" Makahulugang tanong niya sa akin pero hindi ko siya masagot. Napatingin lang ako kay Ryoichi na kasalukuyan din palang nakatingin sa akin.

Nagtama ang paningin namin at mas lalo akong namula dahil sa tingin niya kaya iniiwas ko ang tingin ko mula sa kanya.

"Wow, just wow. Ano na sis? Seems like he's ready to die for you," tumingin ako sa kanya at nakangisi lang siya.

"Ang mga lalaking ganyan di na dapat pawalan pa, minsan lang ang lalaking ganyan makatingin. It's pure affection at wala nang iba pa."

She started walking towards my family and I was there standing and thinking about her words. Hindi pwedeng magkagusto sa akin si Ryoichi, he is far beyond my reach, is it?

Iniisip ko pa lang na maaring hindi ko makasama si Ryoichi ay para nang tinutusok at pinipiga ang puso ko. "What the hell?"

Ano ba itong ginagawa mo sa akin Ryoichi? It confuses me like hell.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon