Chapter 21

3.8K 137 16
                                    

           

[Reed]

Kanina pa ako nakatayo sa harap ng unit ni Ichi at nag-iintay na may magbukas ng pinto pero wala. Halos isang linggo na simula nang isugod naming siya sa ospital. Nabalitaan ko naman na nakalabas na siya noon pang isang araw pero sa dalawang araw na pagpapabalik-balik ko ay walang nagbubukas ng pinto ng unit niya.

Napasandan na lamang ako sa pintuan ng unit niya at niyakap ang tuhod ko. Asan ka na ba Ryoichi?

Nakarinig ako ng mabibigat na yabag ng paa kaya napatingin ako sa pinanggagalingan noon. "Reed?" unti-unting tumulo ang mga luha na kanina pa nagbabadya. "Ano ginagawa mo rito?"

Ibinaba agad ni Amari ang gitara niya at agad na umupo sa harap ko. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at naka simpleng t-shirt siya at tattered jeans tsaka itim na high cut converse.

"Nasaan si Ryoichi?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya. "He's not here. He went back to Japan with his brother."

Para akong nabingi sa mga sinabi niya. "Ulitin mo ang mga sinabi mo." Tila napaos ako sa boses na kumawala mula sa akin. It was barely audible. "Hiroto's not here, Tyler. Umalis na siya." Nagdire-diretso ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking pisngi.

Totoo nga na gusto na niyang lumayo ako at maalis sa buhay niya. Kung hindi ko kaya ay siya na ang kusang lumayo at hindi na nagpaalam pa.

Unti-unting lumakas ang mga hikbi na kanina ko pa pinipigilan. "Hey, don't cry here. Baka kung ano sabihin ng mga kapit-bahay ko."

Pakiramdam ko ay nanghihina ang mga tuhod ko. Unti-unting bumigat ang paghinga ko at lalong lumalakas ang mga hikbi ko. Parang namamanhid ang buong katawan ko at ang tanging gusto ko lamang gawin ay ang umiyak. Para bang wala nang kinabukasan pa akong kahaharapin.

Bumalik muli sa alaala ko ang lahat. Ang unang pagkakataon na nakilala ko siya sa pamamagitan ng panyo'ng iniwan niya sa akin sa ospital. Ang araw na nalaman ko'ng isa siya sa amin. Isa siya sa mga katulad ko'ng hindi pangkaraniwan ang mga mata.

"Shit, Tyler. Kumalma ka!" hawak na ni Amari ang bewang ko at itinatayo ako pero hindi ko na maitayo pa ang katawan ko sa panghihina. It feels like all this crying drained me. "Hey, little bitch stop crying or else I'll slap you."

Inakay ako ni Amari papasok sa unit niya at iniupo sa single sofa roon. Agad siyang pumunta sa ref at kumuha ng baso sa counter top. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko galing sa aking mata. "Here." Iniabot niya sa akin ang baso na may lamang tubig.

Umupo siya sa harap ko at nagpandekwatro. "Calm down a little." He said as I drank the content of the glass. "He left yesterday night." Panimula niya. Ibinaba ko sa lamesita ang baso. "Bakit hindi siya nagsabi?" I asked.

"Tinanong ko rin siya pero hindi siya sumagot. He just walked pass me." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. That's very uncommon of Ryoichi. Ryoichi always have his reasons as far as I know about him.

"Ano ba nangyari no'ng narinig ko kayong nagkakagulo?"

"He collapsed."

"That's very uncommon. Ano ba diagnosis sa kanya?"

"Aortic stenosis." Tumango-tango siya at tumayo muli. Pinulot niya ang gitara niya at inilagay 'yon sa stand malapit sa bintana. "Baka naman magpapagamot siya sa Japan." He tried to reason out.

"I don't think so." Napatingin siya sa akin at nakapilig ang ulo. "What do you mean?"

"He ask me to stay away from him."


[Ryoichi]

Nanlalaki ang mga mata nila Kuya Dino at Ryosuke nang sabihin ko ang desisyon ko.

"I said I'm leaving." I was about to be discharged and Ryosuke doesn't stop nagging me about obaa-chan's nag to him. "Ichi, akala ko ba hindi ka na uuwi sa Japan?"

"The very constant thing in this world is change." I reasoned out to Kuya Dino. "Hindi ba masyadong pabigla-bigla ito?"

"Ryosuke, book a flight for us." Tumango-tango si Ryosuke at naglabas ng phone. Kahit bakas sa mukha niya na nag-aalala at nagulat. "Ryosuke!"

"It's my decision Kuya Dino. It wouldn't hurt me if I come back home right?"

"Nag-aalala lang naman ako sa iyo, Ichi. Lalo 'yang puso mo ngayon eh mas humihina na."

"Then I'll make it count with my family. I'm leaving everything behind and I'll forget everything about them. About her."

Hindi ko malaman kung anong galit ang naramdaman ko when I learnt about the consequences that Reed might lead us.

"Attention everyone we are now landing at Narita International Airport." I looked outside the window and the familiar sunrise welcomed me. "Tadaima." (I'm home.)

"We're home, Ichi." Kuya Dino said. Tumango lang ako at patuloy na titignan ang papasikat na araw. It's already seven o'clock in Japan which means six o'clock in the Philippines.

Kuya Dino gathered all my things and Ryosuke gathered his. "Ichi-onii-chan! Ryo-onii-chan!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at kay Ryo. There I saw my little sister, Rai.

"Rai-imotou." (Rai little sister)

Impit na napatili si Rai at tumalon papayakap sa akin. "I miss you, Onii." She pulled from her hug and pouted. "Why it took you so long to come home? Obaa-chan is worried about you."

Rai is as the same age as Rin or a year older. "Gomen." (Sorry)

She looks so cute with her hair tied up with a big ribbon and her rosy cheeks showing. Instinctively I pinched her cheeks. "Ah! Itai!" (That hurts)

Napangiti ako sa munting daing niya. "Hey, little fellah."

"Ryo-onii-chan." Rai ran to hug Ryosuke. I inserted my hands in my pocket and walked away.

"Ichi-onii-chan, are you going to stay with us in Yokohama?" Rai said as she moved closer to me at the backseat. "No, I'll stay in Tokyo. You know, okaa-san hates the idea of me coming home."

"But, obaa-chan misses you." She pouted. "I'll be visiting you but for now let me rest here in Tokyo."

"Kuya Dino, ihatid mo sila ah."

"Onii, stop talking in a language I can't understand." Nanatili'ng nakanguso si Rai kaya pinisil ko lang ang pisngi niya at dumaing nanaman siya. "Dad, is teaching you how to speak in other language but you don't want to." I said. "Because firipino is so hard than engrishu."

"Wakata. Wakata." (Okay. Okay.)

"Go home now I'll stay here. Dino-onii will bring you home." I said when we stop right through the hotel my grandma owns. The guards bowed down when they saw me and fetch my things on the trunk of the car.

"Jaa, onii-chan." (See you, Big brother.)

The bell boys and managers guide me up to the presidential suite my grandma let me use when I am running away from home.

The suite is still the same. The golden intricate of lotus and jasmine flowers on the wall added elegance to it. The chandelier that seem like a floating candle holders shines as the light refracted from the diamonds dangling below it.

"Still the same suite as ever." I commented. Narinig ko ang pagsara ng pinto sa likod ko at agad ko'ng nilibot ang paligid. This was far beyond the unit I have in the Philippines.

I am now far from them. Far from her. But will never be far from reality.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon