Chapter 20

4.1K 150 36
                                    






[Reed]

Maingay ang tunog ng stretcher kung nasaan si Ryoichi at sinalubong agad kami ng isang doctor. "Ano nangyari, Mr. Laure?" tanong ng doctor kay Kuya Dino. "Syncope," tumango naman ang doctor at agad na tumawag ng mga nurses.

"Ano nanaman ba ang ginawa ng batang 'to? Sabi nang bawal ang stress at pagod eh." Mahinang pinitik ni Kuya Dino ang noo ni Ryoichi. "Tigas kasi ng ulo mo, Ichi. Kutakutakot na bunganga nanaman aabutin ko sa obaa-san mo."

Hindi na kami pinapasok pa sa loob ng Sterile room ng Emergency room kaya umupo na lamang kami ni Kuya Dino sa labas kasama si Aether na tahimik at nasa malayo naman si Ryosuke na may kausap sa telepono sa ibang lenggwahe.

"Ano nangyari kay Ichi?" tanong ni Aether kay Kuya Dino. "May Aortic Stenosis si Ichi."

"Ano ibig sabihin no'n Kuya?"

"Aortic Stenosis is one of the most common and most serious valve disease. 'Yon ang pagliit ng daanan ng dugo sa Aortic valve na napipigilan ang pagpump ng dugo palabas ng puso."

Aware ako na may sakit si Ryoichi sa puso. Pero hindi ko alam na ganito kalala. Nagsisisi tuloy ako na habang maaga ay hindi ko siya pinigilan. Lumapit sa amin si Ryosuke at bumuntong hininga. "Ano sinabi ng obaa-san mo?"

"Obaa-chan's mad, really mad. She even cussed at me. Hindi ko naman kasalanan matigas ulo ng paborito niyang apo." Napatalak na lamang si Ryosuke at umupo sa tabi ko. "Ano nanaman ba kasi ginawa ng mabait kong kapatid, pati ako damay."

Tumingin siya sa akin at ipinatong ang siko sa sandalan ng upuan tsaka pumalumbaba. "Sa susunod na wala ako at nagwawala 'yong kapatid ko paki sakal lang nang matuluyan na lang, pahirap eh."

"Ryo!"

"Biro lang naman, Kuya Dino." Nag peace sign pa si Ryosuke at tsaka umayos ng upo. "But seriously, he might be stressed out and exhausted that's why he fainted."

Napayuko na lamang ako sa sinabi ni Ryosuke, dahil sa akin kaya nagkaganito si Ryoichi. "Who's the family of Ryoichi Hiroto?" agad naman tumayo sina Kuya Dino at Ryosuke. "I'm his brother. He's our guardian."

"Ryoichi just suffered shortness in breath and hypotension which results to syncope." Tumango-tango naman si Kuya Dino habang si Ryosuke ay naiwang nakapilig ang ulo. "Doc, can I ask a favor?" tumingin naman ang doctor sa kanya at tumango. "Pwede magsalita ka ng naiintindihan ng lahat o kaya kahit 'yong naiintindihan ko, Japanese o kahit Filipino."

Natawa naman si Kuya Dino sa sinabi ni Ryosuke. "Ryo, ang sabi ng doctor bumaba ang blood pressure ng kapatid mo kaya nagsuffer din siya sa shortness ng hininga which results to passing out."

"Okay naiintindihan ko na," wika ni Ryosuke. "Thank goodness."

"Maybe he'll gain his consciousness shortly." Tumango naman si Kuya Dino at agad nang tumalikod ang doctor. Lumapit agad sila sa isang side ng Emergency Room kung saan nandoon si Ryoichi na may nakakabit na oxygen mask.

Namumutla pa rin siya pero di kasing putla nang kanina. "Tss.. Sa lahat kasi ng sakit na makukuha sakit pa sa puso nakuha mo, so gay, little bro." Nakangising pang aasar ni Ryosuke kay Ryoichi. "Tss.. Wala pa ring sing bakla ng kaartehan mo." Nagulat ako nang magsalita si Ryoichi kahit nakapikit pa rin siya. "Apaka ingay mo, Ryosuke. Umuwi ka na nga ng Japan."

"Nope, lil bro. Pag uuwi ako sasama ka. Obaa-chan keeps bugging me about you." Parang batang sumbong ni Ryosuke. "Ayoko roon." Pagtanggi ni Ryoichi.

They look cute, polar opposites man ang ugali nila kita pa rin na magkapatid sila. Hindi man ganoon kaayos ang pakikitungo ni Ryoichi kay Ryosuke ay pinipilit pa rin ni Ryosuke na mapalapit sa kapatid.

Nangingiti akong nakatingin sa kanila pero nahagip din ako ng paningin ni Ryoichi. "Ano ginagawa mo rito?" Malamig na tanong niya. "Ichi!"

"Stay away from me."

Parang nag echo sa pandinig ko ang sinabi niya.

"After danger comes death, and I'll alter it by removing you in my life. Reed, get out of everybody's life. If they are close to you it only means death, you know that. So for fuck's sake. Stay away from me and to everybody who has the eyes."

Malamig ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi ko rin makitaan ng emosyon ang mga mata niya. Pakiramdam ko ay ibang tao nanaman ang kaharap ko. Hindi ang Ryoichi'ng minsang nagsabing kahit talikuran ako ng mundo ay may isang taong maniniwala sa akin.

Parang bumigat ang balikat ko dahilan ng pagbagsak noon. Hindi ko man alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob upang maihakbang ang paa ko palayo sa kanya at palabas ng ospital. Hindi ko alam kung paano ko pa nangitian si Aether bago ako lumabas.

Lahat ay hindi ko na alam. Lahat ay hindi ko na maintindihan.

"Tyler!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Amari na nakapusod ang kulutang buhok. Wala siyang make up sa mata kaya nakikita ko ang may pagka singkit niyang mga mata. Naka Pullover siyang jacket na itim at ripped jeans na sa tuhod ang punit at isang puting sneakers.

"Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya. Kita ang pasa sa labi niya na dulot ng suntok ni Ryoichi.

"Let's talk." Seryoso ang mukha niya kaya naman tumango ako at lumapit sa kanya. "Ano kailangan natin pag-usapan?"

"Ako, ikaw. Ang mga mata natin. Alam ko'ng alam mo nang ako ang mayroong Eyes of Success at isa na lamang ang hinahanap mo."

Umupo siya sa bench doon at nagpandikwatro. "Sorry, I fooled all of you." Pag uumpisa niya. Tumingin lang ako sa kanya at siya naman ay nakatingala. Kita sa mata niya ang halo-halong lungkot, pagod at sakit. "Bakit ka nga ba nagbihis babae?" Tanong ko.

"I'll tell you the story. But I hope you wouldn't laugh." Seryosong wika niya at tumango na lamang ako ulit. Humugot siya ng malalim na hininga at tumingin ulit sa kalangitan na puno ng bituin.

"I was born with a twin, her name is Arlaine Rach. She looks exactly like me. Kung ano ang itsura ko pag may make up 'yon rin ang itsura niya." Narinig ko ang mabibigat na paghinga niya kaya lumingon ako sa gawi ni Amari. Kita ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

"We grew up inseparable. Sobrang natutuwa ako pag nakikita ko siyang suot ang mga bohemian dresses na tinatahi ni Mommy. Ako naman madalas suit and tie ang gawin ni Mommy para sa akin. Arlaine looks like a porcelain doll that time and I'm her boy version."

He sniff and wipe the tears forming in his eyes. "But a tragedy separated us. Dahil magkamukha kami ni Arlaine at halos magkasing haba rin ang buhok namin noon madalas kami lumabas ng naka damit na pambabae o minsan ay panlalaki. But that time we decide that I should wear one of Mom's bohemian dresses. Mukha kaming pupunta ni Arlaine sa cosplay convention that time dahil kuntodo make up pa kami."

Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mala almond na mata ni Amari. "We walked across our village but then a van suddenly stopped in front of us and five men who are in white garments came down. Hindi ko pa alam ang tungkol sa kakayahan ko that time kaya di ko alam kung ano maaring mangyari sa amin but one of the men who came down from the van shoot Arlaine. Kitang kita ko iyon sa mismong harapan ko."

Nahihirapan man magsalita si Amari ay pinipilit niya pa rin. "Because of Arlaine's death I promised to her corpse that I will be Arlaine and Amari at the same time, that's why I started cross dressing. Ako man si Amari sa loob pero ako si Arlaine na nakikita nila. And I promise one more thing to Arlaine."

Tumingin ako sa kanya ang kaninang matang nababahiran ng luha ay ngayon puno ng poot at galit.

His eyes if filled with fury and determination.

"I promise that I will avenge for her, those who killed her. They took my other half. I will make them pay the price that they taken away from me."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon