Chapter 12

5.6K 173 43
                                    






[Reed]

Masyadong tahimik ang bahay. Kulang na ito lalo ng halakhak ni Rin. Sa bawat sulok nito ay puno ng alaala ni Rin. Sa bawat sulok ay may magagandang alaala ng bunso namin pero dapat ay matutunan ko itong tanggapin.

"Ma, lalabas muna ako!" sigaw ko mula sa sala namin at lumabas na ako ng bahay. May pagkamakulimlim sa labas pero di ko na ito pinansin pa.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa park. Umupo ako sa isang bench doon at tinanaw ang mga batang masayang naglalaro. Kung siguro andito si Rin at kasama ko siya maaring maenjoy niya ang makipaglaro sa mga bata rito.

Muling bumalong ang luha sa mga mata ko nang sumagi muli sa isip ko si Rin. Yumuko na lamang ako at pasimpleng pinalis ang mga luha sa mata ko. Tumingin ako sa kalangitan at bumuntong hininga.

"Masaya ka na siguro riyan, Rin." Mapait ang mga ngiting sabi ko. Pilitin ko man ang sarili ko na ipakitang okay lang ako ay hindi ko naman mapag sinungalingan ang sarili ko. Hinding hindi ko maloloko ang sarili ko lalo sa nararamdaman ko.

Muli akong tumingin sa mga batang naghahabulan. Para bang may kumurot sa puso ko sa tanawing iyon.

"Ayan na kami ni Kuya," natatawang sabi ko habang hinahabol si Rin. Tanging bungisngis niya ang nangingibabaw sa amin.

Nanonood lamang si Mama at Papa sa isang bench, nakikitawa sa mga kalokohan namin ni Kuya Rich.

"Reed, baka madapa si Rin," nakangiting pag sita ni Mama. Tumango lamang ako at ngumiti kay Mama. Tinignan ko si Kuya at Rin na ngayon ay tumatawa sa Bermuda habang kinikiliti ang isa't isa.

Nakaramdam ako ng patak ng tubig sa kamay ko, hindi ito galling sa pisngi ko kaya napatingin ako sa kalangitan. Madilim na ito at mukhang bubuhos ang malakas na ulan.

Tumayo ako at naglakad na sa isang silong pero unti-unti nang lumakas ang patak ng ambon. Tinakbo ko na ang distansya ng sisilungan ko pero sa di ko malamang dahilan ay nabangga ako at halos mawalan ng panimbang pero may brasong pumulupot sa bewang ko at nasalo ako.

Tanging mga mala-tsokolateng mata ang aking natitigan. Basa na ang buhok niya pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhang taglay bagkus ay dinagdagan pa nito.

Nakita kong gumuhit ang ngiti niya dahilan para lumabas ang malalalim niyang dimple sa magkabilang pisngi. Pantay pantay ang mapuputi niyang mga ngipin.

Hindi ko matandaan kung gaano katagal kaming nasa ganoong pusisyon ngunit nang lumakas lalo ang ulan ay saka niya isinilong ang braso sa aking ulo at sabay naming tinakbo ang silungan.

Basang basa na kami nang makarating kami sa silong kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin ang sarili ko. Nangangatog ang mga tuhod ko pero may naramdaman akong bumalot sa balikat ko. Napatingin ako sa katabi ko at ipinatong niya sa akin ang suot niyang jacket.

"Kahit naman siguro basa yan ay kahit papaano maiibsan niyan yung lamig na nararamdaman mo." Nakangiti niyang sabi. Tumango na lamang ako at nahihiyang iniiwas ang paningin sa kanya. Totoo na kahit basa ang jacket na ipinatong niya ay kahit papaano nakapagdulot yun ng init sa nangangatog kong katawan.

Narinig ko siyang may ibinulong ngunit hindi ko na iyon pinansin. Tinuon ko na lamang ang paningin sa malakas na buhos ng ulan. "Salamat," mahinang wika ko pero naramdaman ko ang pagtitig niya nang sabihin koi yon. "Uhmm, you're welcome. Ano nga ba ang pangalan mo, para kasing pamilyar ka sa akin." napatingin ako sa sinabi niya at nakita kong nakangiti pa rin siya. "Reed, Reed Tyler."

Tumango tango siya at naglahad ng kamay. Tinignan ko ang parameter sa taas ng ulo niya 090135. Natigilan ako nang makita ko ang pangalan na nandoon. "Dieve Salvador," mahinang wika ko. Tinignan ko muli ang mukha nung lalaking kaharap ko pero tila natigilan siya. Natutop ko naman ang bibig ko dahil aksidente kong naibulalas ang nakita ko sa estrangherong to.

"Naaalala mo pa ako?" tila nagagalak na tanong niya. Inisip ko kung saan ko narinig ang pangalan na Dieve. Nanlaki ang mata ko nang maalala ko kung saan ko 'yon narinig. "Ikaw yung kaklase ko nung Pre-Elem right? Yung kapit bahay namin?" I asked him at tumango tango naman siya. "Ang laki ng pinagbago mo, lalo kang tumangkad at naging gwapo."

"Ikaw din naman eh, ang laki rin ng pinagbago mo, lalo ka ring gumanda." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. "Huh, hindi naman, ganon pa rin itsura ko."

Narinig ko ang mahina niyang halakhak. "And you even developed a cute side." Lalo ata akong namula sa sinabi niya kaya iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Narinig ko nanaman ang tawa niya kaya halos itago ko na ang mukha ko sa jacket niya. "It's nice to be back here," napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa ulan na ngayon ay papatila na. "Mas gusto ko ang Manila kesa sa Baguio, oo malamig sa Baguio but it's too far away from those memories I have." Tumingin siya sa akin kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Ah, tumila na yung ulan," napatingin ako sa harap at nakita ko na tumila na nga ang ulan, may pakaunting ambom pero hindi na iyon sapat para mabasa pa kami. Tatanggalin ko na sana ang jacket niya pero nagulat ako nang isarado niya iyon. "Wag mo na munang hubarin yan. Malamig masyado baka sipunin ka," nakangiting usal niya at saka tumalikod at umalis sa kung saan kami nakasilong.

Naiwan ako roon na tila tulala. Isinukbit ko na lamang ang hood nung jacket sa ulo ko at naglakad na pauwi. Nang makarating ako sa bahay ay saktong paglabas ni Kuya Rich. Nagitla ako nang makita siya pero hindi ko pinahalata. "Reed, ano ka ba naman. Bakit di ka nagdala ng payong?" tanong niya sa akin pero nginitian naman niya ako. "Saan naman galing yang jacket na yan wala ka namang dalang jacket kanina ah."

Sasagot na sana ako pero bigla akong sinalubong ni Mama. "Nako anak, bakit ka naman nagpaulan. Renz! Kumuha ka ng tuwalya, basang basa si Reed!"

Iniakay ako ni Mama papasok pero ramdam ko pa rin sa likod ko ang titig ni Kuya. Nang makarating kami sa sala ay andoon na si Papa na may dalang tuwalya at ipinatong nila sa balikat ko yon. Umupo si Mama sa harap ko at ibinalot sa akin yung tuwalya. "Baka sipunin ka niyan," umiling lang ako. "Okay lang ako, Ma. Akyat na muna ako." Mahinang wika ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ay para bang mabigat ang pakiramdam ko na ibinagsak ang katawan sa kama. Agad din naman akong tumayo at nagpalit ng damit.

Tinignan ko ang jacket ni Dieve. Napangiti naman ako nang maalala ko ang mga tawa niya. "Ang tagal na rin pala." Humiga ako sa kama at nagbalot sa kumot.

"Reed, anak." Nagising ako sa boses ni Mama na gumigising sa akin pero nasilaw lang ako nang ibukas ko ang mata ko. Masyadong maliwanag ang ilaw sa kwarto ko. "Kumain ka muna, nak." Nang umupo ako ay nasapo ko ang ulo ko. Sobrang bigat nito.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Mama na bakas ang pag-aalala sa mukha. Tumango lamang ako pero inilagay niya ang kamay niya sa nook o. "May lagnat ka, siguro dahil nagpaulan ka."

"Okay lang talaga ako, Mama." Namamaos ang boses ko kaya alam kong hindi maganda to. Maaaring sinipon na ako agad at dahil na rin sa puyat nung nakaraan ay nagdulot na iyon ng lagnat.

"Kumain ka na muna ng kaunti at ikukuha kita ng gamot." Tumango ako at ibinaba ni Mama sa isang desk ang pagkain ko tsaka ako umupo sa kama. Hindi pa man ako nakakalimang subo ay tila ayaw nang tanggapin ng tiyan ko ang kinakain ko. Uminom ako ng tubig pero wala ring epekto at biglang umahon lahat ng kinakain ko sa lalamunan kaya kahit nahihilo ay tumakbo ako sa banyo sa loob ng kwarto ko.

"Reed!" narinig ko ang tila natatarantang sigaw ni Mommy nang makita niya akong pilit na itinatayo ang sarili habang nakasandal sa lababo. Nanlalabo na ang mga mata ko at nahihilo na rin ako nang todo. "D'yos ko, namumutla ka na."

Umiling lang ako kay Mama at sinubukang maglakad. Andoon naman siya sa likod ko at naka alalay kung sakali na ako ay tutumba.

Nang umupo ako sa kama ay binigyan ako ng baso ni Mama kasabay ng gamot. Ininom ko naman yon. Atleast tinanggap ng sikmura ko yung tubig. Humiga na ako dahil sobra na ang nararamdaman kong pagkahilo.

"Ano ba naman yan, anak. Naulanan ka lang nagkaganyan ka na." bakas ang pag-aalala sa boses ni Mama kaya pumikit na lang ako. Pakiramdam ko sobrang bigat na ng talukap ng mata ko. Hindi na rin ako makapagsalita dahil sa parang mawawala na ang boses ko.

Tinignan ko pa ulit si Mama at nang pipikit ako ay may nahagip ang mata ko.

Ang parameter niya, may ibang bahagi na kulay abo katulad nang kay Rin.

Hinila na ako ng antok noon. Sana ay namamalik-mata lang ako. Sana nga.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon