Chapter 19

3.9K 140 28
                                    

[Reed]

Kanina pa kinakatok ni Ryoichi ang pintuan na nasa tapat ng unit niya. Halos masira na ang pintuan sa kakakatok niya pero wala pa ring sumasagot.

"Sino ba kasi ang nakatira riyan?" Tanong ko sa kanya. Nanatili lamang siyang tahimik at nanatiling salubong ang kilay. Naiwan si Aether sa unit niya dahil halos tulala at mukhang na trauma sa nakita niya kanina.

"I just need to confirm one thing." Seryosong wika niya. Nakita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya at ang pagtiim bagang niya. Habol niya ang hininga niya nang may marinig kaming papalapit na yabag.

Lumingon ako sa pinanggalingan noon at nakita ko si Amari na naka halukipkip at nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin. "Ano ginagawa niyo riyan?" Tanong niya. Agad siyang hinablot sa kwelyo ni Ryoichi.

"Umamin ka, Amari." Nakikita ko ang galit sa mga mata niya at masasabi kong nakakatakot iyon. "Ano aaminin ko?" Seryosong wika naman ni Amari. "Don't make a fool out of me, Amari," nagngingitngit si Ryoichi.

"Baliw ka na ba, Ichi?" Mataas ang tono na sigaw ni Amari. Nagulat ako nang ibalibag siya ni Ryoichi sa kalapit na pader. Kung hindi naipangsanggala ni Amari ang katawan niya ay maaring tumama ang likod niya sa pader.

"Amari Reign Ramos, also known for his alias as Rim. I know already who and what you are! You are Rim of the band Renaissance, a band who gone hiatus just weeks ago!" Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Amari. "You're not a girl. Not an innocent girl but a man hiding beneath a dress. You own a blue Chevrolet Cruze."

Ipinilig ni Amari ang ulo at ngumisi. "Ano naman ngayon?" Nagugulat ako sa paraan ng pagsasalita niya. Ibang iba sa Amari na kilala ko'ng cute at bubbly. Ang Amari sa harap ko ngayon ay may mapang asar na ngisi at halos hindi ko na makilala.

"Totoo pala na walang maaaring itago sa isang Ryoichi Hiroto. Ano pa nga ba ang maitatago ko sa isang hacker at feeling detective na katulad mo?"

Lumapit si Amari kay Ryoichi at nakipagtagisan ng titig. "Ano kailangan mo sa akin, Hiroto?"

"Sagot." Maikling sagot ni Ryoichi. Tumaas ang kilay ni Amari at umangat lalo ang sulok ng labi niya. "Kung ako ba ang isa sa may mata? Oo, alam kong alam mo na 'yon at maging ni Ree–"

"Hindi 'yon!"

Natigilan si Amari sa pagtataas ng boses ni Ryoichi. Nakita ko ang ibang mga kalapit na unit nilang lumalabas sa unit dahil sa komosyon nilang dalawa. "Anong sagot ba ang hanap mo, Hiroto? Diba 'yon lang naman ang hinahanap mo'ng sagot?!"

Itinulak ni Ryoichi si Amari gamit ang braso at iniangkla 'yon sa leeg ni Amari na at kita ko ang mapanuyang ngiti sa mga labi ni Amari. "Sagotin mo ang tanong ko, Amari." Matalim ang mga mata ni Ryoichi na nakatitig sa mata ni Amari. "Don't play dumb and innocent."

Sumeryoso naman ang mukha ni Amari at kita roon ang pagtataka. "I have an evidence that your Cruze is in front of Aether's house earlier." Nakita ko ang pagpapalit ng ekspresyon sa mata ni Amari. Mula sa pagkaasar ay nahaluan ito ng pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin? Unbelievable, Hiroto. Ako lang ba ang pwedeng mag may-ari ng asul na Cruze?" Tumingin si Amari sa akin. "Hoy, lampang babae. Alis alisin mo nga lang sa harapan ko ang boyfriend mo'ng sa sobrang talino ay laging nag jump in sa conclusion." Pahablot na tinanggal ni Amari ang pagkakasakal sa kanya ni Ryoichi.

Agad siyang tumalikod at pumasok sa unit niya pero sa ilang malalaking hakbang ay naabutan siya ni Ryoichi at hindi ko na napigilan ang mapatili nang sapakin ni Ryoichi si Amari. "Nasaan ka ng four o'clock ng hapon!" Mahigpit ang hawak ni Ryoichi sa kwelyo ni Amari. Nagdudugo ang gilid ng labi ni Amari.

"Wag kang tanga, Hiroto! Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo!" Natigilan si Ryoichi sa pagtaas ng boses ni Amari. "Ano ba ang gusto mo mangyari, Hiroto? Hindi ko nga alam kung ano 'yang pinagsasabi mo!"

"I don't know what's running with that fat brain of yours, Hiroto, pero mag isip ka. Be logical. Hindi lang ako ang may Cruze rito at lalong ang may kulay asul na Cruze." Malalim ang paghinga ni Ryoichi at halatang hinuhugot niya ang paghinga niya.

"Oo, tama ka. Lalaki ako at nagcross dress lang ako. Kung naghihinala ako, hindi ba kahina hinala rin ang nasa paligid ng babaeng 'yan?" Nakatingin siya sa akin habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon. "Hindi lang ako ang dumating. Bakit hindi mo paghinalaan ang umaaligid na lalaki sa kanya?"

Tumingin si Ryoichi sa akin, salubong ang mga kilay niya pero kumpara kanina ay mas kalmado siya. "Hindi magagawa ni Dieve 'yon. Walang alam si Dieve sa atin." Pumilig ang ulo ni Ryoichi at bumaling ulit ang tingin kay Amari. "Hindi pa ako tapos sa iyo, Amari."

Naglakad papunta sa akin si Ryoichi, his jaw locked and his eyes flaring with anger. Hinatak niya ako sa pulsuhan at halos kaladkarin papasok sa unit niya. "Ryoichi, nasasaktan ako." Napapaigik na lamang ako sa pagkakahawak niya. Napapansin ko ang pulang mga marka sa pulsuhan ko.

Nagulat ako nang itulak ako ni Ryoichi sa isang kwarto at saka siya pumasok at ni-lock 'yon. Matalim ang tingin niya sa akin. "Sino ang Dieve na 'yon? Ano ba siya sa iyo?"

Natatakot ako sa boses ni Ryoichi. Bakas na bakas ang galit sa kanya. "Ryoichi, kumalma ka lang." Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako dahil sa pinakikita niya ngayon. Para bang kaya niyang manakit kahit pa babae ka. "Kumalma? Reed, someone's life is almost at stake, again!"

Napatalon ako nang sumigaw siya. Galit na galit siya. Kitang kita ko iyon sa paraan ng pagtingin, paghinga at sa pagkuyom ng kamay niya. "Reed, buhay ang nanganganib sa bawat oras na nagpapabaya tayo!"

Natahimik ako. Oo, andaming buhay ang nadadamay nang dahil sa amin. Dalawang buhay na ang nalagay sa panganib at isa roon ang nasawi na.

Naiintindihan ko ang galit ni Ryoichi. Naiintindihan ko na nag-aalala siya sa mga nakapaligid sa amin, lalo sa mga katulad namin na may kakaibang mga mata. Hindi ko na rin maiwasan ang mapag-isip-isip sa maaring mangyari sa akin at sa amin.

Tinignan ko muli si Ryoichi, malalim na ang paghinga niya. Para bang hinahabol na lamang niya ito, namumutla na rin siya at mistulang may dinadaing na sakit. "Ryoichi, ayos ka lang ba?"

"Don't divert our topic to me, Reed." Malamig na wika niya. Bahagya akong lumapit sa kanya ngunit siya ring pag atras niya.

"Who is this Dieve? Bakit bigla na lang siyang dumating matapos mamatay ni Rin?" Seryosong tanong niya. Bumuntong hininga siya na para bang nahihirapan na siyang huminga. "Hindi ko alam, Ryoichi. Basta lang dumating si Dieve." Lumapit akong muli sa kanya nang mapansin ko ang pamumuo ng butil ng pawis sa noo niya.

"Ryoichi, okay ka lang ba?" Sinapo ko ang noo niya ngunit hinawi niya agad ang kamay ko. "Tss, leave me be."

Binuksan niya in-unlock niya ang pinto at nilakihan ang pagkakabukas roon tsaka niya iminuwestra ang ulo niya palabas ng pintuan. "Umalis ka na."

Sobrang lamig ng Ryoichi na nasa harap ko ngayon. Kahit pa namumutla na siya ay nanatili ang galit niyang ekspresyon. Hindi ko na kaya pang tignan ang matatalim niyang tingin.

Papalakad na ako nang may marinig akong kalabog. Liningon ko ang pinanggalingan noon at nakita ko si Ryoichi na nakahiga sa lapag walang malay at namumutla.

"Kuya Dino!" Tawag ko kay Kuya Dino at agad ako lumapit kay Ryoichi.

Inalog alog ko siya pero walang response at putlang putla na si Ryoichi.

"Ryoichi, gising. Ryoichi!"

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon