Chapter 41

2.6K 91 53
                                    

[Ryoichi]

Dumbfounded I stood there. "Sino sila?" Pag-uulit ko sa tanong ko. Aether is just staring at me. Tinanggal niya ang eye patch niya at ngumiti.

"Ito ang mata ko matapos akong ma-kidnap ng mga scientist na gusto mag-aral sa kakayahan natin," tinakpan niya ito ng kamay niya at tumingin sa akin.

"Si Reed ang isusunod nila," my mouth became dry and I can't even speak. "Paanong si Reed ang isusunod nila?" Tanong ni Dieve. "Reed have the Eyes of Death, magagamit nila iyon sa medical purposes and pareho ng ginawa nila sa akin na gusto nila kunin ang mata ko," nanginig ang boses ni Aether.

"Paano nila malalaman na si Reed 'yong hinahanap nila?" Tumingin sa akin si Aether at inilabas ang puting rosas niya. "Penelope Grim."

Nagtagis ang panga ko sa pagkakarinig pa lang ng pangalan na 'yon. "Paanong may koneksyon si Penelope sa lahat ng ito?" Tanong ni Dieve.

"Nakilala ko si Penelope noon, sinabi niya na isa siya sa anak ni Grim Reaper pero di ako naniwala. She said she has all the eyes we have," binitiwan ni Aether ang rosas na puti at hinayaan na malaglag sa lupa. "Noong una ay hindi siya isang mortal bagkus ay isang hybrid kung baga sa mythology ay isa siyang demigod pero dahil sinamantala niya at ginamit sa kasakiman ang kakayahan niya isa na lamang siyang tao."

Nagtagis ang panga ko. "Ano naman ang koneksyon ni Penelope sa mga scientist na gumawa sa iyo niyan?" Iritado kong tanong. "Ginamit ni Penelope ang kakayahan niya upang mabrainwash ang mga scientist, ngayon gusto ng mga scientist na kunin ang mga mata ng may Eyes of Death and Life."

"Bakit nga nila gusto kunin iyon?!" Marahil ay nagulat si Aether sa pagtaas ng boses ko kaya sinubukan kong kumalma. "Hindi ko alam kung bakit gusto nila makuha 'yon," nanginginig na wika ni Aether.

"Ang mga pumapatay? Pareho lang ba sila?" Tanong ni Dieve. "Isa lang ang sigurado ko, malapit lang sa atin ang pumapatay pero hindi ko alam kung may koneksyon siya sa scientist na balak kumuha ng mga mata namin ni Reed," mahinang wika ni Aether.

Hindi ko mapigilan na makuyom ang aking kamao. "Kailangan natin protektahan si Reed, at all cost," ma-awtoridad kong wika. "Hey, Ryoichi, wag ka mag padalos-dalos," pagtawag ni Dieve sa akin. "Hindi maaari na malagay sa panganib si Reed."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "You will protect her, I know that. Pero wag ka magpaligoy-ligoy, hindi ka ganyan, do it your own way." Tinapik niya ang balikat ko at nang lumingon ako sa kanya ay tumango siya.

Agad naman akong nag-isip. Dinial ko agad ang number ni Kuya. Ilang rings pa ay sumagot na siya sa tawag ko. "Nii, be ready because may hacking kang gagawin mamaya," wika ko sa kabilang linya at narinig ko naman ang excitement sa boses ni Kuya.

Lumakad patungo sa amin si Aether at may ibinulong sa akin na sadyang nagpakilabot sa akin. Tinignan ko siya sa mata at tumango lamang siya. Kinuyom ko ang kamao ko at tumango.

"Mauna na ako," pagpapaalam ni Aether. Tumango kami ni Dieve at tinignan namin ang papalayo niyang pigura. "Ryoichi, may sasabihin ako." Nakita ko ang kaseryosohan sa mata ni Dieve, pinamulsa niya ang kanyang kamay at naglakad patungo sa isang puno at sumandal roon upang maliliman siya.

"Hindi man ganoon kahalaga ang nakikita ko ngayon pero siguraduhin mong hindi ka mahuhuli," seryosong wika niya. "You can protect her, wag ka lang magpadalos-dalos," humalukipkip siya at tumingin sa akin. "You're the one who can do that, because of love you can conquer everything."

Iniwasan ko ang tingin niya. "Tsk," pagpalatak ko. "Denying it will just make you show more love than you thought," pagpapatuloy niya ng sinasabi. I felt my heart race a bit. "Mas lalo mong tinatanggi mas lalo kang nahuhulog at gumagawa ng paraan para indirectly na masabi sa kanyang mahal mo siya," tinignan ko siya at nakita ko ang pagiging seryoso sa kanyang mga mata. Humalukipkip ako at nakipagtagisan ng titig sa kanya.

"Bakit at paano mo nasabi na mahal ko siya?" Pagtatanong ko sa kanya ngunit ngumisi lamang siya. "I just know."

Tumingin siya sa mga puno at halaman sa paligid namin. "Like this garden, I know what's the most beautiful flower. Reed is that flower, she's the most precious among the bushes of people."

"Hindi mo man maamin ngayon, hindi pa huli ang lahat." Naglakad siya palayo ngunit tumigil din sa kalagitnaan. "You can ask for my help anytime, especially this is Reed we're talking about, I must have let her go but half of my heart is still hers. Bye then."

Tinignan ko lamang ang papalayong pigura ni Dieve at nanatili ako roon na nakasandal sa isang puno. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko.

"Ai," I mumble. Tumingin ako sa kalangitan at naalala ko nanaman ang maliwanag niyang ngiti, katulad ng mainit na sinag ng araw ang ngiti niya'y para bang isang lampara sa dilim.

Napangiti ako sa isipin na si Reed nanaman ang naiisip ko. "I must be crazy," tinignan ko ang paligid ko at katulad ng sinabi ni Dieve kanina nakakita ako ng isang Stargazer na sadyang namumukadkad at hindi pangkaraniwan ang ganda.

"You're the most beautiful among all the bushes of people, huh." Nilapitan ko ang Stargazer na iyon at hindi ko mapigilan na mapangiti.

Like her eyes I love gazing at it because it seems like a star. "I love looking at it," bulong ko. Hindi ko mapigilan mapailing sa naisip ko.

Nang hinawakan ko ang talulot niyon ay sadyang kay lambot at kinis, katulad ng mala porselana niyang kutis.

"Tss.. Bakit sa lahat ng bagay naaalala kita?" Hindi na maaalis pa ang ngiti sa labi ko. I have the urge to pick out the Stargazer but then there's a side of me who says don't.

"Falling in love is like gazing at a flower, you have the urge to pick it but doesn't have enough courage to take care of it," wika ko at hinayaan na lamang ang Stargazer doon.

Umangkas ako sa motor ko at bago pa man isuot ang helmet ko ay tinignan ko muli ang Stargazer at ngumiti.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon