Chapter 5

9.6K 296 42
                                    

[Reed]

Napatitig lamang ako sa kanya habang hawak niya ang pulang rosas. Nakapamulsa ang isang kamay niya habang hawak iyon.

"Danger comes on your way, find your way out and it's death you'll face." Bulong niya habang nakatingin sa rosas. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.

"Y-you have the eyes?" Nanginginig ang labi kong tanong sa kanya. He looked at me, his eyes full of random and unanswered question but there is fear in it. Is it really fear? He blinks and those emotions were gone, now it's all blank.

"Just stay away from me," his icy voice told me. "You don't need to know anything or even everything."

I stood there dumbfounded. Nanlalaki ang mga mata at maging si Janice ay nanlalaki ang mga mata. "Pero isa ka sa mga katulad namin," mahinang wika ni Janice. "Fuck this thing! Kalimutan niyo na isa ako sa inyo! Kapahamakan lang ang dala ko sa inyo!"

He dropped the red rose at nang maglakad siya palayo ay inapakan lang niya ang pulang rosas. I stood there staring at his leaving physique. Hindi ko alam bakit may nagtulak sa akin pero narelize ko na lang na nakayakap na ako sa likod niya.

"I don't care if you are dangerous, kailangan ka namin, isa ka sa amin, tanggap ka namin," nararamdaman ko ang pagbalong ng luha sa aking mata at maging ang pagpiyok ko dahil sa pagpipigil ng pag iyak.

Nakatayo lamang kami roon sa hallway para kaming magkasintahan pero hindi. "You should steer clear of me, hindi ako makakabuti sa inyo."

Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakayakap ko pero lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko. My heart pounding. Hindi ko alam bakit pero ayaw ko siyang pawalan. "Hindi ako makakabuti sa lahat, Ryoichi, kamatayan ang dala ko, kamatayan ang nakikita ko, ikaw ang isa sa magiging mata ko para magamit ng maayos ang mga kakayahan na mayroon ako."

I sniff a little dahil pakiramdam ko hindi ko na mapipigilan pa ang luha ko. "Nababaliw ka na ba, Tyler?" Tila natatawa siya sa reaksyon ko. "Kapahamakan lang ang dala ko sa inyo. I have the eyes of danger."

Wala akong pakielam kung mapanganib siya dahil mas mapanganib ang mata na meron ako, nasa akin ang mata ng kamatayan kaya bakit ako matatakot sa simpleng kapahamakan lang kung sa simula pa lang kamatayan na ang kahaharapin ko?

"Does it matter if you have the eyes of danger?" Tanong ko sa kanya. Tila siya natahimik. "Yes."

"How come?"

"I only bring danger to you, and if you can't stop that danger then death will come," bulong niya. "What if I have the eyes of death?"

"What?! No! You don't!" Nagulumihanan ako sa sinabi niya. Tuluyan niyang nabaklas ang kamay kong nakayakap sa kanya at pinagsalikop ang mukha ko sa kanyang kamay. "Hindi ikaw ang may mata ng kamatayan," bulong niya.

"I am the one possessing it," bulong ko. "Paano mo masasabi?"

Napalunok ako sa tanong niya, ngayon ko na ba sasabihin sa kanya ang totoo na isang taon na lang ang nalalabi sa kanya? "Hindi ikaw ang may mata ng kamatayan." He murmur.

He turned using his heel and leave me there standing. "Ang romantic naman, para lang Romeo and Juliet ah, forbidden na ba talaga ang love story niyo?" Janice snide, may mapaglarong ngisi sa kanyang mukha at para bang kaunti na lang ay lalo pang mang-aasar.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya," wika ko sabay palis sa luhang lumandas sa pisngi ko. "Ang alin? Sa sagot niyang malaki ang magiging problema kung siya ang may mata ng kapahamakan o yung sinabi niya na hindi ikaw ang may mata ng kamatayan? Or rather both?"

Humalukipkip siya at naglakad palapit sa akin. "It's too complicated, Reed. Masyadong mahirap intindihin, we are still young adults, there are things we can't understand or even the adults rather."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon