Chapter 24

3.4K 131 48
                                    



[Reed]

Natulos ako sa kinatatayuan ko. He's back. He really is back. Pero wala nang kaligayahan pa sa puso ko. Lalong lumukob ang takot sa akin.

When we were together we result to a tragedy, nung lumayo siya hindi na naulit ito. But death is inevitable kaya hindi ko rin na mapipigilan pa ang kamatayan ng iba.

"Reed," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang mga nag-aalalang mata ni Dieve. Alam ko, Dieve, alam ko. Hindi man niya sabihin nakikita ko ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. Ngumiti lamang ako sa kanya at muling tumingin kay Ryoichi.

"You're back," mahinang usal ko. Iba na ang itsura niya kesa nung huli ko siyang nakita. He seemed well. Lumaki na rin nang kaunti ang katawan niya at nadepina ang kanyang katawan. Pumuti rin siya at lalong tumangkad, hindi man maskulado ang katawan ay hindi ito katulad noon na payat.

Tahimik lang siyang nakamashid sa akin. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa aking ina at ama. "Nasaan si Kuya Dino?" Tanong ko. Tila naman nagitla siya sa tanong ko ngunit nakahuma rin agad at umiling. "Mauna na po ako," wika niya. Kinuha niya ang itim na duffle bag sa gilid ng sofa at naglakad palabas.

Hindi na siya si Ryoichi na nakilala ko.

Pinagmasdan ko lamang ang pigura niya na papalayo at nanatiling nakatayo sa hamba ng pintuan namin. Napagitla na lamang ako nang ipatong ni Dieve ang kamay niya sa aking balikat. "He's back, may kakompitensya nanaman ako." Mahina niyang wika. "I'll go now, Reed. Mauna na po ako, Tito, Tita." Paalam niya.

Tahimik at maingat ang bawat hakbang niya. Tila ba ubod ng bigat para sa kanya ang bawat pag hakbang palayo. Tila ba katapusan na ng mundo.

Dalawang lalaking tinalikuran ako sa araw na ito. Isang bumalik at isang nanatili sa tabi ko. Nalilito ako sa kung ano ba talaga ang dinidikta ng puso ko.

Ayoko maiwan muli, hindi ko alam kung tama nga ba ang desisyon ko. Kung tama nga ba ang naiisip ko pero alam kong ito lang ang ikatatahimik ko at ng sarili ko.

I have no time for regrets. Dahil sa umpisa pa lang pinagsisihan ko na ang mga desisyong ginawa ko. I'll only bring end to them but not this time. Not today. Not anymore.

Ibinaba ko ang mga dala kong gamit at tumakbo palabas ng bahay namin. "Dieve!" Hindi siya lumingon sa akin.

Tuluyan mo na ba akong talilikuran, Dieve? Wag ngayon, wag muna. Hindi ko kaya lalo at andyan siya at walang kasiguraduhan kung andito siya para sa akin.

Nabubuo ang mga luha sa aking mga mata. "Dieve!" Muli kong tawag ngunit tila bingi na siya sa mga palahaw ko. Tila ayaw na niyang lumingon pa dahil maaaring ikasira na niya ang muling paglingon.

"Die—"

Isang nakabibinging tunog ang sumalubong sa akin. Isang tunog na nagbabadyang ito na ang aking huli.

I haven't seen him for yet my end came close to me.


[Ryoichi]

Isang nakabibinging tunog ng busina at pagkakayupi ng metal ang narinig ko. Hindi ko mabuksan ang pintuan ng kotse ko.

What have you done, Ichi!

Tila nanlalamig ang mga palad ko. Pinagpapawisan ang aking noo. No! Not today.

Nagkukumpulan ang mga tao sa gilid ng isang kotse. Nakita ko rin ang paglabas ng magulang ni Reed sa tahanan nila para maki-osyoso. "Nakakaawa naman siya, ang gandang babae pa naman." Dinig kong wika ng isang estudyante. "Teka! Hindi ba siya 'yung nasa kabilang bahay na katabi ninyo?"

"Hala! Oo nga!"

Halos manlaki ang aking mga mata nang makita ko si Dieve na buhat-buhat ang duguang katawan ni Reed. Puno ito ng sugat.

"No," bulong ko. This can't be true.

Bakit ganito kalupit ang tadhana? Wala na sa akin si Kuya Dino bakit pati si Reed?

Namumuo ang mga luha sa aking mata at hindi ko magawang makahuma sa bilis ng mga pangyayari.

"Ryoichi.. Ingatan mo si Reed.. Alam ko'ng alam mo ang kakayahang meron siya." Nanginginig man ang duguang mga kamay ni Kuya Dino ay nakuha pa niyang magsalita. "Kuya.. Sino gumawa nito? Dare no?! Dare no!" (Who?! Who!) umiling lamang siya at ngumiti.

"Ingatan mo siya, hindi na ako magtatagal pa, hijo." Nararamdaman ko ang pagdaloy ng mga luha mula sa aking mga mata. "Kuya! Wag mo ipipikit ang mga mata mo," pilit kong tinatapik ang nalalantang katawan ni Kuya Dino. "Kuya, no! Don't leave me!"

My hand curled into fist. The white marbled floor stained with blood. A lifeless body close to me.

Kuya Dino died because someone killed him, I found him stabbed inside my grandmother's penthouse. Tinignan ko rin ang mga CCTV but the same goes with the case of Rin. Tumatalon din ang CCTV. It seems like someone hacks inside the security building or someone close to me is the one committing these murders.

"Reed!" Ang malakas na palahaw ng kanyang ina ang nagpamulat sa akin sa mga nangyayari. Nakita ko si Dieve na isinasakay sa kanyang sasakyan si Reed. Agad din akong sumakay sa sasakyan ko.

This is too much to handle. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa mga nangyayari.

It drives me to a conclusion.

Danger comes to you wherever you are, but fatality will come as you approach danger yourself.

Nang hawakan ko ang manibela ng aking sasakyan ay tila ako nakuryente sa nakita ko.

No, it won't happen. Not if I try to fight against it.

Sinubukan kong magmaneho nang maayos pero ang utak ko ay na kay Reed. Kung ayos lang ba siya? Kung walang gaanong injuries sa kanya, ngunit muling pumasok sa isip ko 'yong kaninang itsurang nadatnan ko. Her head bathing with her own blood, her arms filled with cuts and I bet her body filled with bruises.

Ihinampas ko ang aking kamay sa manibela, this wouldn't happen if I didn't came back. You really are a cursed child, Ryoichi!

Maybe because of the adrenaline I just found myself in front of the hospital. Hindi ako agad nakababa. I watched as Dieve carries Reed's limp body. Puno na ng dugo ang damit ni Dieve pero hindi niya iyon ininda.

He really loves her, he loves her to the point that even risking his own life being close to her was nothing to him.

"Damn it. You look good together. Sana naman inalagaan mo siya habang wala ako. Habang nag iisa siya sana ikaw ang kasama niya. No one will always be good for her but you, Dieve."

Iniatras ko ang aking sasakyan at umalis na rin sa parking. "I'll never be good to anyone."

Nagmaneho lamang ako at walang pakielam kung saan ako dadalin ng walang hanggang kalsadang aking tinatahak. Might be good that I don't have any idea where I'll go.

Gusto ko lang lumayo. Gusto ko maalis sa isip ko ang duguan niyang katawan. Ang mukha niyang may bahid ng dugo, ang maputi niyang brasong napuno ng gasgas at sugat. Those sight are horrendous for me to take.

Hindi ko kaya lalo na kung si Reed ang pinag-uusapan.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon