Janice Fuego

3K 99 33
                                    

Ilang araw na ba simula nang huli kong makita si Dieve? Ilang araw na ba nang makita kong unti-unting hinahabol na lang niya ang kanyang paghinga?

Unti-unti ay tumulo nanaman ang mga luha ko. Tinignan ko ang mga nasa selda kasama ko at di ko mapigilan ang tumingin sa labas kung saan malaya ang mga tao.

Tahimik akong nakagitgit sa isang sulok. Sa tabi ng malamig na rehas. Iniisip kung ano na nga ba ang nangyari kay Dieve. Hindi ko mapigilan tignan ang mga kamay ko. Ilang tao na nga ba ang napatay ko dahil lang sa pagbubulag-bulagan at pagnanais na masakamay si Dieve.

"Tulungan mo ako at magiging iyo si Dieve." Wika niya habang sumisimsim ng beer at naglalakad sa hardin nila.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Tanong niya. Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Dahil ito lang ang paraan para maging sa iyo si Dieve. Gusto mo siya hindi ba? Ngayon na dinala niya si Reed sa Baguio naiwan kayo rito. Naiwan ka rito at ang malala pa roon may relasyon sila."

Parang winawasak ang puso ko sa pagsampal niya sa akin ng katotohanan. "Unrequited love." Narinig kong wika niya at unti-unti ay umalis siya sa hardin.

"Teka!" Wika ko sa kanya. Tumayo ako at hinawakan siya. "Hindi magiging ayos lahat ng bagay dahil dito. Handa ka ba na gawin ito?" Tanong ko sa kanya nang makita ko ang kahihinatnan niya.

Makukulong lamang siya sa kung ano ang balak niya. Sa rehas lang din ang bagsak niya.

Ngumisi siya at inalis ang nakahawak kong kamay sa kanya. "Sigurado ako rito, Janice. Si Rin nga napatay ko upang malaman kung totoo ang sinasabi ni Penelope Grim si Reed pa kaya? Mata niya ang kailangan ko."

Ibang tao ang kaharap ko. Hindi siya ang palangiting Rich na nakilala ko. Paano niya nagawa lahat ng iyon?

Ikinuyom ko ang aking kamao at isinandal ang aking ulo sa pader. "Bakit ka ba kasi pumayag sa plano niya?"

Ilang araw nang nakaratay si Reed sa ICU. "I killed Dino." Napalingon ako sa kanya. Ngumisi lamang siya. "His face when I said to him what his little boy's secret."

Tumingin lamang siya kay Reed na nakaratay sa higaan habang si Dieve ay nakabantay sa kanya. "Bumalik na si Ichi. Wala nang dahilan pa para manatili sa tabi ni Reed si Dieve. Magiging iyo na siya."

Lumingon ako sa kanya. Para bang nanlilisik ang kanyang mga mata. Tinignan ko si Reed na humihinga na lamang gamit ang makina.

Hawak-hawak ni Dieve ang kanyang kamay. Marahil nagmamakaawa na sana gumising na siya. Nasasaktan ako sa tanawin na ilang araw nang hindi umaalis si Dieve rito sa ospital.

Pero kung kailan kailangan ko ng kasama wala akong nakakasama. Inilibot ko ang tingin sa loob ng selda. Dito nga lang ako nararapat.

Nasaktan ko si Reed pati na si Dieve at Ichi. Nasaktan ko sila at tatanggapin ko na di na nila ako mapapatawad pa.

Nabulag ako sa pagmamahal. Nabulag ako sa pagnanais na sana ako ang nasa posisyon ni Reed. Nabulag ako sa paghihiling na balang araw mapapasa akin din si Dieve.

Ngunit hindi lahat ng gusto ay mapapa sa iyo. Hindi lahat ng nais ay magiging madali makuha. Dapat makontento ka kung ano ka lang.

Dapat tinanggap ko na lamang na kaibigan lang ang turing niya sa akin, na hindi hihigit pa roon. Bumuntong hininga ako at hinawakan ang malamig na rehas.

Ito na ang buhay ko. Buhay ko bilang isang taong nananakit mi-ultimo isang kaibigan.

Kaibigan?

Tumulo ang mga luha mula sa aking mata. Itinuring akong kaibigan ni Reed pero di ko siya tinuring bilang isa. Tinuring ko siya bilang kaagaw at hadlang.

Hindi ako nararapat na maging kaibigan niya. Hindi ako nararapat na itinuring niyang parte ng buhay niya.

"Fuego," tawag sa akin ng isang pulis. Tumingala ako sa kanya at namumugto man ang mga mata ay tumayo ako. "May bisita ka."

"Sino?" Pagtatanong ko. Naglakad siya papalapit sa akin at bigla akong napaluhod sa harapan niya.

"Sorry, sorry sa lahat ng nagawa ko. Nagmamakaawa ako patawarin mo ako." I have nothing to do but to grab his slacks. Nakaitim lang siya na polo at ang buhok niya ay naka hawi palikod.

Nakatingin lamang siya sa akin. "Sorry di ko sinasadya, nabulag ako masyado sa emosyon ko." Wala akong magawa kundi ang kumapit sa kanyang pantalon.

Tumalungko siya sa harap ko. Kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Halata ang pagod sa mga mata niya.

"Sorry?" Mapanuya niyang tanong. "Maibabalik ba ng sorry mo ang kapatid ko?" Para bang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa winika niya.

His words are venom. The words he spite are daggers to my ailing heart.

Patuloy ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Wala akong magawa kung hindi ang yumuko sa paanan niya.

Hindi ko na maibabalik pa ang nawala. Hindi ko maibabalik ang panahong lumipas na. Naikuyumos ko ang isa kong kamay na nasa lapag. "Hindi na maibabalik pa ng sorry mo ang kapatid ko, Janice."

Hindi ko na napigilan pa ang matinding paghagulgol. "You killed Ryoichi and Dieve, Janice."

Naninikip na ang dibdib ko sa nalaman ko. They died and it's because of me. Namatay sila dahil sa kasakiman ko. My mind is clouded.

Narinig ko ang papalayo niyang yabag. "I'm sorry."

Tinititigan ko ang matulis na piraso ng salamin. Ito na lamang ang paraan para matapos na ang lahat. They died because of me. Ito ang gusto ni Ryosuke na ipalabas. Hindi ko na maibabalik pa ang kapatid niya lalo na si Dieve.

An eye for an eye, a life for a life.

Tumulo ang luha ko. Akala ko hindi na ako makakaluha pa lalo pa at pagod na ako. Pagod na ako masyadong umiyak. This will be my last

Tinititigan ang pulsuhan ko. This would be the end of everything for me. But I hope Reed start anew. But because of me she'll find it hard. It's not that she doesn't have a future. I took her future away.

Dahan-dahan naramdaman ko ang hapdi ngunit wala pa ring kasing sakit na isipin na pinatay ko ang lalaking mahal ko.

"Paalam at patawad."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon