After Story

4.4K 161 53
                                    

[Reed]

Running after Rai inside their mansion is tiring. Parang walang kapaguran ang batang si Rai. She somehow reminds me of Rin noong malakas pa ito.

"Reed-onee-chan, catch Rai," she giggled as she ran further from me. Hinihingal na itinukod ko ang kamay ko sa tuhod ko.

It's been three months since I flew here in Yokohama. Minsan ay umuuwi ako sa bahay ni Ichi sa Tokyo ngunit nalulungkot ako dahil sa laki ng bahay ay ako lang ang mag-isa roon at napaliligiran ako ng mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Ichi.

"Nii-chan!" Umalingawngaw ang tili ni Rai nang makita si Ryosuke na papasok ng doorway. Ngumiti ito nang dambahin siya ni Rai. Napangiti rin ako sa tanawin na 'yon. I often imagine how close Rai and Ichi are.

"Ryosuke, you're here," narinig kong salubong ng Lola nila. "Tadaima, obaa-san," (I'm home, grandma) tumango ang Lola niya at tumingin sa akin. "Reed, can I talk to you?" Tanong nito. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

"I want to show you something, as well as to give you something," mahinang wika nito. Naglabas ito ng isang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang isang kwarto sa dulo ng hallway.

"This room used to be Ichi's when he still lives here in Yokohama," dahan-dahan ay ibinukas ng lola ni Ichi ang pintuan. Madilim ang kwarto dahil na rin sa mabigat na kurtina. Binuksan ng lola ni Ichi ang ilaw at bumungad sa akin ang isang kwarto na masinop ang pagkaka-ayos. Books piled neatly on the bookshelves, his bed done finely. Everything seemed to be untouched.

"Ever since Ichi turned thirteen I gave him the right to go to Tokyo or leave Japan." Pumasok siya sa loob ng kwarto at inilibot ang mata sa kwarto. "Ever since he left this room hasn't been touched. He's too meticulous to his things," ngumiti siya sa akin but then her smiles didn't reach her eyes. "But now, he's not coming back anymore," his grandmother's voice croaked. Agad akong lumapit sa kanya at napansin ko ang mga litrato na nakahilera sa taas ng study table niya.

"He values memories so much," wika ng lola niya nang mapansin marahil na ang mga mata ko ay nakapako sa mga litrato.

"Ichi's stern on the outside but he's too vulnerable. His mother didn't want any of his siblings near him because of his ability to sense danger." Hinawakan ng lola niya ang study table niya at tinapik ito. "I remember how Ichi study alone while Ryosuke is being homeschooled. He used to be studying all by himself," lumapit siya sa isang malaking cabinet at binuksan ito.

Makikita ang mga damit ni Ichi na nakasalansan ng maayos sa loob noon. His closet's color is monochromatic with the shades of black, gray and white. "He once said to me that someday he will give this to a girl who will forever stay in his heart."

She turned to me while holding a velvet box. Nang buksan niya ito ay nakakita ako ng isang silver bow and arrow necklace. "This symbolizes Cupid himself," nakangiting wika ng lola ni Ichi.

"I guess it's the right time for you to have it." Lumapit siya sa akin at tinanggal sa kahita ang kwintas inabot niya ang batok ko at isinuot ang kwintas sa akin.

"He gave you his life, even his eyes. That enough of a reason for him to give you that." Nakangiting wika ng lola niya. Hinawakan ko ang pendant. It's the size of my thumb. "Cupid will never gone wrong."

Unti-unti ay tumulo ang mga luha ko. "Hush now, he didn't like girls who cry a lot," pabirong sabi ng lola niya kasabay ng pagpalis ng mga luha ko. "I'll leave you now." Wika nito at lumabas sa kwarto.

Umupo ako sa kama niya at tinignan ang litrato na nasa shelf sa itaas lamang ng headboard niya. Litrato niya iyon na nakangiti sa camera habang itinuturo ang dagat.

He seemed so carefree. So innocent. So peaceful. Hinawakan ko ang kwintas na nasa tapat ng dibdib ko. Malungkot akong ngumiti at inilibot pa ang mata ko sa lugar na iyon. "It must be hard to be confined," malungkot na wika ko at tumayo sa kama niya. Hinawakan ko ang study table niya at tinignan din ang dalawang shelf na nasa magkabilang gilid ng study table.

I have the urge to see him. I want to see him.

Ibinaba ko ang puting mga tulips sa puntod niya. "Hey, long time no see," malungkot na wika ko. Malamig ang simoy ng hangin sa paligid kaya inilagay ko sa bulsa ng coat ko ang mga kamay ko.

"I miss you," mahinang sabi ko. Umupo ako sa harap ng puntod niya at hinawakan ito. "I want to see you," malungkot na wika ko. "Why give me your eyes when I can't even see you anymore?"

I heaved a deep breath. Nararamdaman ko muli ang mga luha ko. "Sabi ng lola mo ayaw mo sa babaeng iyakin, pero bakit ako?" Wika ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. "But I guess it's not a bad thing."

Ngumiti ako habang hinihimas ang malamig na lapida niya. "I miss you so much," tumingin ako sa langit at kapansin-pansin ang maaraw na panahon. "You know your grandma gave me this," wika ko kasabay ng pagtingin sa bow and arrow na pendant ng necklace. "It's beautiful."

Pinaglaruan ko ito sa pagitan ng mga daliri ko. "I guess Cupid didn't really gone wrong, the only wrong thing between us is the timing." Bumuga ako ng hangin. "Siguro ang saya natin kung tama lahat diba? Tama yung pagkakataon, tama ang panahon. But on the other hand things will never go the way we wanted."

Tinapik-tapik ko ang puntod niya. "I don't even know if Cupid will give me another chance to love someone."

Tinignan ko ang kamay ko na nakalapat sa pangalan niya. His name engraved to this cold stone.

Ryoichi Hiroto
Birth: June 25, 2016
Death: September 1, 2035

"I'll love you forever, Ichi."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon