CHAPTER 1: Airport

143K 2.5K 963
                                    


When I was a kid, I always wonder why people say that "Airports are one of the saddest places on earth."

Kaya pala... Ang sakit pala talaga. Ang sakit makita na ang taong pinakamamahal mo ay mapapalayo sayo. Iyong sanay ka na lagi siyang nandyan pero ilang minuto na lang... wala na siya sa'yo. Ang masama pa nito, sa isang bansa pa siya na kasalukuyang bawal mag video call pupunta. Buti na lang pwede ang messages, tawag, at pictures. At least makakapag usap pa rin kami, at least kahit sa litrato pwede ko siyang makita.

Heto na... Narinig na namin ang ang announcement ng PA na dapat na silang pumunta sa departure area. Ilang minuto na lang talaga at wala na akong magagawa.

"Sinong pogi? Sinong pogi?" Tanong ni Jana habang hinihamas ang aso naming si Pogi na isang Pug.

Bakit Pogi ang pangalan niya? Kasi kulobot ang mukha niya at malalaki ang kanyang mga mata. Palagi din itong nakasimangot. Ang mga bata sa amin panget ang tawag sa kanya. Kaya to compensate, Pogi ang pangalan niya. Bagay naman 'di ba?

Dinilaan lang ni Pogi ang kamay ni Jana, at ako ang kunwaring sumagot, "Arf! Arf!"

Napatingin si Jana sa akin nang nakangiti, "Weeeeh? Ikaw ba si Pogi?"

"Bakit? Pogi naman ako ah?" sagot ko.

Tumayo siya at hinawakan ang mga pisngi ko. "Syempre naman, at wala nang mas popogi pa sa'yo. Mag behave ka dito ah. Dapat makapasa ka."

"Arf! Arf!"

Natawa siya sa sagot ko at pabiro niyang kinurot ang mga pisngi ko, "Ikaw talaga."

Napangiti ako ngunit pag kalipas ng ilang saglit... bigla akong nakaramdam ng matinding kalungkutan at nawala ang ngiti sa aking mukha. "Why do I feel that I'm not gonna see you again?"

Sumimangot din siya at kita ko sa kanyang mata na parang maiiyak na siya, "Kier my love, I promise we will see each other again. I'll be back; this will be just a year or two."


Saglit akong pumikit at tinangoan ang kanyang sinabi.

Tapos ay yinitigan ko ang kanyang mukha na parang kinakabisado ko lahat ng detalye at angulo nito.

Ilang saglit pa, nakita namin na kumakaway na si Tita Jizelle sa kanya. Senyales na dapat na silang umalis. Naglakad kami papunta sa Mama niya. Habang papunta, hila hila ko ang napaka bigat niyang bagahe na tila nakalagay doon ang bigat ng nararamadaman ko sa kanyang pag alis. Hawak ko ng mahigpit ang isa niyang kamay at hawak naman niya si Pogi sa kabila.

Tumigil ako bigla. Sa huling minuto mas lalo kong ayaw na umalis siya, dahil hindi ko talaga kaya.

"Kier, what's wrong?" Tanong niya sa akin nang may pag aalala.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha sa aking mga mata, "I can't do this, please don't go."

"Kier..." Niyakap niya ko nang mahigpit. Dati-rati isang yakap niya lang okay na ko at gumagaan agad ang pakiramdam ko. Pero this time, hindi ko napigilan ang maiyak.

"I'm sorry, but I have to. Hindi ba sabi mo tutuparin natin ang mga pangarap natin? Babalik ako agad, mabilis lang ang dalawang taon. Pag balik ko Attorney Kier de Leon ka na dapat ah."

Wala na talaga akong magagawa. Aalis na siya at magiging matagal pa bago kami ay muling magkita.

Agad kong pinunasan ang aking luha at napangiti ako sa kanyang sinabi. Para sa kanya, mag aaral akong mabuti at ipapasa ko ang bar exam,"Mag iingat ka palagi sa Saudi ah. Kakayanin ko para sa'yo. Pag uwi mo, Attorney na ako. Promise yan!"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now