Chapter 40

2.7K 100 41
                                    

[Ryoichi]

Someone is in front of me. Lifeless. Her pale body covered in blood. "Hey! Are you alright?" Wika ko but when I turned the body around I was shocked.

Agad akong napa-atras at nang tignan ko ang kamay ko ay may dugo ito. "What the-" nakarinig naman ako ng pagpitik ng gatilyo at tunog ng baril, kasabay noon ang pagbagsak ng isa pang katawan.

Tumingin ako sa paligid ko. No one is there except me and the two bodies lying beside me.

Agad akong napasinghap at naghahabol ng hininga. Hingal na hingal ako at para bang tuyong tuyo ang lalamunan ko.

"Ah!" Agad akong napabalikwas nang biglang may parang pagpilipit sa bandang dibdib ko. Sobrang sikip sa dibdib at para bang hindi ako makahinga. "Shit!" Wala akong magawa kundi ang malamukos ang duvet ko.

Hirap ako sa paghabol ng hininga ngunit sinubukan kong ikalma ang sarili ko sa pag hinga ng malalim.

"Another premonition," wika ko. Nang sinubukan kong tumayo ay parang nagdilim bigla ang paningin ko at nahilo ako. Napamura na lamang ako nang para bang nawalan ako ng panimbang at napaupo sa gilid ng kama ko.

Nasapo ko ang aking ulo at napamura na lamang. I grit my teeth while my head is spinning. Ilang minuto pang para akong bulag at nahihilo ay nagawa ko rin na tumayo.

Agad akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Matapos ko uminom ay naglakad ako patungo sa terasa.

Habang nakatingin sa mga ilaw sa ibaba ay di ko mapigilan ang mapaisip. Ano na nga lang ba ang mangyayari sa amin? Everything will be inevitable.

"Madaling araw na, bakit di ka pa natutulog?" I heaved a sigh at binalingan ko ng tingin si Kuya. "I woke up," sagot ko tumango-tango naman siya at umupo sa upuan sa terasa.

"You seemed not that well, ano meron?" Umiling ako at di napigilan pumalatak. "I guess you dreamt something bad," sumandal ako sa barandilya ng terasa at dinama ang malamig na hangin ng madaling-araw.

"Why don't we come back to Japan, for good?" Naibaling ko ang tingin ko sa kanya. "Bakit naman?" Umiling siya at tumayo sa inuupuan niya atsaka lumakad palapit sa akin at humilig sa barandilya.

"When everything is done, let's go back to Japan," he looked down and heaved a sigh. "Alam kong magiging mahirap sa iyo 'yon–" pinutol ko siya sa sasabihin niya. "I'll go."

Naramdaman ko ang titig niya sa akin. "After all malapit na naman ang Flying Letters," napangiti ako nang maalala ko ang Flying Letters. "You really love that event aren't you? The next Flying Letters will be on October 1st." Tumango tango ako. Naalala ko pa noon na pag dumarating ang Oktubre ay inaabangan ko 'yon sa isang peak ng Yokohama kung saan kita ko lahat ng magagandang tanawin.

"I'll go, with Reed," nakangiting wika ko nang maisip ko si Reed. She might love the event too. "Wag mo sabihin doon mo balak tanungin si Reed na maging girlfriend mo?" Ngumiti lang ako at humalukipkip.

Tinignan ko ang langit na puno ng mga bituin. Apaka gandang tanawin, it somehow reminds me of her eyes. Those eyes that are always twinkling.

"Baka," naramdaman ko ang mahinang pagsuntok ni Kuya sa braso ko. Natawa na lamang ako sa kanya at patuloy na tinignan ang kalangitan.

Nanatili kami roon ni Kuya na tahimik lamang at nakamashid sa ilaw ng siyudad at mga bituin. Nahagip naman ng mata ko ang isang maliwanag na bulalakaw.

"Oh! It's a shooting star," wika ni Ryosuke nakita ko naman agad na siya ay pumikit. "Make a wish, Ichi."

Agad din akong pumikit at humiling. Sana sumaya si Reed.

"Ano hiniling mo, otouto," ngumisi ako. "Yume mugen no kanata," nakangiting wika ko. "Ikaw?"

"Sa akin na 'yon," tumatawang wika niya. Di ko naman mapigilan na mapailing. "You never change,"

Umalis ako sa pagkakahilig ko sa barandilya at ipinamulsa ang mga kamay ko. "Matutulog ka na?" Tumango lang ako. "Oyasumi, amai to yume yasumi," (Good night, sweet dreams) wika niya. Tumango ako muli at naglakad na papasok mula sa terasa.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay nanatili muna akong nakaupo sa kama. For a while nakalimutan ko ang napanaginipan ko ngunit naalala ko nanaman ito.

It might be a premonition of what might happen. Pabagsak akong humiga sa higaan at sinubukan matulog. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang dalawang katawan na walang buhay sa gilid ko.

"It can't be," I said when I tried to fight back from sleep.

Maingay ang naging pagtunog ng alarm clock kaya naman ay pinindot ko ito at nag-inat. Maliwanag na sa labas nang magising ako.

Umaamoy ang butter mula sa kusina kaya naman lumabas ako upang tignan kung ano ang ginagawa ni Kuya. "Good morning, otouto."

Nagluluto siya ng omurice na madalas lutuin ni Obaa-san sa Japan. "Ano meron bakit di ka na lang umorder ng pagkain?"

"May I remind you na masama sa iyo yung fatty foods na ino-order mo, you need some sodium," wika niya na inilalapag sa plato ang omurice na niluto niya. "Hindi man katulad ng timpla ni Obaa-san pwede na rin 'yan."

"Itadakimasu," (Thanks for the food) I said and dig in with my food. Hindi pa man nangangalahati ang pagkain ko ay biglang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko.

"Dare?" Tanong ni Kuya na patuloy lamang sa pagkain. "Dieve," wika ko. "Yung may gusto kay Reed?" Pagtatanong niya. Tumango naman ako.

Agad kong tinapos ang pagkain ko. "Gochisoosama deshita," (That was delicious) agad akong naligo at gumayak.

"Nii, I'll be out!" I shouted when I grab my motorbike's key, helmet and jacket. "Take care!" He shouted back.

Dieve texted me that he and Aether have something to say. "Ano naman kaya 'yon?" Tanong ko sa sarili ko.

Mabilis akong nagmaneho ng motorbike patungo sa sinasabing lugar nila Dieve at Aether.

Nang makarating ako roon ay roon ko nakita si Aether na nakatayo harap ng isang fountain habang si Dieve ay nakahalukipkip na nakasandal sa sasakyan niya.

"Ano meron?" Tanong ko nakita ko naman si Dieve na umayos ng pagkakatayo at ipinamulsa ang kanyang mga kamay.

"Sila ang bumulag sa isa kong mata, kilala ko na sila," Aether said. Agad naman akong nanlamig sa kinatatayuan ko.

"Sino sila?"

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon