Chapter 36

2.8K 114 96
                                    

[Reed]

Pinaglalaruan ko ang charm ng pulseras na bigay ni Dieve. Bumuntong hininga ako at tinitigan ito.

"You sure about this?" Tanong ni Kuya Rich nang papasok na kami sa subdivision na tinitiran nila Dieve. Tumango ako at nagbaling ng tingin sa labas ng bintana.

Hinarang kami ng guard sa guardhouse ngunit nang makita niya ako ay agad naman niya kaming pinapasok. Ang tanawin ng mga naglalakihang bahay sa paligid ay kapansin-pansin. Lahat ng ito ay matatayog at marangyang nakatirik sa kinatatayuan nito.

"Susunduin kita mamaya. Kausapin mo siya nang masinsinan." May bahid ng pag-aalala sa kanyang boses nang makarating na kami sa harapan ng bahay nila Dieve. "I'll be fine," wika ko at ngumiti. Nang bumaba ako sa sasakyan ay kumaway pa ako kay Kuya Rich na papaalis na.

I rang the doorbell and in just a few minutes someone answered through the intercom. "Sino po sila?" pagtatanong ng kasambahay nila Dieve. "Magandang araw po, andiyan po ba si Dieve?" pagtatanong ko. Natahimik ang nasa kabila ng intercom.

"Ma'am Reed? Kayo po ba 'yan?" The maid's voice is laced with joy. "Ah. Opo ako nga po," sagot ko sa tanong niya. Hindi na sumagot pa ang nasa intercom ilang sandali lang din ay binuksan na ng kasambahay niya ang gate. "Nandiyan ho ba sila Tito at Tita?" Pagtatanong ko. Umiling ang kasambahay nila Dieve at ngumiti. "Umalis sina Ma'am at Sir, nagpaiwan naman si Sir Dieve wala raw siya gana lumabas ng bahay. Ilang araw nang nagkukulong sa kwarto niya ang batang iyon nakakapag-alala na. Madalas pa na mugto ang mata at para bang di nakakatulog." By the tone of their maid's voice alam kong nag aalala na sila kay Dieve.

Di ko mapigilan tignan ang glass wall sa kwarto ni Dieve na natatabunan ng mabibigat at makakapal na kurtina. "Nasaan po si Dieve ngayon, nagkukulong pa rin ho ba siya sa kwarto niya?"

Umiling naman ang kasambahay. "Lumabas si Sir Dieve ng kwarto niya pero mukhang papunta siya sa library o baka sa piano room. Doon lang naman siya madalas magpunta kung hindi sa kwarto niya." Tumango ako sa tugon ng kasambahay nila. "Maraming salamat po, kakausapin ko lang po sana siya."

"Nako, Ma'am Reed, mukhang kailangan ka nga niya ngayon," nakangiting wila ng kasambahay nila. Pinapasok din naman niya ako at ibinigay ang isang pares ng tsinelas sa akin.

Hindi na ako bago sa bahay nila Dieve dahil madalas niya ako rito dinadala habang wala ako matandaan. Sinundan ko lang ang kasambahay nila papasok.

Napansin ko na para bang unti-unting nagkukulay abo ang parameter niya. Ang pinaka baba nito ay may bahid ng kulay abo. "Ma'am Reed didiretso na po ako ng kusina, kayo na ho bahala humanap kay Sir Dieve," wika nito at tumango lang ako.

Agad naman akong umakyat sa magarbong hagdanan ng bahay nila Dieve at naglakad patungo sa direksyon ng kwarto niya. Iniisip ko kung andoon siya ngunit nasagot agad ang agam-agam ko.

Isang malumanay na tunog ng piano ang narinig ko mula pa man sa malayo. The sound is mellow yet painful. Every note is piercing through your heart, it's like a silent voice.

Tahimik kong tinahak ang patungo sa piano room nila. Huminga ako nang malalim nang makarating ako sa harap ng pintuan ng piano room nila.

Sa bawat nota na tumutugtog ay nasasaktan ako. I don't deserve him. I don't deserve his love. It's too much to bear.

Tahimik kong binuksan ang pintuan sa piano room nila at doon ko siya nakitang nakatalikod sa banda ng pintuan. He's silently playing the piano. Dinadama ang bawat tipa sa piyesa nito. Ang malumanay na musika ay sinasabayan ng malumanay na paggalaw ng kanyang mga kamay at ang pagtipa ng kanyang mga mahahabang daliri.

Tahimik kong isinara ang pintuan sa aking likuran at naglakad patungo sa kanya. Sobrang lumanay ng musika na bawat pag apak ko ay nasasaktan ako. Bawat pag apak ko ay parang isang tipa sa piano.

Nang makarating ako sa likuran niya'y dahan dahan kong inilapat ang aking kamay sa itaas ng kamay niya. Napaigtad siya at agad na lumingon sa akin.

"Reed, ano ginagawa mo rito?" He asked. I smiled bitterly. Ang chinito niyang mata ay may mga dark circles at mugto rin ang mgamata niya. "You're not fine at all aren't you?"

Bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkapatong sa piano. Marahil ay napansin na niya ang pulseras sa kanang kamay ko. "I'm fine, Reed."

"Don't lie to me," my voice cracked. "Your music says it all. Your eyes answers my question." Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa taas ng kamay niya at niyakap siya mula sa likuran. "Dieve, you aren't fine. I can see it." Nararamdaman ko ang pagbalong ng mga luha ko. He's not fine. He needs me.

"You need me."

"I don't, Reed," he whispered. But he didn't budge when he said those words.

Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Please let me do this, just to ease the pain," I said. "There's one way, Reed."

Pumihit ang kanyang katawan paharap sa akin. Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay. "Play with me," he said. Pinaupo niya ako sa tabi niya at ipinatong ang kamay ko sa piano.

He guided my fingers in playing a mellow sound. Paulit-ulit niyang tinuro iyon hanggang sa nakuha ko ito tugtugin mag-isa. Kasabay noon ang isang malumanay na piyesa sa piano. He's playing with all his heart's content and I was here playing with him to take it all out.

Nang matapos ang maikling piyesa ay ngumiti siya. Malungkot na ibinagsak niya ang kanyang mga kamay at yumuko. "You know that I love you so much, Reed."

Tumingin siya sa aking mga mata at ang mga mata niya'y puno ng sakit. "But, Reed. Tulad ng sinabi ko pagod na ako. That song. That song is all I want to say. Yes, it's true that I'm hurting and that I'm aching but like that song the pain must go away— it must end."

Kinuha niya ang kanang kamay ko. "I'm done of letting you go, let go of my heart, Reed," itiniklop niya ang apat kong daliri maliban sa hintuturo ko. "Please press the reset button."

Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin ngunit nang itapat niya sa kanyang mga labi ang aking daliri ay roon ko lang naintindihan. "Please reset all of these feelings, Reed. Once you press this button all of my love for you will go away. All of them will be mere memories."

"I can't, Dieve."

Tumayo ako sa inuupuan ko ngunit hinitak niya ako pabalik at napaupo ako sa kanyang mga hita. His eyes meeting mine. "Why?" He asked. My eyes started to well up with tears.

"Dahil kung kakalimutan mo ako oras na ilapat ko ang aking daliri sa iyong labi what will be of mine?"

Napansin ko ang pagkislap ng mga mata niya. "Damn! Then I'll reset yours too."

In a swift move he cupped my face and the distance between us closed as his lips touched mine.

His kiss felt so featherlike yet sweet but in the end it's painful. It pained me that after this it will end. After this I have to let go of him too. With that thought a single tear escaped from my eye.

"I love you, Dieve. But I know it's not enough to hold on you anymore."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon