Chapter 16

4.4K 170 31
                                    

           

[Ryoichi]

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang pumasok 'yung lalaking kasama ni Reed kanina. Akala ko ay matatahimik na ako sa mga ikakasira ng umaga ko pero lalo lang pala madadagdagan. "Tss.." singhal ko nang mapansin ko'ng nahagip ako ng paningin niya. Nakita ko naman ang bahagyang ngisi sa kanyang mga labi.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana pero agad akong nadistract nang may marinig akong nagmamadaling yabag.

"Tabi!" agad akong napatingin sa bandang pintuan namin nang marinig ko ang sigaw ni Janice na may bahid ng pag-aalala. "Oh my God! Reed!" agad na lumabas ng classroom si Laurice nang makita niya si Reed na walang malay at namumutla na buhat buhat ng kaklase nilang lalaki.

Agad akong napatayo at lumabas ng classroom. "Pasaway talagang babae 'to." Nakita ko rin na sumunod sa akin 'yong kasama niya kanina. Napailing na lang ako at nagmamadaling sumunod kila Janice.

Halos maiyak na si Janice sa pag-aalala maging si Laurice. Nahagip naman ng paningin ko si Amari na nauuna sa kanila. "Amari!" my voice echoed on the hallway. Hindi niya ako pinansin at halos natataranta na rin siya. "Asan ba 'yong b'wisit na clinic dito?" halos mag hysterical na siya sa kakalingon at hanap ng clinic.

Nagpatiuna na ako at nagdiretso papunta sa clinic. Agad ko namang narinig 'yong mga nagmamadaling hakbang nila. Taka namang napatingin sa amin ang nurse sa loob ng clinic. "Bakit andami niyo naman yata?" nagtatakang tanong ng nurse. "Eh kung tanungin mo muna kaya kung ano nangyari sa babaeng 'yon? Ano magchikahan muna tayo rito sa pinto?" sarkastikong sabi ni Amari habang nakahalukipkip at nakatingin kay Reed. Tinignan ko naman siya ng masama pero inihawi lang niya ang buhok niya na nakapatong sa balikat niya.

Agad namang umalalay 'yong nurse sa kama na andoon at tinignan ang blood pressure ni Reed. "90/60," bulong niya. Tinignan din niya ang temperature niya. "37.9 degrees celcius."

"May sinat siya," wala sa loob na nasabi ko. Tumango naman ang nurse. "Bakit di pa kayo bumalik sa klase niyo? Isa na lang sa inyo maiwan dito." Tumingin sa amin ang nurse kaya naman nauna nang tumalikod si AmarI. "Troublesome, brat."

Nakita kong pukulan ng masasamang tingin nina Janice at Laurice si Amari na ngayon ay palabas na ng clinic pati 'yong kaklase nilang bumuhat kay Reed.

"You go back to class." Bumaling ako ng tingin do'n sa kasama ni Reed kanina. Ngumisi siya sa akin. "Why? I'm her friend." He said looking at Reed. "You're a transferee, right? Just go to our class and stay your ass in there." Gigil na wika ko. Ngumisi lang siya at tumalikod. "Wag ka maging kampante, kasi kung ano man ang meron sa pagitan niyo- I'll make sure Reed will be away from you." Ngingisi-ngising sabi niya.  Naramdaman ko ang unti-unting pakuyom ng mga kamao ko. "And why would you do that?"

"'Cause you'll end up hurting her. I know it." Pinukulan ko ng masamang tingin ang likuran niya. "At sa tingin mo ikaw hindi mo siya masasaktan?"

"Atleast when she's with me, I know I can save her, I can protect her whatever the cost is." Makahulugang sabi niya bago umalis sa clinic. "Fucker, Asshole." Gigil na bulong ko nang makatalikod siya.

Tumingin ako kay Reed. "Trouble should be your name," bulong ko. Umupo ako sa tabi ng kama sa may clinic. "Eto nanaman ako, ako nanaman 'yong nagbabantay sa iyo. Tsk. You should be thankful. Anata wa mendodesu." (You are troublesome.) Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.

Her face seemed pained. "Pasaway kasi masyado. 'Yan napapala mo." Nangingiti kong bulong. But all of my smile vanished when she suddenly groaned. Kumukuyumos ang kamay niya, bumibiling sa kanan at kaliwa ang ulo niya. "Reed?" her groans became much harder and louder as if she's in deep pain. Para bang paralisado siya. "Reed! Reed!" tumingin ako sa nurse desk pero wala roon ang nurse. "Tsk! Saan pumunta 'yon?"

"Hey, Reed. Reed, wake up." Halos mataranta na ako nang mag-umpisang mamuo ang mga butil ng pawis sa noo ni Reed. This is bad. Really bad.

"Reed! Reed!" hindi ko alam ang gagawin. She keeps on groaning in pain.

[Reed]

Napapaligiran ako ng hindi ko matukoy na aparato. May mga nakakabit sa katawan ko at maging nakaturok sa leeg ko. Hindi ako makagalaw. I seem to be paralyzed.

Hindi ko alam pero para bang totoo lahat ng nakikita ko. They seem so vivid. Panaginip lang nga ba ito? Humihiling ako na sana ng ay isang panaginip lang ito.

Isang panaginip na makakalimutan ko rin sa pag-gising ko. Nangangatal ako, para bang lamig na lamig ako kahit pa pinagpapawisan ako.

Tanging tunog ng paghinga ko ang naririnig ko. Tunog ng mga makina sa paligid at mga yabag. Rinig na rinig din ang pagtipa sa paligid pero para bang bingi ako sa lahat ng mga salita ng nasa paligid ko.

Tanging nakakasilaw na liwanag lang ang nakikita ko. Para bang lumulutang ako at tulala lang sa tanawin na iyon. 'Yon na lang ang tanging pag-asa ko sa buhay na para bang 'yon na lamang ang magsasalba sa akin sa kinalalagyan ko.

May mga itinuturok sila sa tagiliran ko, pati sa nakakabit na swero sa kamay ko. Alam kong bumabalong ang luha ko pero tanging pag-ungol sa sakit lang ang kaya ko'ng gawin. Hindi ako makakatakas sa pagkakagapos ko sa higaan na iyon. Tanging mga luha ko na lamang ang nagsasabi ng nararamdaman ko- ang sakit na dulot ng ginagawa nila. Gusto ko sumigaw na itigil na nila pero nanghihina na ako. Wala na akong kayang gawin kundi ang umiyak na lamang.

"Reed!" naalimpungatan ako nang makita ko si Ryoichi. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Ramdam ko ang pagpatak ng mga butil ng pawis sa noo ko. Parang kulang na kulang ako sa paghinga.

Naramdaman ko ang pag-ahon ng mga luha ko. Naramdaman ko ang mga mararahang haplos ng hinlalaki niya sa pisngi ko. "Hey, it's fine. You're not alone." Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Hindi ko na alam ngunit nang hilahin niya ako sa bisig niya ay parang nakaramdam ako ng kaligtasan sa mga bangungot na nakikita ko. "Hush now. You're not alone. You never are." Mapang-alo niyang bulong. Tanging mahihinang hikbi ko ang kumakawala sa mga labi ko.

"Natatakot ako," mahinang bulong ko. Ipinagdarasal na sana hindi niya narinig. Tama na na and'yan siya sa tabi ko kung kailan kailangan ko ng masasandalan. Naramdaman ko ang marahan niyang paghagod sa likuran ko.

"Tumahan ka na, apaka iyakin mo." Napangiti ako sa pagbibiro niya. "Hindi na ako maiinsulto sa sinabi mo kasi totoo naman. Lagi mo na lang ako nakikitang umiyak." Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya.

"Mga dalaga at binata nga naman." Napalingon ako nang makita ang nurse sa likod ng kurtina. "Ano, Tyler? Okay na ba pakiramdam mo? Bakit ba bigla ka na lang nawalan ng ulirat?" napaisip naman ako ng mga naramdaman ko bago ako mawalan ng ulirat. "Nagdilim po muna 'yong paningin ko eh, tas parang humihina 'yong pandinig ko tas parang nanlalamig po 'yong katawan ko eh."

"Wala ka bang vertigo, wala ka namang sakit sa puso diba?" umiling ako. "Kagagaling ko lang po sa lagnat nung weekend kaya po siguro gano'n." pagdadahilan ko. Tumango naman 'yong nurse at bumalik sa desk niya. "Hiroto, magsecond period na. Bumalik ka na sa klase mo." Tumango naman si Ryoichi at tumayo.

Tipid pa siyang ngumiti. "D'yan ka na muna, magpahinga ka." Mahinang sabi niya at tumango naman ako. Ngumiti pa siya ulit at tumalikod. Tinignan ko naman siya maglakad palayo.

Hindi ko malaman pero para bang may mga nagkakagulo sa tiyan ko nang sabihin niya 'yon. Ramdam ko na nag-aalala siya. Sa bawat ngiti niya ay parang may nagkakagulo sa tiyan ko at ang puso ko naman ay tila tinatambol. Humiga na lang ako muli at bumiling paharap sa bintanang andoon. Hindi maalis sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Ryoichi.

"Hush now. You're not alone. You never are."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon