Chapter 17

4.6K 153 17
                                    




[Reed]

Nang makapasok ako ay break time na kaya naman lahat ng mata ay nakatuon sa akin. "Ano? Ayos ka na?" Tanong ni Janice na sinalubong ako. Ngumiti naman ako at tumango. "Wag kasi masyadong paimportante," nakita ko ang pagsasalubong ng kilay ni Janice at hinarap niya si Amari na ngayon ay nakahalukipkip at nakataas ang isang sulok ng labi.

"Oh, bakit ikaw ang tinamaan? Hindi naman ikaw pinatatamaan ko." Mapanuya niyang sabi kay Janice na ngayon ay nakakuyumos na ang mga palad. "Tyler, 'wag ka masyadong paimportante ah. Nakakairita eh. Dalawang lalaki ba naman. Ha! Pakiputulan nga 'yang buhok mo."

Pilit naman akong ngumiti sa kanya. "'Wag ka mag-alala. Hindi ko naman sila pinipilit na lumapit sa akin— sila ang nagkukusa." Tumingin ako kay Janice. "Tara?" Tanong ko at tumango naman siya. "Ha! Anong akala mo sa sarili mo? D'yosa? Gaga, mas maganda ako sa'yo." Sigaw pa ni Amari, narinig ko namang bumungisngis si Janice. "Bakit?" Nangingiting sabi ko.

"You burned her down sa huli mo'ng sinabi." Tsaka nagpakawala siya ng tawa. "Sino nga ba 'yong isang gwapong lalaking sumusunod kanina? Mukhang bago lang siya eh."

"Ah, si Dieve ba?"

"Dieve ba pangalan no'n?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Kababata ko 'yon. Tumira siya sa Baguio." Maikling paliwanag ko. Tumango-tango naman siya. "Alam mo, Reed. Napapaisip tuloy ako, parang totoo yung sinasabi nung Amari bitch na 'yon. Masyadong mahaba hair mo." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Oh ngayon di ka makasagot. Tsk. Sino ba gusto mo? Si Papa Ryoichi o 'yung Papa Dieve na childhood sweetheart mo." Tumaas baba pa ang kilay niya kaya naman tinapik ko ang balikat niya.

"Childhood sweetheart ka riyan. Manahimik ka nga."

"Sus! Deep inside kinikilig ka naman." Sabay kaming natawa sa huli n'yang sinabi at di namin namalayan na nakarating na kami sa canteen. Andoon na si Laurice at pumapapak na ng blueberry cheesecake. "Oh, strawberry cheesecake 'yan tas strawberry smoothie. Alam ko namang paborito mo 'yan. Nakakaloka ka." Natawa naman ako sa kanya. "Dapat siguro araw-araw akong himatayin para may libre akong strawberry cheesecake at smoothie."

"Baka gusto mo sa susunod lifeplan na ibigay ko sa iyo. Loka na 'to nag alala ako sa iyo tas ngayon bibiro-biro ka ng ganyan. Abno talaga."

"Kaibigan mo naman." Nakangising sabi ko. "Oo naman." At muli kaming nagtawanan. "Nga pala bumalik na pala si Dieve." That's not a question that's a statement and I sound something interesting on her voice. "Bakit? Liligawan mo?" Tanong ko. "Loka, bakit ko liligawan 'yon?"

"Hey, ano 'yang di ko nalalaman?" Pagsingit ni Janice kaya naman tumingin ako kay Laurice at saka bumaling kay Janice. "Kasi itong si Laurice, may crush kay Dieve simula pa man noong bata kami." Nakangisi kong kwento at nakita ko naman ang pag-pula ng pisngi ni Laurice.

"Yah! Reed, tama na nakakahiya." Natawa naman ako sa naging reaction ni Laurice na halos maging sinpula ng kamatis ang mga pisngi. "Bakit nahihiya ka? Gusto mo pa rin siya no?" Pang aasar ko at lalo siyang namula pati ang tenga niya ay namumula na.

"Hindi ka naka move on all those years? Wow, loyal ka beks!" Mapang asar na sabi ko at sinundot-sundot pa siya ni Janice sa tagiliran. "Yah! Stop! Kumakain ako oh." Turo niya sa blueberry cheesecake na kinakain niya. "Sige kumain ka muna, di pa kami tapos sa iyo." Mapanuksyong sabi ni Janice at tumayo naman siya tsaka pumila sa bilihan ng inumin.

Bumaling naman ako kay Laurice. "Oi, Lau. Akala ko ba crush mo lang siya noon? Bakit parang iba na ngayon?"

Tinignan niya naman ako at saka huminga ng malalim. "You know Reed. Bata man tayo noon hindi ignorante ang puso natin. Sabi nga nila walang pinipili ang pag-ibig? Nagkataon tinamaan ako ng matindi kay Dieve."

Napangiti ako. "That really comes from you na halos buwan-buan may bagong boyfriend ah." Ngumisi naman siya sa akin. "Hindi boyfriends tawag doon. Flings lang 'yon." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Wow, flings lang pala sila. So all along ang iniimagine mong boyfriend mo ay si Dieve?"

"Malamang!"

Tumango-tango ako at binawasan ang strawberry cheesecake ko. "Kamusta naman kayo ni Ryoichi?"

Tumingin ako sa kanya at ipinilig ko ang ulo ko sa tanong niya. "Ano ibig mong sabihin?" Ngumunguyang tanong ko. "Hmm.. You seemed close to each other. Kung nakita mo ang reaksyon niya kanina nag aalala siya sa iyo."

Tumango naman ako. "Normal naman siguro 'yon."

"In what way 'yong normal?" Tanong niya. Tinignan ko siya at may mga mapaglarong ngisi sa labi niya. "What do you mean?"

"You know what I mean."

"I don't know what you mean." Pagtanggi ko.

Dumating naman agad si Janice na may dalang ice tea at umupo sa tabi ni Laurice. "You know kaunti na lang masasabunutan ko na 'yong Amari bitch na 'yon." Bakas ang inis sa boses ni Janice habang nakatingin sa gawi ni Amari.

"You know that girl seems familiar." Napatingin ako sa sinabi ni Laurice atsaka ibinalik ang tingin kay Amari. "I mean that Amari girl she seems familiar."

"Huh?" Tanong ni Janice.

"She looks like the guitarist of a band named Renaissance, which gone hiatus just weeks ago." Napatingin naman ako sa kanya. "But I think I'm imagining things."

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Well the one I'm saying is a man. He's a crossdresser atsaka madalas ang suot noon ay gowns or dresses na under the knee. Mostly boots ang footwear niya cute boots honestly. Tas madalas ang themes ang suot niya is bohemian and victorian era designs, you know 'yong maraming frills lalo sa laylayan ng dresses at sa sleeves no'n." Napatango naman ako. "Also hindi Amari ang name no'ng sinasabi ko. It's Rim, he's a fantastic guitarist, minsan na akong nalinlang no'n na babae siya." Natawa naman si Laurice habang nag explain. "Si Rim heavy make up ang suot niya, hindi man makapal 'yong foundation pero halatang may contour sa mukha niya, while Amari just use heavy eye shadow. Maybe she just looked alike like him."

Napatingin naman ako kay Janice. "Come to think of it, flat siya kahit ganoon ang katawan niya."

"Grabe ka naman makaflat! Tinamaan ako!" Parang na offend na sabi ni Laurice kay Janice at natawa naman ako. "Oi, kahit papaano mayroon 'yan. 'Yung kanya talagang flat eh." Tumawa naman si Janice kaya natawa na rin kami ni Lau.

Natahimik naman kami nang makita naming paraan si Amari sa gawi namin. Nakita kong inirapan niya ako at naglakad palayo. "She really looks like him."

"She sure is flat."

Muling nagtawanan 'yong dalawa at ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanila. Sana nga makatawa pa ako oras na tuluyan nang gumulo ang lahat.

Makuha ko pa nga bang ngumiti oras na nag umpisa na lahat? Oras na ang mga premonitions sa panaginip ko ay mangyari?

Napabuntong hininga ako, nanatili kami roon kumakain habang nag uusap.

Nang marinig ko ang bell ay nauna na akong maglakad sa kanila.

"Tyler," napalingon ako nang makita ko si Amari na nakatayo sa gilid ng pintuan ng classroom namin. Tinignan ko lang siya pero seryoso masyado ang mukha niya.

"You better hurry up." Pinilig ko ang ulo ko sa isang gilid. "Mas malaki ang tsansa na maraming buhay ang mawala oras na naunahan tayo. That means we'll fail." Pumasok na siya sa classroom at naiwan akong napamaang sa pwesto ko.

Tila nag echo ang mga bagay sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kulay sa mukha.

Maaring hindi kami makaligtas lahat oras na gumulo ang lahat.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon