Chapter 32

3.2K 134 68
                                    

[Reed]

Matapos ang pag-uusap namin ni Ryoichi sa baltonahe ay agad akong umalis doon. Saktong paglabas ko naman ng baltonahe nakita ko si Dieve na nakatayo sa harap nito.

He's standing there looking lifeless. "Dieve, kanina ka pa riyan?" I asked. He didn't answer. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. He looked at me and back to the balcony. "Dieve." Mahina kong tawag sa kanya.

"Don't mind me, halika na. Ihahatid na kita sa inyo." He said as he walked away. Pakiramdam ko pinipilipit ako sa sakit. Pakiramdam ko may ginawa akong mali kay Dieve.

Hinabol ko agad siya at humawak sa kanyang kamay. "Dieve, ano problema? Kausapin mo naman ako, please!" Pagmamakaawa ko but then he shrug my hands.

Hindi ko na pinansin pa sila Janice nang makaraan kami sa kanila. Hindi ko na rin nakuha pang magpaalam sa kanila. "Dieve, please." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Reed, nagmamakaawa rin ako." Mahina ang boses niya nang makapasok kami sa elevator pababa sa parking lot.

Bumalong na ang mga luha sa aking mata hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya. Hindi niya ako kinikibo. It's different from the usual Dieve na kilala ko. Inihinto niya sa isang tabi ng kalsada ang sasakyan niya.

"Dieve.."

"Reed, wala na ba talaga?" Pagputol niya sa akin. I was taken aback. "Nakita ko kayo ni Ryoichi. Hindi ko man alam kung ano ang pinag-uusapan niyo pero nakita ko kung paano ka kumapit sa kanya, kung paano ka umiyak sa bisig niya. Wala na ba talaga? Reed, kahit ngayon lang sana maalala mo ako. Kahit hindi mo maalala ang naging relasyon natin bago pa man mawala ang alaala mo."

"Alam ko.." wika ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. "Dieve, alam ko. Alam ko na bago ako mawalan ng alaala kung ano relasyon natin. Hindi naman ako tanga para hindi ko mapansin 'yon."

"Pero alam kong hindi ka rin tanga na 'di mapansing nasasaktan ako!" Nagulat ako nang hampasin niya ang manibela. "Reed, tao rin naman ako! Nasasaktan ako! Oo, nagpapakatanga ako pero Reed napapagod din ako."

Hindi ako makapagsalita. Wala akong mahagilap na mga salitang nais kong sabihin sa kanya. Wala akong maapuhap na boses upang tanggalin 'yong sakit na nararamdaman niya.

"Reed, mahal kita. Hindi naman ako nagkulang na iparamdam sa iyo 'yon. Sa paggising mo hanggang ngayon lagi akong nasa tabi mo. Pero wala na bang magagawa pa ang mata ko?" His teeth clenched. "Ano silbi ng Eye of Love ko kung ang taong mahal ko 'di naman ako makuha mahalin?"

Umiling ako. "Dieve, I'm really sorry." Narinig ko ang mahinang mga hikbi niya. "Noong sinagot mo ako one year ago nang dalin kita sa Baguio dahil iniwan ka ni Ryoichi. Sobrang saya ko no'n sabi ko sa sarili ko di ko na pawawalan pa 'yong babaeng mahal ko simula pa nung pagkabata ko." His breathing is heavy. "Lalo akong walang pagsidlan ng tuwa nung sinagot mo ako. Dahil para sa akin nakalimutan mo na siya. Sobrang tanga ko lang na 'yon ang isipin ko kahit pa kitang-kita naman na si Ryoichi pa rin ang iniisip mo, pero di ko ininda 'yon basta akin ka wala akong pakielam."

He took a deep breath. "But you were never mine after all, Reed. All along from the very beginning you're his. It's as if I just borrowed you."

Wala akong magawa kundi ang umiling. I want to stop his pain but I can't. I'm the reason why he's aching, why he's too vulnerable.

Wala akong ibang maisip na gawin. Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumapit sa kanya saka ko siya niyakap. "I'm sorry, Dieve. I really am. Kung dalawa lang ang puso ko-"

"I didn't ask for you to love me completely. Kahit maliit lang na espasyo sa puso mo, kahit kaunting pagmamahal lang masaya na ako, Reed."

Hindi ko alam pero tumatagos sa akin ang mga salitang sinasabi niya. That I realize hindi sa hindi ko siya kayang mahalin but dahil mahal ko siya but I cannot return how ardent his love is for me.

I tried to soothe his pain by running my hands to his hair down to his back. "I love you, Dieve, but I really can't return the love you give me. You're special to me."

I felt his hands hug me back. His arms feels so cozy. But the warmth and safety I have found in Ryoichi's arms are different. "Okay lang, Reed. Ang marinig kong mahal mo rin ako kahit pa bilang isang kaibigan ay sapat na." His voice cracked. Hiding the pain within him is too much for him already. Ayoko nang dagdagan pa ang binibigay kong sakit sa kanya.

I hugged him tighter. Wala akong masabi na kahit ano pa sa kanya. Nanatili akong tahimik. Tanging ang mahinang paghikbi niya ang naririnig sa loob ng sasakyan.

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at tumingin sa aking mga mata. "Reed, can I have a favor to ask?"

"What is it?"

"Can I kiss you? A last kiss." My eyes widen with what he said. "Ano ibig mong sabihin, Dieve?"

"Please?" Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang. I saw him smile a little showing his dimples. "Thank you."

My chin between his thumb and pointing finger. He closed his eyes as the gap between our face grew closer.

I closed my eyes expecting his lips touching mine but nevertheless he kissed the side of my lips.

"I believe those lips are for the person who you truly love." He said with a smile. "It's enough for me." Tears started to stream down my face. "You're crying again, lagi na lang kita nakikita umiyak. You should smile." Wika niya nang nakangiti habang pinapalis ang mga luha sa aking pisngi.

"You should be happy now, Reed. I'm setting you free. I love you. And I believe that when you love someone you let go of them especially when they are not meant for you. Reed, I'm breaking up with you." He said with a sad smile on his face. He cupped my face and lean his forehead against mine. For the last time he whispered. "I love you."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon