Chapter 15

5K 162 50
                                    


[Reed]

Inaayos ko na lamang ang clip sa buhok ko nang pumasok si Mama sa kwarto. "Oh, papasok ka na? Baka mabinat ka."

Nilingon ko siya at nginitian. "Ma, tama na yung buong weekend nakakulong ako rito." Nakalabi kong wika. "Ayoko naman mabagot dito."ngumiti lang si Mama. Humalik ako sa pisngi niya at nakangiti bumaba sa hagdan. "Pa, asan si Kuya?" Tanong ko kay Papa nang makita kong wala si Kuya sa hapag.

"Nauna na," bumagsak naman ang balikat ko dahil hindi ko na naabutan si Kuya. Umupo na lang ako sa madalas ko'ng upuan at tahimik na lamang kumain. Nang matapos ako ay tumikhim ako para mapansin nila ako.

"Aalis na po ako." pagpapaalam ko. Mabilis akong lumabas ng bahay at sinalubong ng malamig na hangin. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw kaya maraming mga naglalakad kasama ang mga aso nila, ang iba ay nagjogging. Pasarado na ang pinto ng tren nang makarating ako kaya halos nagmamadali na ang mga taong maaga pa ang pasok. Hindi tuloy maiwasan na magitgit ako, dahil na rin sa pagkakagitgit ay nawalan ako ng panimbang at kamontikan nang sumubsob kung hindi may mga bisig na sumalo sa bewang ko.

"Hey, watch it." napatingin ako sa boses na nagsalita at halos manlaki ang mga mata ko. "Dieve," mahinang usal ko. Ngumiti siya kaya naman lumabas ang malalalim niyang dimples. Napansin ko rin na naka-uniporme siya na katulad ng amin. "Paano'ng—" napigil ang pagsasalita ko nang sagutin niya ang tanong ko. "Kakilala kasi ni Mom ang Dean sa school niyo, matataas naman daw ang grades ko kaya tinanggap nila ako." Napapakamot sa batok na sagot niya.

Medyo nakaramdam ako ng ilang nang maalala kong nakahawak pa rin ang braso niya sa bewang ko. Pasimple ko siyang itinulak palayo pero naramdaman ko ang paghigpit ng hapit niya sa bewang ko. Hinayaan ko na lamang siya dahil halos magsiksikan na rin naman ang mga tao sa loob ng tren.

"Ano ba!?" Narinig ko ang pamilyar na asik an 'yon sa bandang likuran ko. "Bakit ba ang init-init ng ulo mo? Tsk. Masyado kang maarte para kang hindi lalaki." Napalingon ako sa likuran ko at nagulat ako nang makita ko si Ryoichi na may kasamang isang babae na mas matangkad ng kaunti sa akin kahit pa tanggalin ang takong sa ankle boots na suot niya.

Kung titignan ay halatang anak mayaman siya. Maganda ang mahaba niyang buhok na kulutan at may headband siya na may bahagya pang design hanggang sa likod ng ulo niya. Makapal man ang make up sa mata niya ay hindi no'n naaalis ang kagandahan ng mata niya. Maputla man ang kulay ng labi niya at tila ang lambot noon. Bagay sa kanya ang uniform na suot niya at halos malaglag ang panga ko sa kinis ng hita niya kahit pa above the knee ang suot niyang knee high socks.

Tinignan ko ang pangalan niya, Amari Reign Ramos 052745.

Napadako ang paningin ni Ryoichi sa amin at nakita ko ang lalong pagkunot ng noo niya at halos magdikit na ang kilay niya. Naramdaman ko naman ang mahinang pagpisil ni Dieve sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya kay Ryoichi at tila baga nagtatagisan sila ng tingin— para bang nagsusuntukan at nag-aaway sila sa pamamagitan ng paningin.

Para tuloy humaba pa ng ilang minuto ang byahe. Kinukulit pa rin ni Amari si Ryoichi at si Ryoichi naman ay kulang na lang itulak si Amari palayo— kung hindi lang ito babae. Bumaba na kami nang makatapat sa babaan papasok.

"Reed!" Narinig ko ang baritonong boses ni Ryoichi kaya napatingin ako sa kanya. Nagmamadali siyang lumapit sa akin samantalang si Amari ay nagpapapadyak sa harap ng estasyon habang tinatawag ang pangalan ni Ryoichi. Nagtitinginan na rin ang ibang estudyante sa gawi namin. Bahagya kong inilayo si Dieve sa akin, laking pasalamat ko na rin nang tanggalin niya ang kamay niya sa bewang ko.

Malalim ang paghinga ni Ryoichi at nakatingin sa akin tsaka inilipat ang tingin kay Dieve. "Sino ka naman?" Dinig ko ang maangas na tanong ni Dieve kay Ryoichi pero tinignan lang siya ni Ryoichi at ipinukol sa akin ang matatalim na tingin. "I said—"

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon