Chapter 43

2.9K 107 123
                                    

[Ryoichi]

Bigla kong naihinto ang motor ko nang may rumehistro sa isip ko ang imahe ni Reed na nakatayo sa harap ng sakahan kasunod noon ay may baseball bat na humampas sa kanya.

Agad na nanlaki ang mata ko at hinubad ko ang helmet ko. Inilabas ko ang helmet ko at tinawagan si Dieve. "Dieve, puntahan mo sa bahay nila si Reed. 'Wag siyang hahayaan na umalis ng bahay," hinihingal na wika ko. Narinig ko naman ang pagtataka ni Dieve ngunit agad itong nabahiran ng pag-aalala.

"Susunod ako sa iyo sa bahay nila Reed, tawagan mo rin ang iba," agad kong ibinaba ang tawag at isinuot ang helmet ko tsaka ito pinasibad.

Nanginginig man ang kamay ko at natatakot sa maaaring mangyari ay pinilit ko pa ring pakalmahin ang isip ko.

Lumulusot na ako sa pagitan ng mga sasakyan sa pagmamadali. Nararamdaman ko ang paghampas ng hangin sa katawan ko.

Nang makarating ako sa harap ng bahay nila Reed ay andoon na rin si Dieve. Tumango ako patungo sa kanya at siya namang pagpindot ng doorbell. Wala pang ilang minuto ay bumukas ang gate nila at bumungad sa amin ang nanay ni Reed.

"Dieve, Ryoichi, ano ginagawa niyo rito? Kakaalis lang ni Reed," wika ng nanay niya. "May alam ho ba kayo kung saan siya pumunta?" Tanong ni Dieve.

"Ah! May kakikitain daw siya-" naputol ang balak sabihin ng nanay ni Reed nang may tumawag kay Dieve.

"Sino 'yan?" Tanong ko. "Si Reed," wika niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Hello?" Mahinang wika niya.

"Janice, teka, kumalma ka." Nabakas ko ang pag-aalala sa boses ni Dieve nang marinig kong si Janice ang kausap niya.

Nasaan si Reed? Ano nangyari bakit na kay Janice ang telepono niya?

"Shit!" Narinig kong pagmumura ni Dieve. "Hijo, ano ang nangyari?" Tanong ng mommy ni Reed. Humarap si Dieve sa nanay ni Reed kapansin-pansin din ang pagtagis ng panga niya. "Tita, nawawala si Reed, tanging cellphone lang niya ang nakita ng kasamahan namin," napadako ang mga kamay ng nanay ni Reed sa kanyang bibig.

Maging ako ay para bang pinagbagsakan ng langit at lupa nang marinig na nawawala si Reed. Wala akong magawa kundi ang makuyom ang kamay ko. Kasalanan ko ito.

"Tatawag ako ng mga pulis," may bikig sa boses na wika ng nanay ni Reed. "No use, Tita. Hindi naman natin alam sino ang dumukot kay Reed, may kilala ba kayong kagalit ng pamilya niyo?" Tanong ko ngunit umiling lamang si Tita. "Tita pupuntahan namin ang kaibigan namin, subukan niyo nang magreport sa police," nagmamadaling wika ni Dieve na patungo na sa sasakyan niya. "Ryoichi sumabay ka na sa akin." Wika niya nang buksan ang pinto. "No need, mas mabilis ang motor." Agad kong tinext si Kuya para itrack ang cellphone ni Reed. Di naman nagtagal nang makaalis si Dieve ay nasend na sa akin ni Kuya ang location.

"Malapit lang 'yon dito," bulong ko nang makita ko kung saan ang subdivision na huling nakita si Reed. Agad kong pinaandar ang motor ko at dumaan sa pinaka malapit na ruta.

Nang makarating ako roon ay walang bakas ni Reed ngunit nakita ko lamang si Janice na nakayakap kay Dieve at umiiyak. "Ano nangyari?" Bungad ko nang matanggal ko ang helmet ko. Agad na nabaling ang atensyon sa akin ni Janice.

"Tinext ko si Reed kaninang umaga na pumunta rito, pero nang makarating ako rito wala siya, nakita ko lang 'yong cellphone niya sa pinitak," wika ni Janice na lalo pang naiyak at yumakap kay Dieve.

"Saan mo nakita ang cellphone ni Reed?" Tanong ko. Tinuro niya ang lugar ng pinitak na maputik at may bato-bato pa. Bumaba ako roon at tinignan ang paligid. Tumalungko ako sa lupa nang makita ko na may parang bakas ng dugo roon.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon