Chapter 9

8.1K 230 71
                                    







[Reed]

I don't know if I still need to be thankful for this eyes or am I curse. It's been half an hour and still I was gawking at the ceiling. Mag-gagabi na rin sa labas and I still can't accept the fact that Rin is dead. She's too young.

Muli bumalong nanaman ang mga luha sa aking mata. I want to curse all I want but then wala na iyong magagwa pa, wala na si Rin kailangan ko na lang tanggapin pa yung katotohanan. I heaved a sigh and try to rest but I can't even fell asleep or even take a nap.

I feel so weak yet I can't even rest,as if I forgotten what rest is. Biling-baliktad ako sa higaan but I can't even feel an ounce of tiredness. A knock woke me up from debating with myself.

"Reed you awake?" I did not answer. Narinig ko na lang ang papalayo niyang yabag. Tinalukbungan ko ang sarili ko ng comforter at mariing pumikit.

Sa bawat pagpikit po ang nakangiting mukha ni Rin ang nakikita ko. Ang mga hagikhik at bungisngis niya. This isn't how I expect her to end sobrang aga pa para iwan niya kami. Nag umpisa na muling tumulo ang luha ko. Pinalis ko ito pero patuloy na ito sa pag agos at hindi na mapigilan pa, hinayaan ko na lamang itong lumandas sa pisngi ko sa pagbabakasakali na makatulog ako.

Lumipas ang oras pero hindi ko pa rin magawang matulog o magpahinga, hindi ko na rin alam kung anong oras na lalo at madilim na sa labas. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero nanatili lang akong nagtatalukbong doon. Narinig ko rin ang maingat na yabag ng pumasok. "Bakit naman siya nagtalukbong eh ang init?" dinig kong tanong ni Ryoichi. Tinanggal niya ang talukbong ko at nagulat na lang ako ang mukha niya ang sumalubong sa mugto kong mata.

He seemed to be taken a back when he saw me. "Hey, tahan na," umupo siya sa tabi ko kaya naramdaman ko ang paglundo ng kama. Hindi ko na napigilan pa lahat ng luha at tuloy tuloy na itong lumandas sa pisngi ko at nagpakawala na rin ng hikbi ang mga labi ko.

"Bakit ganon? Bakit parang sobrang aga?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot niyakap lang niya ako. "Isn't it much better if you know nothing?" tanong niya pabalik sa akin pero hindi ko na magawang sumagot, napahigpit na lamang ang kapit ko sa t-shirt niya.

Gusto ko malaman, Ryoichi, gusto ko malaman lahat, lahat lahat ng katanungan ko, hindi ako naniniwala na basta na lang susuko si Rin.

Tanging ang pag aalo niya at hikbi ko ang naririnig sa loob ng silid. Bakit sa bisig niya pakiramdam ko ligtas ako? Bakit sa bisig niya pakiramdam ko hindi ako nag-iisa?

Hindi ko rin namalayan ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at unti-unti kong naramdaman ang pagod at antok maging ang hapdi ng mga mugto kong mga mata.

Nagising lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pakiramdam ko rin ay may mabigat na nakapatong sa aking bewang. Pagdilat ko ay ang maamong mukha ni Ryoichi ang bumati sa akin. Natutulog pa siya at ang marahang pagbaba taas ng dibdib niya ang nagsasabi na nahihimbing pa siya sa kanyang tulog.

Mahapdi ang mga mata ko marahil dahil sa pag-iyak ko kahapon, sinubukan kong tanggalin ang braso niya pero siya ring pagtangka ko ay gumalaw siya at ang kanyang singkit na mga mata ay tumingin sa akin. Kahit pa malamlam ang mga mata niya ay nakaka-akit ito na titigan mo. Para bang hindi ka magsasawa titigan ang mga mata niya.

"Mamahinga ka pa," simple niyang sabi at umupo siya tsaka sumandal sa headboard ng kama. Nakatingin lang siya sa akin pero agad ding pinilig ang ulo niya tsaka umiling. Tumayo siya at naglakad na papalabas. "Padadalhan na lang kita ng pagkain dito."

Nang makalabas na siya ng kwarto ay napabuntonghininga na lamang ako. Umupo na rin ako at sumandal sa headboard. Gusto ko mang umuwi alam kong hindi ako basta-basta pauuwiin ni Ryoichi. Tumayo na ako at pumasok sa banyo naghilamos at nagsuklay na rin ako nang mapansin ko kung gaano namumugto ang aking mga mata. Pulang pula ito at sa ilalim non ay dark circles.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon