Chapter 25

3.8K 142 40
                                    



[Ryoichi]

Humahampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Japan is still incomparable than here in Philippines. Pero iisa lang ang pagkakapareho nito para sa akin. I don't belong to neither of these countries.

Inilagay ko sa aking bulsa ang mga kamay ko. Tumingala ako sa papalubog na araw. Ngayo'y pinagsisisihan ko nang bumalik pa ako. Sana ay hindi na ako bumalik pa at hinayaan na lamang na tahimik ang naging buhay niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Pag tama na ang lahat, Reed. Pag tama na ang panahon sana masabi ko sa iyo kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

Inilabas ko sa bulsa ko ang kahitang kinalalagyan ng simpleng regalong gusto kong ibigay sa kanya. I opened it and as the lights of the city started to twinkle like the stars it glistened with the lights. Inilapat ko ang daliri ko sa ibabaw ng nakaukit na mga salita roon.

"Kailan kaya magiging tama ang oras? Kailan kaya matatapos 'to lahat?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa pulseras na nasa kahita. Naalala ko ang oras na nakita ko siya. Ang pinaka unang oras na nakita ko siya.

Siguro nakatadhana ngang magkasalubong ang buhay namin pero alam kong hindi ito pwede maging magkasama, hindi kami maaaring magkasama. Walang ikabubuti ang paghanga ko sa kanya. Walang ikabubuti ang nararamdaman ko.

Nang lumubog na ang araw ay tsaka ako bumalik sa ospital kung saan isinugod ni Dieve si Reed. Lumapit ako sa information desk at nagtanong kung nasaan si Reed. "Sorry, Sir. Tapos na po ang viewing namin sa ICU but siguro pwede naman po kayo roon sa waiting area."

"ICU?" Kasing lakas ng isang tambol ang tibok ng puso ko. She's in critical and it's because of me. It's all because I came back.

"May severe hematoma po kasi ang pasyente, she's currently under coma." Paliwanag ng nurse. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. She's under coma.

Pinilit ko na lamang na nginitian ang nurse sa desk at dahan-dahang naglakad papunta sa ICU. Doon ko nakita si Dieve. Nakayuko siya at sapo ng kanyang mga kamay ang kanyang ulo. He seemed so tired, 'yon pa rin ang suot niyang damit. Siguro ay naramdaman niya ang yabag ko kaya napatingin siya sa direksyon ko.

"Ano ginagawa mo rito?" Kalmado ang kanyang boses ngunti mababatid ang inis na ako ang nadatnan niya. "How is she?" Tanong ko kahit na alam ko ang sagot sa tanong ko. "Don't play dumb, Ryoichi." Nakikita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Nanatili ako sa distansya ko mula sa kanya.

"How is she?" I repeat my question. "I said don't play dumb, Ryoichi! You know she has a severe hematoma and the chances of her waking up is minimal!" Mataas ang boses na sagot niya sa akin. "She's badly injured! Fractured bones in her rib cage, severe hematoma on her head and bruises all over her body. Do you think she's well in that state?"

"I'm sorry."

"Shut the fuck up!" Hinablot niya ang kuwelyo ko at sinapak ako. "Kung hindi ka bumalik hindi 'to mangyayari sa kanya. She moved on! Nakalimutan ka na niya! Kung alam mo lang na sa isang taon mong pagkawala she's totally devastated. She loved you!"

Something inside me flickered as I heard his words but I can't rejoice as Reed's life is in danger. "She loved you, Ryoichi! Inilayo ko siya sa lahat ng mga bagay na magpapaalala sa kanya ng lahat tungkol sa iyo pero wala! She can't even forget about you!"

Nanghihina niyang binitiwan ang kuwelyo ko at napaupo siya sa bench. "Sa sobrang pagmamahal niya sa iyo, ni hindi niya mapansin ang mga taong nagmamahal sa kanya. She's too deeply in love with you. Kung alam mo lang ang nangyari sa apartment ni Amari the day she discovered you left. Hindi siya umalis sa harap ng pinto ng unit mo. She stayed there for two days! Hoping that you might open the door! Gusto ka niyang kausapin, gusto ka niyang makita."

Huminga siya ng malalim at muling nagpatuloy sa pagsasalita. He's voice is barely audible. "Sinabi niya sa akin na ako ang pinaghihinalaan mo na pumatay kay Rin. Yes, I came back after Rin died but I can't kill an innocent child. You see hindi ko 'yon magagawa. I came back para kay Reed. I am one of you."

Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?" He scoff. "Hindi ko alam kung dahil sa radiation sa Japan kaya humina ang IQ mo, Ryoichi. O dahil talaga lang tanga kang nagpapanggap na matalino. You know what I mean. I also have these." Turo niya sa kanyang mga mata.

"Love is lethal, be sure to make it worth living." Makahulugang sabi niya. "'Yan ang kasama ng rosas ko. Hindi ko ito naintindihan nang una kong nabasa 'yon. But then I remembered Reed when I read that note." Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha. "I remember those times na wala ka, the way she smiled at me nung mga bata pa kami. She may know about her eyes that time but she didn't want anyone to know about it."

Lumingon siya. "Hindi ko alam na hindi na ako magbibigay ng ngiti sa kanyang labi ngayong bumalik ako. Dahil 'yon sa iyo. You are the new reason for her new color of life, but you tainted it with red and black."

Magsasalita pa sana siya muli ngunit nakarinig kami ng mga nagmamadaling yabag. "Dieve!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Aether, Amari, Janice." Tila natulos sila sa kinatatayuan nila. "Ryoichi?"

Tumayo ako at ibinulsa ang mga kamay ko. "Surprise." Mahinang wika ko. "Go on, spat on me. Sisihin niyo ako sa nangyari kay Reed."

Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay ni Amari, alam kong nagpipigil siya ng galit niya at hindi ito pinahahalata. "Ano ibig mong sabihin, Ryoichi?"

"I did that to Reed." Napasinghap si Aether at Janice ngunit agad na nakahuma si Janice at dumaluyong sa akin at sinampal ako. "Ano ba ang pinagsasabi mo, Ryoichi?!"

"Ako ang dahilan ng pagkakagulo ng buhay niyong lahat! Kung hindi ako bumalik, sana diba hindi nakaratay diyan sa kwartong 'yan si Reed? Sana hindi siya kinukumutan ng antiseptic at hindi kung ano-anong tubo ang nakakonekta sa kanya!"

Nararamdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Nararamdaman ko rin ang paninikip ng aking dibdib. "Diba dapat lang sa akin 'yung suntok na ibinigay sa akin ni Dieve? Diba dapat lang sa akin 'yong sampal na 'yon, Janice? Kulang pa ba? Nagpipigil ka pa Amari. Ano naduduwag ka nanaman ba? Magtatago ka nanaman ba sa mga bestida mo?"

"Ano ibig mong sabihin ha, Hiroto!"

"Sila rin ang pumatay sa kapatid mo diba? Si Arlaine? Ang pumatay kay Rin, ang bumulag kay Aether at ang pumatay kay Kuya Dino ay iisa lang! Sila ang gumawa no'n sa mga taong nakapaligid sa atin. At hindi na rin ako magtatakang sila ang gumawa nito kay Reed!"

"Ano ang nalalaman mo, Ryoichi?" Basag ang boses ni Aether na tumingin sa akin, kababakasan ng takot ang mukha niya. Hindi ako sumagot.

Nakita ko ang doktor na papasok sa kwarto ni Reed. Agad akong lumapit sa kanya. "Pwede po ba akong lumapit sa kanya?" Tanong ko, bakas man ang pagdadalawang isip niya ngunit tumango lamang. He gave me ten minutes.

Pinasuot nila ako ng hospital gown, face mask at hair cap. "Hey, Reed. Long time no see." Bati ko sa lantang katawan niya. Maputla ang kulay niya. Her body filled with bruises like Dieve said, maraming nakakabit sa kanya at tunog lamang ng oxygen at life monitor ang tunog sa loob ng silid.

"As far as I know people who are in coma could still hear. Sana makinig ka." Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang maputla niyang kamay, malamig ito.

"Huwag kang bibitiw. Wag kang susuko. Death may be our only escape but don't you dare escape now." Inilabas ko ang kahita sa aking bulsa at inilabas ang pulseras.

Isinuot ko iyon sa kanyang palapulsuhan. It glistens ever time a ray of light refracts to it. "I will make sure to know who made this to you, to Rin, to Kuya Dino and Aether."

Dahan-dahang tumulo ang mga luha mula sa aking mata. "Please, wake up. Not tomorrow but please wake up soon. Don't swerve in deep slumber, Reed. Don't swerve into darkness."

Hinalikan ko ang kamay niya kahit pa nakatabing ang face mask sa aking mga labi. Tumayo ako at lumabas na sa silid na iyon.

I promise you, Reed. I'll do everything, anything, just so these tragedies and mysteries stop.

Even if it costs my life.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon