Chapter 14

4.9K 167 37
                                    

           

[Ryoichi]

I've been staring down the city lights for hours but still I haven't erased those things I've seen from Amari's stare.

I shook my head trying to erase those scenes but for no use.

Pasalampak na nahiga na lamang ako sa kama ko at itinabing ang braso sa mga mata ko. "She's one of us, that's for sure." I whisper.

We've found five, we only need to look for one more. Tinignan ko ang pulang rosas na nakapatong sa bed side table ko.

Inabot ko yon at sinuri. "Why me?" pagtatanong ko sa rosas.  "Why of all people, ako ang napili mo?"

My mind's on turmoil. Gusto ko magwala, gusto ko mawala na lamang lahat ng nakikita ko at maging ang mga nasa isip ko. These eyes are a curse. Dahil dito itinuring akong halimaw ng buong pamilya ko.

Dahil sa mga matang to. Nasira ang sana'ng normal ko'ng buhay.

Ibinagsak ko ang braso ko na may hawak ng rosas at tinignan yon. Maybe this time I'm not alone. We're six who owns this kind of eyes. Atleast I'm not alone agonizing on what I have and what I'm capable off.

Nakarinig ako ng mahihinang katok sa kwarto ko kaya napabalikwas ako mula sa pag-iisip ko. "Ichi, gising ka pa ba? May naghahanap sa iyo sa labas." Tumayo ako at pinagbuksan ng pintuan si Kuya Dino. "Sino raw 'yon?" tanong ko. "Sabi niya siya ang bago mong kapitbahay."

Napaigtad ako sa sinabi niya. Agad ako naglakad papunta sa receiving area ng condo ko at doon ko nakita si Ryosuke na nakikitawanan sa kay Amari. "Really? You play guitar and a part of a band? Wow that's amazing." Ngumiti lamang si Amari kay Ryosuke at nang mahagip niya ako ng tingin ay tumayo siya.

"Why?" I asked. She smirked. "Suplado ka pala," nakangising sabi niya. Her voice is bit hoarsh and deep. "Ano kailangan mo?" pagtanong ko muli.

Naglakad siya papalapit sa akin. Iba na ang suot niya kesa kanina. Mas engrande ang design no'n at may excessive frills. Itim pa rin ang suot niya but may hair dress siya sa ulo na para bang itim na belo. She's wearing a black boots na hanggang sa ankle na lang niya. "May kailangan ako itanong sa iyo," malumanay niyang sabi.

Tinanguan ko siya at nagdire-diretso siya papunta sa pintuan, nanatili naman akong nakatayo sa pwesto ko. "Kung gusto mo malaman ang sasabihin ko sa iyo then I guess you should follow me." Wika niya na nilingon ako, andon pa rin ang mga ngisi sa labi niya.

Tinignan ko si Kuya Dino at nagderetso na sa paglabas. Nang masara ko ang pintuan ay nagpauna nang maglakad si Amari sa dulo ng hallway kung saan dead end na iyon. Nagulat ako nang itulak niya ako sa pader at hawakan ang mga kwelyo ko.

"Ryoichi Hiroto, you better stop helping the girl with the eyes of death. You'll only fall to your end if you continue. Hindi ka magtatagumpay sa balak mo." Madiin niyang wika. Nagitla ako ngunit nakahuma agad.

"Then I guess you hold the eyes of future or what ever it is." Malumanay kong wika. Nakita ko na nagngitngit siya. "I hold the eyes of success."

"Ano ang sabi ng note na kasama ng rosas mo," pagtukoy ko sa violet na rosas sa headband niya na natatabunan ng itim na lace. Nagulat naman siya. "Paano mo nalaman ang tungkol sa rosas?"

"Just tell me what the goddamn rose says!" ma-awtoridad ko'ng sabi.

"What ever step you make it may lead to success or failure." Mahinang wika niya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko at siya ang idiniin ko sa pader. "Don't ever dare to interfere on what I decided to do, little lady." Dama ko ang mahinang paglunok niya. Ilang sentimetro na lamang ang pagitan ng mga mukha namin.

Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya. Narinig ko naman ang malalim niyang paglunok kaya napangisi ako. "Wag mo ko tangkaing pigilan, katulad nga ng sinabi sa rosas mo kahit ano pa ang piliin ko dalawa lang din naman ang kahahantungan- it's either failure or success."

Inilagay ko sa bulsa ko ang mga kamay ko at naglakad palayo. "Ha! Kala mo kung sinong matalino. Tsk. Hindi naman gwapo, ma-appeal lang. De kung ayaw mo mag patulong de wag!" dinig ko'ng wika niya.

Halos matawa naman ako sa iniasta niya. Napailing na lamang ako. "Apaka kapal ng mukha! Kagigil." Narinig ko ang pagpadyak niya kaya lalo akong natawa.

"Batang isip." Bulong ko. Nang makarating ako sa unit ay sinalubong ako ni Ziggy. Tinignan naman ako ni Kuya Dino. "May gusto ka bang kainin?" ngumiti lang ako. "Dalan mo na lang ako ng melon bread at yogurt drink sa kwarto," tumango naman si Kuya Dino.

"Hmm.. Dumadami ang chics mo, otouto." Nginisian ko naman siya. "Diba marami ka rin namang babae sa Japan? Bakit di ka umuwi, onii?" nakita ko ang pagbakas ng inis sa mga mata niya sa binitiwan kong mga salita. Nagtuloy-tuloy tuloy na lamang ako paakyat ng kwarto ko.

Bakit pa kasi kailangan andito yung buwisit na yon? Di na lang siya umuwi sa Tokyo. Inabot ko ang laptop ko at binuksan muli ang files regarding sa pagkamatay ni Rin. Hindi ako matahimik sa nawawalang CCTV file. Sinubukan ko'ng buksan ang hacking system ng security ng hospital pero talagang erased sa system nila ang CCTV file na 'yon. Masyadong malinis at talagang masinsing plinano ang case ni Rin. That is one thing for sure.

Hindi nalaman ng security na may ifiltrator na nakapasok sa building nila at maging ang security facilitator nila ay parang walang pakielam. Unless tama ang conclusion ko na ang infiltrator mismo ay nasa security facilitator at iniba ang bote ng gamot sa lab para sa gamot ni Rin. I shook my head for my ridiculous conclusion. Pero hindi ko pa rin maalis na possible nga na ganon ang case ni Rin.

Somewhat connected ba siya sa case ng pagkabulag ng isang mata ni Aether?

Agad na sumagi sa isip ko ang mga nangyari noong namatay si Rin. Sinabi ni Aether na may mga taong may dahilan kung bakit siya nabulag.

Kinuha ko agad ang telepono ko at dinial ang number ni Aether.

"Hello?" malumanay na sagot niya. "Aether, you said there are people behind the blindness of your eye." Natahimik ang kabilang linya at tanging paghinga lang ang naririnig ko.

"May I know kung sino sila?"

"They are just near to the both of you." Mahinang wika niya. "Don't trust to much, they might kill you when you turn your back to them."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon