Chapter 39

2.7K 104 24
                                    

[Reed]

His lips touched my forehead as his warm hands cupped my face. Ang bilis nang pagtibok ng puso ko. I feel like I'm flushed red by this moment.

"I'll protect you," his words reassuring me. Para bang pakiramdam ko ay wala nang mangyayari pa sa akin na masama. That he will be my knight in shining armor as I am his damsel in distress.

Parang natuyo ang lalamunan ko. My mouth suddenly dry. "If ever I die then I will die happy," agad nanlaki ang mga mata ko. "I'll die protecting you," he whispered. With his words my heart beats wildly.

Tumingin ako sa mga mata niya, he's staring at me intently. Unconsciously my hands traveled to his face. "Thank you," I said with a smile in my lips.

I took aside what I'm seeing while touching his face. The parameter above him is frustrating. His time is near. I need to do something.

At very least this time I can do something for him. I should not rely on him protecting me, I should return the favor.

He breathed out and smiled. "I better be off. Kailangan ko pa ibigay 'to kay Amari," wika niya sabay taas ng letter na isinulat niya kanina.

Tumango naman ako. "Ihatid na kita sa labas," pag aalok ko. Tumango naman siya at nauna nang tumayo.

Nang makalabas kami sa study room ay napansin agad kami ni Mama. "Tita, mauna na po ako," nakangiting wika ni Ichi.

Tumango naman si Mama at iginiya ko na siya palabas.

"Mag-iingat ka," wika ko nang maka-angkas na siya sa motor niya. "Lalong ikaw ang mag-iingat," wika niya nang maisuot na niya ang kanyang helmet.

Agad naman niyang pinaandar ang kanyang motor at bumusina pa siya nang makalayo na siya nang bahagya. Kumaway ako sa kanya nang pag-ikot ko upang pumasok sa aming bahay ay siyang ikinagulat ko nang may babae sa tabi ko.

"Long time no see, Reed," mapang-uyam ang kanyang boses at iniismaran din niya ako. Hindi ko siya kilala pero napaatras ako sa aura niya.

"S-sino ka?" Nanginginig ang kamay at ang boses ko sa tanawin pa lang niya. "Hindi mo ko naaalala?" Unti-unti ay lumalapit siya sa akin. "Kailangan mo ako matandaan, Reed."

Binasa ko ang nasa parameter niya. "Penelope Grim," napansin ko rin ang pag-iiba ng reaksyon niya. "Nababasa mo?" May bahid ng pag-aalala ang kanyang boses. Ngunit sa isang kisapmata lang din ay nawala ito.

"Hmm.. Ano kaya ang nangyari? Tsk. Masyado kang madali mauto, Tyler. Lahat kayong may Eyes of God ay magkakalapit. Pinadali mo masyado ang gawain ko lalo na niya," humalukipkip siya ngunit ang isang kamay niya ay inabot ang ilang hibla ng buhok ko.

"Malapit na, Reed." Tumingin siya sa akin. Ang bahagyang mapulang kulay ng mata niya ay tumitingkad lalo at nasisinagan ito ng araw. "There's no running, walking and even crawling away, Reed," inismaran niya muli ako. "You may not remember me, but you will."

Agad siyang naglayo palayo ngunit huminto siya sa kalagitnaan nang may malayong distansya na sa pagitan namin. "Nga pala, huwag ka masyadong magtiwala sa mga taong malapit sa iyo. They might stab you at your back."

[Ryoichi]

Hindi ako mapalagay simula nang umalis ako mula sa bahay nila Reed. Para bang may nakamashid sa amin.

I shrug the thought out of my head and focused on driving. I glide with the traffic and in just a few minutes nasa harap na ako ng building ng condo ko.

Nagmaneho ako pababa sa underground parking at ipinarada ang motor ko roon. Pagkababa ko ng helmet ko ay laking gulat ko nang andoon si Ryosuke.

"Yo!" Hindi ko pinahalata ang gulat ko nang batiin niya ako. His smug smile is still there. He bleached his hair white while the roots still have his natural jet black hair. "Bakit andito ka?"

Malumanay kong sagot nang iniayos ko ang pagkakaparada ng motor ko. "Isn't it obvious? Because my otouto is here." His hands almost landed on my hair but I swatted it.

"'Wag mo ko hawakan," malamig kong wika at nagdire-diretso na papasok ng elevator. "So cold, mas malamig ka pa sa winter sa Yokohama," nagbibiro niyang wika. "Tss," singhal ko naman.

"Nagkaroon na ako ng track about sa case ni Kuya Dino," agad namang naagaw ng topic na ito ang atensyon ko. "How? Sino may gawa nito?" Tumingala si Ryosuke sa CCTV ng camera.

"It's much better if we talk about it in your unit. Maaaring infiltrated na pati ang Security System ng condominium building na ito," maging ako ay napatingin na rin sa CCTV ng elevator. Posible ngang infiltrated na ang security system ng building but why in the hell did they have interest in this crap?

Nang makarating na kami sa tamang floor ay pasimpleng lumakad si Ryosuke patungo sa unit ko habang ako ay nagmamashid. "Ne, ano ulit passcode mo?" He asked. I shrug him off and typed down my passcode.

Pagkapasok niya ay agad siyang dumiretso sa kusina at kumuha ng isang can ng soft drinks. "Ano ang natrack mo regarding sa case ni Kuya Dino?" I asked while removing my black jacket. "That's a good question, pero did you ever think of a suspect?" He asked back.

Umupo ako sa sofa at humalukipkip. "Hmm.. beats me. No idea," I said. "What happened is a assassination," wika ni Ryosuke at narinig ko ang pagkuyumos ng lata ng soft drink. "Their target is you," napatingin ako sa gawi niya at napapansin ko ang pagtagis ng bagang niya.

"I know your secret, remember that. I know that you can see something we can't." Lumapit siya sa akin at umupo sa katapat na upuan.

"Someone have a grudge towards you." Humalukipkip siya at nagdekwatro. "Do you remember any?" Umiling ako. "I have another track," he smirked.

"Ano 'yon?" He rest his head sa sofa. "He or she is someone close to you."

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. They are close.

Someone close to me or us? Who are they? Sino sila at ano ang galit nila sa amin?

My hands curled into fist.

"I'll find them, for Kuya Dino," I saw a satisfied and proud smile crept on Ryosuke's lips. "I'll help you."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon