Chapter 6

9.4K 288 116
                                    

[Ryoichi]

I stare at their files.

Janice Rivera Fuego
Reed Buenaventura Tyler

Dinampot ko ang file ni Reed and scan it.

Reed Tyler

Address: 67 Block A, Hidalgo Street, Lousiana Subdivision, Quezon City
Gender:Female
Born: January 19,2017
Parents: Renz Peralta Tyler and Edna Feles Buenaventura
Siblings: Rich Lourd Tyler and Rin Wendolyn Tyler
Interests: Rock songs, books, cooking and baking

Tinignan ko ang iba pang files na kasama ng information niya pero walang ibang kahina-hinala. She couldn't have the eye right?

"Hindi ako makakabuti sa lahat, Ryoichi, kamatayan ang dala ko, kamatayan ang nakikita ko, ikaw ang isa sa magiging mata ko para magamit ng maayos ang mga kakayahan na mayroon ako."

Those words repeats in my mind like a broken record.

Kamatayan? I don't think so.

She couldn't bring the eye especially I have the eye of danger. Naglapag si Kuya Dino ng garlic sticks sa harap ko tsaka tsaa. "Any clue found, Ichi?" Umiling ako, inilapag ko ang files at kinuha ang isa sa garlic sticks na nilapag ni Kuya.

Something on her is interesting yet I know I will put her in danger when I tried to discover that thing. "Nga pala, sabi ng doctor mo wag ka masyadong pakakastress," Kuya Dino butted while I'm deep in my thoughts.

Ngumiti ako at tinignan si Kuya Dino. "Sure Kuya," yeah, sure, soon I'll be gone but I don't know when, and I would trade anything just to know when so this would end.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko nang maubos ang tsaa at garlic stick na binigay ni Kuya. Nang pumasok ako sa kwarto ay sabik na tumatahol si Ziggy tsaka tumakbo pabalik sa kama at nahiga roon.

Napangiti ako sa simpleng aksyon ng aso ko, Ziggy somehow relaxes me from all the stress I have. Nang umupo ako sa gilid nang kama ay kumakawag ang kanyang buntot that's why I pet him. He barked cheerfully and lick my hand afterwards.

Humiga ako at sumiksik sa tagiliran ko si Ziggy tsaka ipinatong ang ulo sa aking tiyan. Hinimas ko ang ulo niya at pinaglaruan ang kanyang tainga hanggang sa nakatulog siya.

Muling bumalik sa isip ko ang scene kanina. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong eight o'clock na ng gabi. Hindi siya maaring mayroon ng matang yon. Ginulo ko ang buhok ko. Why the hell am I frustrated by it? Ichi, you should not interfere on someone's fucking business.

Pabaling-biling ako sa higaan nang maghating-gabi na. Hindi mapakali sa kanya. Nag-aalala ako na baka pag pumikit ako ay siya ang makita ko. Makita ang kapahamakan na maaring abutin niya. Kapahamakan na sisira sa kanya. Damn it! Nasisiraan ka na Ichi! Get a grip.

Ano ba kasi ang totoo? Nahihirapan ako sa pag-alam ng totoo. Ano ba talaga ang mayroon ka— Reed Tyler?



[Reed]

Nagdesisyon akong umuwi nang bahay para roon muna mag palipas ng gabi. Hindi ko maalis sa isip ko si Ryoichi.

Bakit ganon siya umasta? Bakit siya natatakot na malapit kami sa kanya? Kung ako na kamatayan ang dala, bakit siya natatakot gayong kapahamakan lang naman ang kanya?

Naguguluhan ako.

Ipinusod ko nang bun ang buhok ko tsaka pumasok nang kusina. "Meng?" Tawag ko sa pusang alaga ko. Pahihirapan nanaman ba ako ng pusa na iyon?

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon