Chapter 4

10.1K 364 158
                                    

[Reed]

Nanatili ang ngiti ko kahit wala na sa paningin ko si Ryoichi. May naniniwala sa akin. Naniniwala siya. Pero may pagkamagulo ang lalaking yon, biglang susungit tas magiging palabiro. Tsundere kaya siya?

Maglalakad na sana ako ngunit may humawak sa braso ko. May ngisi siya na hindi mo maipaliwanag. "I found you," umakyat ang kilabot sa aking katawan nang magsalita siya. Malamig ang kanyang boses at may kakaibang nakatago roon.

Pilit akong kumalas sa kanya pero hindi niya ako binitiwan. "Sorry, hindi kita kilala," nang sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ay lalo niya itong ibinaon. Napaigik ako nang maramdaman ko ang kuko niya.

Nandoon ang nakakatakot niyang ngisi. "One of those who are given the Eyes of Gods."

"H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."

"Isa ka sa mga mayroon non diba?"

"Anong mayroon?" Alam ko na ang tinutukoy niya pero pilit kong tinatago kung ano ang ibig niyang sabihin. Tinignan ko ang parameters niya pero nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko makita ang kamatayan niya?!

"Hindi mo makita, tama ba?" Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya, kakaiba ang kulay nito, kaiba sa mga kulay ng normal na tao. May pagkapula ang kanyang mga mata. Naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa braso ko kaya sinamantala ko iyon upang mabawi ang braso ko.

"Reed Tyler, ang isa sa nabigyan ng mata ng mga diyos. Ang nakakakita kung paano at kailan mamamatay ang isang tao," tinakpan niya ang isa niyang mata. "Hindi ka nag-iisa."

"P-paano mo nalaman?" Nakita ko na lalong lumapad ang ngisi niya. "Sumunod ka sa akin."

Naglakad siya kaya sinundan ko siya. Pumunta kami sa likod ng paaralan kung saan wala masyadong estudyante. "Sino ka ba? Mayroon ka rin ba ng mata? Ano ibig mong sabihin na hindi ako nag-iisa?"

"Hindi lahat ng nakikita ay totoo," makahulugan niyang wika. "Nakuha mo, diba? Ang itim na rosas?" Nanlaki ang mga mata ko nang makuha ko ang pinapakahulugan niya.

"May anim na rosas akong ipinakalat," naglabas siya ng anim na maliliit na ubod ng rosas. "Una ang puti, ang puti ay pumakakahulugan ng kapanganakan, buhay para mas maliwanag," ibinaba niya iyon sa lamesa na naroon.

Hinawakan niya ang pula. "Pula naman sa kapahamakan," katulad ng ginawa niya sa puti ay ibinaba niya rin. "Lila sa pagtatagumpay, rosas sa pag-ibig, bughaw sa kinabukasan, at itim sa kamatayan." Naibaba niya lahat ng rosas at nakatingin lang ako roon.

"Sino ka ba talaga at ano kailangan mo sa akin?"

"Ako? Isa ako sa anak ni Kamatayan, babalaan lang kita. Marami ang gustong gumamit ng mga kakayahan niyo, hanapin mo silang lahat bago magamit sa mali ang kakayahan ninyo," makahulugan niyang sabi. "Penelope Grim," inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Alam kong alam mo na ang pangalan ko," tumango lang siya.

"Mag-iingat ka Reed, isang pagkakamali mo katapusan at pagkawasak ang kalalabasan nito sa inyo."

"Bakit ka andito?"

"Para tulungan ka, kayo."

"Bakit ako?" Tinignan niya ako at ngumiti. "Nakita ni Ama na tama lang na sa iyo niya ibigay ang ibang parte ng mata niya, alam niyang magagamit mo yan sa mabuti."

"Pero di ko naman nailigtas ang buhay ni Vivien," yumuko ako nang pumasok ang imahe ni Viv sa isipan ko.

"Ah, Vivien Delgado, she's one rot soul," napatingin ako sa kanya at may hawak siyang notebook na itim parang planner kung titignan. "Mabait nga siya pero dad wants her on oblivion para malinis ang kaluluwa niya for rebirth."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon