Chapter 42

2.8K 90 50
                                    

[Reed]

Naaalimpungatan ako nang bandang alas-dos ng madaling araw. Umupo ako sa gilid ng kama ko at sinapo ng kamay ang aking ulo.

Pinagpapawisan ako ng malamig dahil na rin sa napanaginipan ko. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at huminga ng malalim. "Wag mo isipin 'yon, Reed. Maari maiwasan 'yon," ngunit sa kahit anong kalma ko sa sarili ay nanginginig ako sa takot.

Hindi ko na namalayan na tumulo na ang mga luha galing sa aking mga mata. Agad akong tumayo at dumiretso sa banyo ko at binasa ang mukha ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Naghahanap ng sagot sa maaaring mangyari.

Iniangkla ko ang kamay ko sa lababo at lalong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Ang kulay tsokolate kong mata ay tila nagkukulay itim di tulad ng dati. Lalo itong nagiging madilim. Lalo itong nagiging kasumpa-sumpa lalo pa at hindi ko ito magamit ng tama.

Bumuntong hininga ako at inabot ang bimpo sa isang tabi at tinuyo ang aking mukha. Inayos ko ang sarili ko at bumaba patungo sa kusina.

Nang makababa ako ay agad kong hinanap sa fridge ang strawberry milk na lagi kong iniinom pag di ako makatulog. Hindi ko alam kung nakailang baso ako noon ngunit ni hindi ito nakatulong sa pag-aalala ko.

Gustuhin ko man na i-text si Ichi ay di ko magawa lalo pa't madaling araw na. "Sarilinin mo muna, Reed," bulong ko sa sarili ko at umakyat na sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko at iniharang ang braso ko sa aking mga mata. Inaalala ang mga nakita ko.

Someone is lying in front of me dead with gunshot. Meron ding maririnig na tunog ng makinarya sa paligid at tunog ng mga sirena.

What bothers me most ay ang tunog ng mga taong naghahabol ng hininga, mga taong naghihingalo at lumalaban upang mabuhay.

Mga boses na pamilyar at tumatawag sa akin. Mga taong malalapit sa akin na 'di ko makita dahil sa kadiliman hanggang sa wala na akong maalala at magising ako.

Inabot ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na. 2:45 am.

Hindi ko malaman kung paano pa ako makakatulog lalo at natatakot ako sa maaari kong makita. Niyakap ko ang isang unan at isinandal ang aking ulo roon.

"'Wag sana magkatotoo 'yon," bulong ko at pumihit padapa habang pinaglalaruan sa kamay ko ang cellphone ko at tinitignan kung paanong lumipas ang oras.

Hindi ko na rin namalayan pa na hinitak na ako ng antok at nakatulog na rin.

"Reed, anak, gising na tanghali na," katok ni Mama sa pintuan ng kwarto ko. Bumiling ako ng higa at niyakap ang unan ko. I can't even prevent to groan because my body and mind seem so tired.

Para bang kaya kong matulog ng buong araw at wag nang bumangon pa. Itinabon ko sa mukha ko ang isa pang unan at sinubukan matulog pa ngunit isa nanamang katok ni Mama ang gumambala sa akin.

"Reed, tumayo ka na at tanghali na," malumanay na wika ni Mama. "Opo," mahina at medyo paos na wika ko.

Umupo ako sa higaan ko at nag-unat ng katawan. Nang aking aayusin ang sarili ko ay tila ba nakita ko ang sarili kong repleksyon na naliligo sa dugo. Nang muli akong nagkisap-mata ay para bang namamalik-mata lamang ako.

Di ko na ito pinansin pa at naligo na ako. Muli nanamang sumagi sa isip ko ang napanaginipan ko. "Someone will die, it's inevitable. Death will be our only escape," pagmumuni-muni ko habang nasa shower.

Matapos kong maligo ay agad akong bumaba nakita ko naman si Mama na nagbaba ng isang caesar salad sa pwesto ko. "Good morning, Reed," nakangiting bungad niya sa akin. Naglabas din si Mama ng orange juice mula sa ref at naglagay noon sa isang baso at inihain sa akin.

Napansin ko na unti-unting bumabalik sa dating kulay ang kanyang parameter na hindi na nababahiran ng kulay abo. "Morning, Ma," mahinang wika ko at agad kong dinampot ang baso tsaka uminom ng bahagyang orange juice.

Para bang lalong natuyo ang natutuyo kong lalamunan sa pagguhit ng orange juice sa lalamunan ko kaya di ko mapigilan ang mapa-ubo.

Kumain na lamang ako ng caesar salad at muling umakyat sa kwarto ko. Nanatili akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame nang biglang mag vibrate ang phone ko. Tinignan ko ito at may isang text mula kay Janice na nagsasabing magkita kami.

Agad naman ako nagpaalam kila Mama at pumunta sa sinasabing lugar. Malamyos ang hangin sa kabukiran na 'yon. Ngunit di rin maikakaila na malago ang pamumuhay roon. May subdivisions sa kalapit na lugar.

Tinignan ko ang telepono ko at naroon naman ako sa oras ng pinag-usapan. Nagpalinga-linga ako ngunit wala pa ni-anino ni Janice.

Nang ilabas ko ang telepono ko ay may isang mabigat na bagay na tumama sa batok ko dahilan upang mabitawan ko ang cellphone ko. Gumulong at nalaglag ako sa pinitak kasabay noon ang panlalabo ng paningin ko at panghihina ng katawan ko.

Naaninag ko naman ang pigura ni Janice na may hawak na isang baseball bat. "Napalakas ba? Pasensya na," mapanuya niyang wika.

Nanlalata ako, sobrang nanghihina at nanlalambot ang katawan ko. Naramdaman ko rin ang pagkagalos ng braso ko maging ng mukha ko dahil sa pagkalaglag ko sa pinitak.

"Kailangan namin siya ng buhay, Janice. Hindi namin kailangan ng bangkay," isang pamilyar na boses ang narinig ko. Unti-unting tumulo ang luha ko.

Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng lubos. "Janice, bakit?" Mahinang wika ko. Para bang namamaos ako sa pagluha. "Sorry, Reed. You don't have a future," mapanuya niyang wika. Naramdaman ko ang pagbagsak ng baseball bat sa likuran ko kaya hindi ko mapigilan kundi mapainda sa sakit.

"Oops, sorry nabitawan ko," pagbibiro niya ngunit narinig ko ang tawa niya. "Nasan si Dieve? Bakit di ka niya iligtas? Tutal diba sa iyo lang siya," nakita ko ang pigura niya na bumaba sa pinitak at naglakad sa harap ko. Hindi ko makuhang bumangon dahil sa panlalata.

"He didn't even bother to look on other girls," pinulot niya ang baseball bat. "Now you need your prince charming wala man lang siya." Natatawa niyang wika. Wala akong magawa kundi ang makuyom ang kamao ko.

"I liked him so much but then hindi niya napapansin dahil sa iyo, for pete's sake one year siyang nagpakatanga sa iyo samantalang andito ako."

"Bakit mo ginagawa 'to?" Tanong ko. Umupo siya sa harap ko at marahas na hinablot ang buhok ko. "Dahil nakaharang ka! Gusto kong mawala ka na sa daan ko," padarag na ibinagsak niya ang ulo ko sa lupa gayon na rin ang naramdaman ko na may dugong dumadaloy sa ulo ko.

Lalong nanlalabo ang mga mata ko na wala na akong maaninag halos. Pakiramdam ko rin ay hilong hilo na ako. I feel so lightheaded and my mind goes cloudy.

Nakarinig ako ng isa pang papalapit na yabag pababa sa pinitak. "Well done, Janice." Narinig ko ang mahinang tawa at ngisi ni Janice.

Sobrang nanghihina na ako na wala na akong magawa kundi ang isipin na lamang kung paano nila nagawa ito.

Wala na akong maisip at magawa kundi bumulong ng isang pangalan.

"Ryoichi.."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon