Chapter 45

3.6K 131 207
                                    

[Ryoichi]

Kuya maneuvered as he follow the GPS. "You sure about this?" He asked. Diretso ang tingin ko at tumango. "I need to," I answered. I looked at him at bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Nii, I know the danger but I can't let Dieve alone," I said.

"The police will be there in any minute, can't you wait?" Umiling ako at inilagay sa tenga ko ang earpiece na ibinigay ni Kuya. "I'll be back."

Nang akmang bubuksan ko ang pintuan ay hinawakan niya ang braso ko. "If you didn't?"

"Amari knows what to do, also makabalik man ako o hindi dalin mo ng Yokohama si Reed, ilayo mo siya rito." I said looking outside the window. "See you later, Nii."

"Ichi!" Tawag ni Kuya nilingon ko siya at binuksan niya ang compartment sa harap. "Bring this with you," inilabas niya ang isang pistol at iniabot sa akin.

"But.."

"Just in case things will get worse, bring this with you."  Pag-abot pa niya sa pistol. Iniabot ko iyon at tinitigan. I wouldn't use this. Maybe for the sake of Reed.

"Be careful, otouto."

Tumango ako sa kanya at iniipit sa tagiliran ko ang pistol. "Amari, you know what to do," wika ko. "Roger that," sagot ni Amari sa kabilang linya.

Agad kong pinasok ang dorm. Kapansin-pansin na madilim ang loob at sobrang tahimik. "Meron silang daan sa basement makikita mo 'yon sa bandang dulo ng fire exit." Aether said on the other end.

Inilibot ko ang mata ko. Only one hallway is lit. Tumungo ako roon at kahit pa medyo malayo ako ay dinig ang tunog ng mga makinarya.

Itinulak ko ang nakaawang na pinto at dinig na dinig ang mga pag-uusap sa loob.

"Hayaan mo siya riyan, Dieve, riyan siya nararapat." Umalingawngaw ang boses ni Janice sa silid na iyon. Bumaba ako sa hagdan na 'yon.

"Magsisisi ka, Janice," tiim bagang na wika ni Dieve. Roon ko napansin si Reed na nakaratay sa isang hospital bed.

Agad kong hinugot ang pistol sa tagiliran ko at nagpakawala ng isang putok sa computer system nila. Agad na tumunog ang mga alarm at nagpanic ang iba pang kasamahan ni Rich doon.

Tumingin sa gawi ko si Dieve at ngumiti. "You're just in time," wika niya. Bumaba ako sa hagdan at tinutok ang baril kay Rich. "Paano mo nagawa sa mga kapatid mo ito?!" Galit na wika ko.

Ngumisi siya at tinignan si Reed na hirap nang huminga. "Paano?" Dumampot siya ng isang syringe sa gilid niya at lumapit kay Reed. "Simple lang, gusto ko makahanap ng kasagutan sa mga problema sa medisina, at si Reed at Aether ang maaaring sagot doon." Isinaksak niya sa isang IV drip ni Reed ang syringe.

Agad na napuno ng impit na hiyaw ni Reed ang kwarto. "Matulog ka na lang, Reed." Wika ni Rich at akmang hahawakan niya si Reed nang magpaputok ako muli.

"'Wag mong hahawakan si Reed," nanginginig ang kamay ko sa galit. Tinignan ko si Reed na agad naghahabol ng hininga. Agad akong tumungo sa kanya at hinawakan ang malamig niyang kamay.

"Hey, Reed. Wake up," nangingilid ang luha na wika ko. "Ne, Reed. Do you hear me?"

"I-Ichi?" Parang bulong na wika niya. "Andito ako, Reed. Don't worry, I'm here."

Inilapat ko sa pisngi ko ang kamay niyang malamig. It's ice cold but I don't mind as long as I hold her hand. "I'm here." Mahinang wika ko. Kapansin-pansin ang pagbagsak ng luha sa kanyang mata. "W-wala akong makita, Ichi." Paos ang boses niya at namumutla na siya. She seemed so tired. Pilit niyang iniangat ang isa pa niyang kamay.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon