Chapter 11

6.4K 199 50
                                    




[Reed]

Through out the week of mourning Ryoichi stays with me. He have been my shoulder to lean on and a person to cry my heart with. Somehow when I'm with him I feel like he's an oasis in a desert.

Buo ang loob ko na hanapin na ang natitira pang dalawa. I figured out that the one who approaches me the day Rin died is the one with the Eye of Life. She's Aether Irish Allyson.

Her other eye is blind because of a tragedy she went through but she didn't tell us what it is. Nalaman ko rin na isa siya sa mga nilapitan ni Penelope upang balaan.

"I still don't think that Penelope is an ally," napatingin ako kay Ryoichi habang siya ay tahimik na nakapalumbaba sa cafeteria ng school. Laurice and Janice are on line buying our lunch. Tinutukso pa nga kami ng dalawa kaya sila na ang bumili ng pagkain para daw may solo time kami.

"Why not trust her, Ryoichi? She's the one who gave me these roses to find each of those who have the Eyes," ipinikit lang niya ang mata niya at ngumuso. "I still don't trust her."

Napangiti lang ako sa sagot niya. Sa loob ng isang linggo na laging andyan si Ryoichi sa tabi ko, I get to know him more. He's an intimidating person if you look at him, tahimik siya masyado at para bang kailangan mong dumistansya sa kanya but deep inside he's still vulnerable. Maari siyang maging carefree when he get along with you.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya nang dumating si Janice at Laurice. "Oi, ano 'yang tingin na 'yan?" Laurice teases and Janice laugh at her teasing. Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi ni Lau. Umupo siya sa tabi ko at bumulong.

"I saw something the way you look at him," halos maibuga ko ang iniinom kong strawberry yogurt drink sa sinabi niya. I scoff in disbelief at tumingin kay Ryoichi na kaharap ko lamang. He's silently chewing his tuna sandwich.

Naramdaman ko naman ang pag siko sa akin ni Laurice kasabay ng mahinang pag pigil ng tawa ni Janice. Pareho ko silang pinukulan ng masamang tingin pero sinawalang bahala lang nila.

'Mga loka-loka' anang isang banda ng isip ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ng Carbonara at hindi na pinansin ang mahina nilang hagikhikan. Alam kong namumula ang pisngi ko dahil dama ko ang init ng pisngi ko.

Sa ilalim ng mga pilik mata ko nakita kong nakatingin si Ryoichi sa akin kaya lalo akong yumuko at sinusubukang itago ang mukha sa bangs ko. When do I feel so conscious with someone else? Maybe because this is the first time I had lunch with a guy.

Narinig ko ang mahinang pagtikim ni Janice kaya ako napatingin sa kanila. Pareho silang abot tainga ang ngiti pero nagulat kami nang tumayo si Ryoichi. "Mauna na muna ako," seryoso niyang wika. Tumango naman ako samantalang si Janice at Laurice ay balak pa siyang pigilan ngunit tumalikod na siya at nagpamulsa.

Nang makalayo na si Ryoichi ay hinarap ko silang dalawa at tinignan ng masama. "Ano ba talaga ang binabalak niyo?" tanong ko pero nagtinginan lamang sila at naghagikhikan. "Chemistry." Nakangising wika ni Laurice.

"Ano kinalaman ng Science?" nagtataka kong tanong. Nagtawanan lang sila pero natigil yon nang biglang nag ring ang telepono ko.

"Hello?"

Tahimik lang sa kabilang linya. Tanging mahinhing paghinga lang. "Aether?" tawag ko sa kanya pero mahinang paghinga lang muli ang narinig ko.

"Rooftop, with Ryoichi," tumingin ako sa rooftop at nakita ko siya roon nakatayo at nakasuot ng ibang uniporme. May eye patch ang kaliwa niyang mata. Hawak ang telepono at nakatingin sa akin.

Agad kong binaba ang tawag at nagtext kay Ryoichi na magkita kami sa rooftop. Pagka akyat ko roon ay wala pa si Ryoichi pero andoon si Aether at Penelope. "Nahanap mo na pala ang tatlo pa, dalawa na lang, Reed." Mahinang usal ni Penelope at tumingin kay Aether na nakatingin lang sa langit.

"Ano kailangan mo?" napaigtad ako sa boses na narinig ko mula sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko si Ryoichi na humahangos pa. Masama ang tingin niya kay Penelope pero lumakad sa banda namin si Penelope at nagsalita;

"Nag-umpisa na ang lahat, mabuti pa ay hanapin niyo na ang natitirang dalawa, mag-ingat kayo, may isang tao na malapit sa inyo na siya ring tutupad sa nakikita niyong dalawa."

Tila kinilabutan ako sa sinabi ni Penelope pero sinubukan kong hindi magpaapekto.

"Sino ito at bakit niya gagawin yon?" tanong ko. Nagkibit balikat lang siya. "Walang nakaka-alam, maging ako ay hindi ko malaman, andito lang ako para balaan kayo."

Kumalabog naman ang dibdib ko sa nalaman ko. Tumingin ako kay Aether na nakatitig lamang sa aming dalawa. Nakaputi siyang uniporme na may black sa bandang dulo ng sleeves at black na ribbon tsaka white skirt at black knee high socks tsaka black na two inches leather shoes.

Nakasuot sa kanya ang pulseras niya na mayroong puting rosas. "I told you it all started, at the very beginning I felt something wrong with the two of you, lalo pang naging komplikado na ikaw ang kamatayan at ikaw naman ay kapahamakan." Para bang tagusan sa kaluluwa namin ang titig niya.

"Wag mo ipagsawalang bahala ang panaginip mo Ryoichi, lalo ikaw Reed, wag mo ipagsawalang bahala ang nakikita mo, alam kong dalawang beses mo na yang napatunayan pero may isang buhay ka nang nailigtas dahil sa matang yan." Seryoso ang tingin ni Penelope. Napatingin ako kay Ryoichi.

Para siyang tinakasan ng kulay sa sinabi ni Penelope. May nakita na ba siya? May ipinagsasawalang bahala ba siya?

"Each premonitions means something big to a person, lalo sa susunod na biktima." Naglakad na palabas si Penelope pero nanatili lang doon sa railings si Aether.

[Ryoichi]

Premonitions lahat nang naririnig ko at nakikita sa panaginip ko pero paulit ulit na yon. Iba ibang boses pero pareho ang hinihingi. 'Tulong.'

Pero hindi ko makakalimutan ang narinig ko na boses noong nakaraang gabi. Tumingin ako kay Reed na nakatingin lang rin kay Aether. Hindi ko malilimutan ang boses niya na yon.

Ang boses na nagmamakaawa, ang boses na tila ba pinahihirapan siya at kaunti na lamang ay susuko na. Hindi ko mapigilan hindi kilabutan sa mga narinig ko.

If my mind is playing with me that time I might be insane but hearing Penelope's words, doon ko naintindihan na masamang pangitain na iyon.

Tinignan ko si Reed sa tabi ko. Hindi ko alam ang maaring mangyari sa iyo, Reed, but I don't think it will be easy. Many lives might be at stake right now because of you, because of us.

Ito ang kinatatakutan ko, ang may madamay na ibang tao dahil sa kakayahan kong wala namang ibang nakakaalam bukod sa akin at sa mga taong lubos akong nakikilala o sa mga taong katulad ko.

Humarap sa amin si Aether. Ngumiti siya but that smiles shows something. Maging ang mata niya ay tila nagsasabi na hindi na maganda lahat ng nakikita niya. "Mag-iingat kayo, nababahala na rin ako sa maaring mangyari sa inyo, sa atin."

Unti-unti siyang lumapit sa akin at tumingkayad. Inilapit niya ang labi niya sa tainga ko at bumulong. "Mag-iingat ka sa mga nakapaligid, ingatan mo siya. Siya lang ang maaaring makaalam kung kailan matatapos ang lahat." Tila ako kinilabutan sa sinabi niya.

Nang tinapik niya ako sa balikat ay tsaka ko pa lang napagtantong nagpipigil ako ng hininga. Parang sumisikip ang dibdib ko sa mga narinig ko ngayong araw na ito.

Hindi ako makapag isip ng tama, kung makakapag-isip man ako ay maaring lahat ng iyon ay tungkol sa sinabi sa akin ni Aether at nung babaeng kasama niya.

"Sino yung babaeng kasama ni Aether kanina?" tinignan ko muli si Reed at nakikita ko rin ang takot sa mga mata niya. "Penelope Grim," mahina niyang wika.

Kung totoo man ang mga sinabi ni Aether at Penelope siguro dapat na kaming magmadaling sa paghahanap sa natitirang dalawa. Maging ako ay natatakot sa maari naming kahantungan ni Reed at maging ng iba pa pero wala na nga kaming magagawa pa dahil hindi naman na ito maiiwasan pa.

Hindi na kami makakatakas pa. ang tanging pwedeng gawin ay ang salubungin, labanan at tanggapin ang maaring mangyari.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon